Kakatapos ko lang maligo. Ang sarap mag babad sa bath tub. Nakakatanggal ng stress.
Naka-indian sit ako ngayon sa ibabaw ng kama habang pinagmamasdan sa labas ng bintana ang mga bituin sa kalangitan.
Kahit nasa hinaharap o future na ako ngayon, ang mga bituin sa langit ay wala pa rin pinagkaiba sa mga bituin na nakikita ko kapag gabi sa panahon na aking pinanggalingan.
Dahil sa mga bituin na nakikita ko ngayon nakakaramdam ako ng panandalian katahimikan at kapayapaan sa aking kalooban.
Sana makita ko na si Enrys, ang halo. Para mahanap ko na rin ang nawawalang pahina ng epilogo sa aklat ng propesiya.
"Uuuhhhmn... Urrrgggh..." Nawala bigla ang atensyon ko sa mga bituin nang narinig kong parang may umuungol sa loob ng kuwarto.
"Urrrrgggh..." Narinig kong nagmumula ito sa kama ni Zayne.
"Urrrrgggh... Exo..." Tumayo ako sa kama at tahimik na naglakad papalapit sa kama ni Zayne.
"Urrrrgggh... urrrrgggh..." Umuungol si Zayne. Mukhang nanaginip siya ng masama.
"Urrrrgh... Exo..." Sinubukan ko siya yugyugin para magising.
Napansin kong may tumutulo ng mga luha sa magkabila niyang mg mata.
"Exo... dus..." Hindi pa rin magising si Zayne kahit malakas na ang puwersa ng pagyugyog ko sa kanya. Hanggang sa narinig ko na lang na sumigaw siya nang napakalakas.
"Aaaaaaahhh!" Sa kanyang pag sigaw ay may kakaiba akong puwersang naramdaman na naging dahilan para tumilapon ako sa may pinto ng kuwarto namin.
"Aray ko." Sambit ko nang naramdaman kong may kumirot sa aking likuran. Dahan-dahan akong tumayo. Nakita ko naman si Zayne na gising na pero umiiyak sa kama habang tinatakpan ng dalawa niyang kamay ang kanyang mukha.
Nilapitan ko si Zayne at tinanong kung bakit siya umiiyak matapos magising.
"Zayne, ano nangyari sa'yo?"
"Huhuhuhu..." Patuloy lang siya sa pag iyak.
"Zayne tumingin ka sa akin. Ano nangyari sa'yo? Nanaginip ka ba ng masama?" Sabi ko sa kanya sabay patong ng kanang kamay ko sa kaliwa niyang balikat.
"Napanaginipan ko na naman ulit huhuhu..." Sagot niya sa akin habang patuloy pa rin sa pag iyak.
"Napanaginipan ang ano?" Nag aalala kong tanong sa kanya.
"Nakakatakot. Sobrang nakakatakot. May mga demonyo. Mga kastilyo at gusali na gumuguho. Mga nilalang na ni minsan hindi ko pa nakita sa tanan ng aking buhay. At... at kamatayan. Maraming patay huhuhu..." Bigla akong kinilabutan sa kanyang mga sinabi tungkol sa masama niyang napanaginipan.
"Tumahan ka na Zayne. Panaginip lang iyon. Isang masamang panaginip." Pag aalo ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang likuran.
"Hindi mo ako naiintindihan Migz. Ang panaginip ko na iyon, ilang gabi ko na iyon napapanaginipan." Seryosong sabi sa akin ni Zayne. Napabuntong hininga na lamang ako sa kanyang sinabi.
Ilang gabi na daw napapanaginipan ni Zayne ang mga bagay na sinabi niya sa akin.
Ikinuha ko naman si Zayne ng isang baso ng tubig sa water dispenser na malapit sa kanyang kama at ipinainom sa kanya ito para mahimasmasan.
"Sige na Zayne matulog ka na ulit. Mag pahinga ka na." Sabi ko sa kanya matapos niya maubos ang isang baso ng tubig.
Kinabukasan ay nauna akong nagising kay Zayne. Mahimbing siyang natutulog pa rin.
Bumangon naman na ako ng kama at tinungo ang maliit na lababo sa gilid ng aking kama upang mag mumog. Pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto para mag almusal sa canteen.
Nasa canteen na ako ngayon. Mag isa lang kumakain sa lamesa. Buti nga at may isa pang bakante na lamesa. Ang dami kasi nag aalmusal na ibang estudyante ngayon sa canteen bukod sa akin.
"Hi, puwede ba maki-share ng table?" Bigla akong napatingala sa aking harapan nang may narinig akong babae na tumawag ng pansin ko.
"Ah... eh... si... sige." Sagot ko sa babae. Napatulala ako nang nalaman kong si Helen pala ito. Yung babaeng kumanta nang isang araw sa classroom na nadaanan namin ni Ayesa nang papunta kami sa dean's office.
"Thanks." Nakangiti na sabi niya.
Hindi ko mapigilan mamangha kay Helen. Kamukha niya talaga si Mikaela. Pakiramdam ko kasama ko na rin si Mikaela sa future dahil kay Helen.
"Bago ka lang dito sa Fire Castle Institute of Learning no?" Tanong niya sa akin.
"Oo." Nahihiyang kong sabi sa kanya.
"Ano naman ang tinataglay mo na kapanyarihan?"
"Actually hindi ko alam. May amnesia kasi ako. Pinatuloy lang ako ni Mr. Light dito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili rito. Baka kapag bumalik na ang alaala ko saka na ako maaring paalisin ng dean." Sagot ko. Hay, labag man sa kalooban ko ang mag sinungaling ito na lamang ang tangi kong option para manatili sa institute. Para may matuluyan ako habang nasa misyon sa paghahanap ng epilogo.
"Kawawa ka naman pala kung ganun. Sana gumaling ka na sa iyong amnesia." Sabi sa akin ni Helen. Ngumiti na lang ako sa kanya ng pilit at pagkatapos ay sumubo na ng pagkain sa aking pinggan.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kuwarto.
Pagpasok ko sa kuwarto ay nakita ko si Zayne na kalalabas lang ng banyo.
"Good morning!" Bati ko kay Zayne.
"Good morning din." Bati rin sa akin ni Zayne.
"Kumusta ka na?" Tanong ko kay Zayne.
"Okay lang ako. Sorry nga pala sa nangyari kagabi." Paghingi ng paumanhin sa akin ni Zayne habang papunta siya sa kanyang kama.
"Wala iyon." Sagot ko.
"Nakakahiya sa'yo Migz. Nakita mo pa akong umiiyak kagabi."
"Ano ka ba ayos lang sa akin iyon."
"Dapat pala sinabihan kita na mag lagay ng ear buds sa iyong tainga para hindi mo ako narinig na umuungol habang natutulog kagabi haha." Biro sa akin ni Zayne. Tumawa na lang din ako sa kanyang biro.
"Puwede ba ako humingi ng pabor sa'yo Zayne?" Tanong ko sa kanya.
"Ano naman iyon Migz?"
"Ipasyal mo ako sa labas ng institute kung ayos lang sa iyo." Sagot ko.
"Areglado! Ipapasyal kita tutal Sabado naman." Masayang sabi sa akin ni Zayne.
Sa oras na ipasyal ako ni Zayne sa labas ng institute matututunan ko na ang pasikot-sikot sa mga ibang lugar dito. Maisasabay ko na rin ang misyon ko sa paghahanap ng epilogo.
Sana sa paglabas ko ng institute ay mag krus na rin ang landas namin ng halo na si Enrys.
BINABASA MO ANG
Exodus (Completed)
FantasyGenres: Dark Fantasy-Mystery/Thriller-Sci-Fi Started: April 8, 2015 Ended: June 13, 2016 Exodus: A Story With A Missing Epilogue "Hindi katulad sa mga ordinaryong babasahin na libro ang kuwento namin ng mga kaibigan ko. May prologue pero walang epi...