Exodus 13: Run

3.3K 70 0
                                    

"Sa wakas lumabas na rin si Kai ng kuwarto." Sabi ko nang sumunod na rin lumabas si Kai kay Lay. Medyo nakahinga na rin nang maluwag kami ni Mikaela. Lumabas na rin kami sa ilalim ng lamesa kung saan kami nagtago kanina.
 
"Ano na ang gagawin natin ngayon Ell?" Tanong sa akin ni Mikaela.
 
"Mas mabuti siguro kung buksan natin ang mga itim na sako. Nandiyan ang mga kaibigan natin." Tugon ko kay Mikaela. Tumango naman siya sa akin bilang pag sang ayon.
 
Ako ang unang lumapit sa mga itim na sako. Binuksan ko ang isang sako ngunit natigilan ako nang napansin kong may dugo na lumalabas dito. Bigla akong kinahaban. Dahan-dahan kong binuksan ang itim na sako at namilog ako sa aking nakita.
 
"Oh, fuck!" Sambit ko sa sobrang gulat nang masilayan ko ang mukha ni Penelope na puno ng dugo. Nakadilat ang mga mata nito at nakabuka pa ang bibig. Si Mikaela naman parang masusuka sa hitsura ni Penelope.
 
"Oh my God!" Biglang bulalas ni Mikaela.
 
"Bakit Mikaela?" Hindi na nakasagot pa si Mikaela sa akin. Agad na lumapit siya sa ibang sakong itim at pinagbubuksan ang mga ito.
 
Isa-isang nakita namin ang mga mukha nang amin mga kaibigan hanggang sa huling sako na binuksan ni Mikaela. Nanginginig ang mga kamay niya na dahan-dahan binuksan ang sako. Hanggang sa binuksan na niya ito at bumungad sa amin ang ate ni Mikaela na si Denise. Puno ng dugo ang buong katawan nito. Humagulgol na lamang si Mikaela. Patay na rin ang ate ni Mikaela na si Denise gaya ng iba namin mga kaibigan. Hindi mag lalaon kukunin na rin ang mga kaluluwa nila para maikulong sa bote.
 
Inakbayan ko na lamang si Mikaela at pilit na pinapakalma sa pag hagod ng kanyang likuran.
 
Nakakaawa silang lahat. Ang mga kaibigan namin. Kami na lamang ang natitira ni Mikaela.
 
"Ell, hindi na natin nailigtas sila ate Denise huhuhu." Wika sa akin ni Mikaela na tuloy pa rin sa pag iyak.
 
"Oo nga." Sagot ko sa kanya. "Mas mabuti siguro Mikaela kung simulan na natin tumakas. Wala na sina Zac, Ivan, ang ate Denise mo. Wala na tayong rason para manatili pa rito---" bigla naman akong natigilan nang may nagsalita bukod sa amin ni Mikaela sa kuwarto.
 
"Gago! Bu... buhay pa ako. Huwag ninyo ako iwan dito!" Bigla kami natigilan nang napansin namin na nag salita si Isaiah.
 
"Buhay ka pa Isaiah. Thank God!" Masaya kong sabi. "Akala ko namatay ka na rin."
 
"Ulol, masamang damo ito. Matagal pa ang life span ko sa mundo." Natawa naman ako bigla sa turan ni Isaiah sa akin. Nilapitan ko siya agad at tinulungan makatayo mula sa sako.
 
"Tangina, akala ko talaga mamatay na ako. Kainin ba naman ako ng buhay nang napakalaking taong ahas na iyon." Kuwento sa amin ni Isaiah. "Akala ko hindi na niya ako iluluwa. Sobra akong na suffocate sa bunganga niya na may bad breath!" Pagpapatuloy sa kuwento ni Isaiah.
 
"Ell, paano si ate Denise?" Basag ni Mikaela sa pagkukuwento ni Isaiah sa nangyari sa kanya kanina doon sa taong ahas na lumamon sa kanya ng buhay. Bigla naman natahimik si Isaiah.
 
"Oh shoot, Denise is dead? And so the others too?" Hindi makapaniwalang tanong sa amin ni Isaiah.
 
"Oo. Patay na sila. Ikaw lang ang nabuhay sa kanila." Sabi ko kay Isaiah. "And we must go now before Kai get us all."
 
"How about Zoey?" Tanong bigla ni Isaiah.
 
"She's dead..." Sagot ko.
 
"What?" Gulat na wika ni Isaiah.
 
"Yes, she's dead but her soul is kept inside a mystical bottle called the Devonian Bottled Glass." Sabi naman ni Mikaela. At tapos ay lumapit si Mikaela sa shelves, hinila niya ang puting satin na telang nakatakip dito. Muling bumungad sa amin ang napakaraming human souls na nakakulong sa loob ng mga bote.
 
"Isaiah, I'm here!" Narinig kong sigaw ni Zoey mula sa loob ng Devonian Bottled Glass. Nanlaki naman ang mga mata ni Isaiah nang nakita niya ang kanyang girlfriend na si Zoey nasa loob ng bote.
 
"What the hell? Is that for real dude? My girlfriend's soul is inside that small bottle?" Hindi makapaniwala na turan ni Isaiah.
 
"Yeah, that is real Isaiah. Nasa loob ng bote na iyan ang kaluluwa ni Zoey." Sagot ko. "We need to go now." Pagpapatuloy ko.
 
"Wait, don't tell me iiwan ninyo ako rito?" Tanong ni Zoey.
 
"Oo nga Ell iiwan ba natin si Zoey?" Tanong din ni Isaiah.
 
"Then, why don't you just get the bottle of Zoey so we can leave these place now." Suhestiyon ko kay Isaiah. Kinuha naman ni Isaiah mula sa shelve ang bote na naglalaman ng human soul ni Zoey.
 
"Hoy, Isaiah dahan-dahan nga sa pagkuha ng bote ko. Naaalog ako sa loob." Maarteng sabi naman ni Zoey kay Isaiah.
 
"Sorry naman." Sarkastiko naman na sagot ni Isaiah sa kanyang girlfriend.
 
Magkakasama kami na apat lumabas ng kuwarto. Maingat kami sa amin paglalakad. Nakalibot ang amin mga paningin sa buong paligid. Baka kasi mahuli kami ni Kai.
 
"I didn't expect things will turn out in this way." Mahinang sabi ni Isaiah.
 
"Me either." Pag sang ayon ko rin.
 
"Mainam kung makalabas na tayo agad ng hotel para makabalik na sa stop over kung saan natin iniwanan ang mga sasakyan natin." Suhestiyon ni Mikaela.
 
"But that is useless even if we go back there. Flat ang mga tires. As if makahanap tayo ng mekaniko ng ganitong oras---teka anong oras na nga ba?" Sabi naman ni Mikaela.
 
"Its already 5:30 AM." Sagot naman ni Isaiah. Malapit na pala mag umaga.
 
"Kailangan na natin bilisan guys. Kapag nakabalik na tayo sa stop over mag abang na lang tayo ng pampasahero na bus." Sabi ko.
 
"At saan kayo pupunta aking mga bisita?" Bigla kami natigilan sa paglalakad nang makarinig kami ng boses na nagsalita sa amin likuran.
 
"Oh shit we're dead now." Pabulong na sabi ni Isaiah.
 
"Guys, huwag kayo lilingon." Sabi ko ng may mahinang tono ng boses. "Pag bilang ko ng tatlo tumakbo na tayo ng mabilis." Dikta ko kanila Mikaela. "Isa... Dalawa... Tatlo!" At tumakbo na kami nang mabilis. Hawak ko sa kanang kamay si Mikaela. Narating namin ang hagdanan pababa. Ngunit natigilan kami saglit nang nakita namin biglang lumutang sa ere si Isaiah hawak ang bote ni Zoey at may kung anong puwersa ang humila sa kanila papunta kay Kai. Pagkatapos ng tagpo na iyon ay muli kami tumakbo nang mabilis.
 
"Hindi ninyo ako matatakasan mga mortal! Mapapasaakin ka rin Mikaela hahaha!" Sigaw ni Kai na may kasama pang halakhak. Para na siyang nababaliw sa kanyang tawa.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon