Third Person's POV:
"This is so ridiculous!" Naiiritang sabi ni Penelope nang malaman niyang walang signal ang kanyang cellphone.
"Kahit sa akin din wala." Dismayadong sabi rin ni Zoey.
"Ano pa ba ang aasahan natin eh wala naman tayo sa sibilisasyon. Remember we are all out of somewhere." Saad ni Stacey sa mga kaibigan.
"Pero teka nasaan na nga ba tayo? Saan ba'ng probinsya ang Villa Exodus Resort na ito?" Nagtatakang tanong ni Denise. Tiningnan lang siya ng mga kaibigan niya at nag sipag kibit balikat lamang ang mga ito sa kanya.
Tahimik lang na nakaupo naman si Mikaela sa isang sofa. Kanina pa niya pinagmamasdan ang orasan.
"Alas onse na pala ng gabi." Mahinang sabi niya. Narinig naman siya ng kanyang ate Denise.
"Okay ka lang sis? Ang tahimik mo ata." Tanong ni Denise sa bunsong kapatid.
"Oo pero ate Denise parang kinakabahan ako." Sagot ni Mikaela sa kanyang ate Denise.
"Bakit naman?"
"Hindi ko rin alam ate."
"Itulog mo na lang iyan. Baka pagod lang iyan." Nakangiting sabi ni Denise kay Mikaela.
"Sige ate." Matipid na sagot ni Mikaela.
Tumayo na si Mikaela sa sofa na kanyang inuupuan at pumunta na sa kama para matulog.
***
Mahimbing nang natutulog ang lahat sa kuwarto ng mga babae. Ang lakas pa ng hilik ni Penelope. Dahil sa ingay ng hilik ni Penelope ay biglang naalingpungatan si Zoey.
"Punyeta, ang ingay naman ng babaeng ito matulog!" Naiiritang sabi ni Zoey habang nakatingin ng masama kay Penelope.
Ipinikit na muli ni Zoey ang kanyang mga mata para matulog. Ngunit hindi na siya makatulog pang muli. Sobra kasing lakas ng hilik ni Penelope. Bumangon na lamang siya ng kama at lumabas ng kuwarto nila.
Zoey's POV:
Lechugas naman iyan si Penelope walang pose kung matulog. Ang lakas ng hilik niya. Pinaglihi ba siya ng nanay niya sa amplifier? Buwisit naman!
Saan naman kaya ako pupunta ngayon? Kanina pa ako naglalakad sa hallway. Kung babalik naman ako sa kuwarto namin mabubwisit lang ako dahil sa hilik ni Penelope ulit.
Woah, teka ano 'yon? Parang may naririnig akong kakaiba.
"Sssshhh...sssshhh...sssshhh..." Ano 'yon? Di ko magets ang sound?
"Sssshhh...sssshhh...sssshhh..." My God its getting more louder now.
Balik na nga lang ako sa kuwarto namin. Natatakot na ako do'n sa strange sound na naririnig ko.
Pagtalikod ko nang pabalik na sana ako sa kuwarto namin ay bigla akong napaigtad! May lumitaw na napakalaking ahas sa aking likuran. Nakatitig ito sa akin. Kulay pula ang mga mata nito at lumiliwanag pa sa dilim. Napalunok ako bigla ng aking laway sa lalamunan.
Nakakakilabot tapos ang laki-laki pa niya. Ano bang klaseng ahas ito? Sawa? Hindi eh, imposible. What the fuck, parang anaconda ito! Shit I need to get rid of the big snake! Baka kagatin o kainin niya ako ng buo at buhay. I don't wanna get killed already! I'm too young for this!
Bigla akong tumakbo papalayo sa ahas. Sinipat ko naman ito ng lingon at nagulat ako. Biglang nagkaroon ng mga paa ang ahas na ito at tumatakbo na rin nang napakabilis sa hallway.
Fuck shit! Anong klaseng resort hotel ba 'tong tinuluyan namin? Bakit sila nag aalaga ng ganyan klaseng hayop?
Hindi ako puwedeng maabutan ng ahas na ito. Hanggang sa may nakita akong isang kuwartong nakabukas. Pumasok ako rito at nagtago. Ikinandado ko nang mabuti ang pintuan sa loob.
BINABASA MO ANG
Exodus (Completed)
FantasiGenres: Dark Fantasy-Mystery/Thriller-Sci-Fi Started: April 8, 2015 Ended: June 13, 2016 Exodus: A Story With A Missing Epilogue "Hindi katulad sa mga ordinaryong babasahin na libro ang kuwento namin ng mga kaibigan ko. May prologue pero walang epi...
