Malapit na kami sa stage ni Zayne. Hindi naman sa kalayuan ay nakita ko si Ayesa na walang malay at malapit na siya tuklawin ng ahas. Agad na pinuntahan ko siya at hinila papalayo sa ahas. Ginising ko siya pero hindi pa rin dumidilat ang kanyang mga mata. Binuhat ko muna siya at itinabi sa harapan baba ng stage.
"Migz paano ito? Hindi tayo makakaakyat ng stage. Yung dalawang hagdanan sa magkabilang dulo ng stage ay may mga apoy." Natatarantang sabi sa akin ni Zayne.
"Alam ko na. Papasan ako sa iyong likuran para makasampa ako sa harapan ng stage na hindi pa ginagapangan ng apoy." Sagot ko kay Zayne. Pinasan ako ni Zayne sa kanyang likuran para makasampa sa stage. Nang nakatuntong na ako sa stage ay agad kong kinuha si Helen at binuhat.
Papunta na ako sa harapan ng stage habang buhat si Helen. Naghihintay naman si Zayne na pasanin sa kanyang likuran si Helen. Ngunit nang malapit na kami sa harapan ng stage ay narinig kong sumigaw si Zayne. "Migz may mahuhulog na parte ng kisame sa inyo sa stage!" Napatingala ako at nakita kong malapit ng bumagsak sa amin ni Helen ang kisame. Huli na ata para sa amin ni Helen ang makaligtas pa. Hanggang sa napansin kong biglang lumutang ang papahulog na kisame sa amin at tumilapon ito papalayo sa stage. Nakit ko si Ayesa na nagkamalay na pala. Ginamit niya ang kanyang telekinesis para kontrolin ang pabagsak na sanang kisame sa amin dalawa ni Helen.
Ipinapasan ko na agad sa likuran ni Zayne si Helen na wala pa rin malay. Tumalon na lang ako sa stage para makababa.
"Ell!" Bigla akong napatigagal nang parang may naulinigan akong sumigaw ng totoo kong pangalan. Nakakakilabot ang boses. Parang nanggagaling sa kailaliman ng lupa. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito.
Magkakasama na kaming apat nina Ayesa, Zayne, at si Helen na wala pa rin malay.
"Ano na ba talaga ang nangyayari?" Nagugulumihan turan ni Zayne.
"May mga ahas na naman at ngayon meron na rin mga bolang apoy na kanina pa bumabagsak sa kalangitan habang patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan!" Sabi naman ni Ayesa.
Hanggang sa bigla akong napaatras at may naramdaman na gumagapang sa aking paa. Nakita kong may isang kamay ng tao na gumagapang sa aking paa. Iginala ko ang buong paningin ko sa piligid. Nakita kong nagsipag bangunan ang mga taong namatay kanina sa pagsabog.
"Oh, my God!" Narinig kong bulalas ni Ayesa habang tinuturo ang mga kabaong ng mga estudyanteng namatay noong Sabado. Biglang bumukas ang mga ito at bumangon mula sa loob ng kabaong ang mga bangkay.
"Zombie?" Sabi ni Zayne.
Mukhang naging zombie na sila. Lahat sila papunta na sa direksyon namin. Bumalik naman ako sa aking katinuan at sinipa ang kamay na gumapang kanina pa sa paa ko.
"Nangyayari na." Narinig kong bulong ni Zayne.
"Ang ano Zayne?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Nagsisimula ng mangyari ang gabi-gabi kong napapanaginipan."
"Ano na ang gagawin natin? Papalapit na ng papalapit sa atin ang mga zombie." Basag ni Ayesa sa pinag uusapan namin ni Zayne.
"Ell!" Bigla ko na naman narinig ang boses. Pero sa pagkakataon na ito nakakarindi na sa tainga ang kanyang boses.
"Ell!!!!" Nakakakilabot ang kanyang boses. Sino ba siya? Sino ba itong naririnig ko sa aking tainga?
"Ell!!!!!" Mas lumalakas na lalo ang pagsigaw niya sa aking pangalan. Napaluhod na ako sa sahig at napatakip na sa tainga.
"Migz ano ang nangyayari sa'yo?" Nag aalalang sabay na tanong sa akin nina Zayne at Ayesa.
Bakit ganun parang ako lang ang nakakarinig sa boses. Hindi ata naririnig ng iba ang boses na sumisigaw ng aking totoong pangalan.
"Tama na... tama na!!!" Sigaw ko nang napakalakas. Kasabay sa pag sigaw ko naman ay ang pag litaw sa langit ng mas malaking bolang apoy na pabagsak na sa lupa.
Lumikha nang mas malaking pag sabog ang ang bolang apoy sa buong garden. Halos mabura na nito ang lahat ng bagay sa garden. Pati ang ibang kalapit na gusali ng garden sa loob ng institute ay naapektuhan na rin. Ngunit nagtaka ako kung bakit hindi kami naaapektuhan sa malaking pagsabog na naganap. Hanggang sa napatingin ako kay Ayesa. Sa pamamagitan ng kanyang kapanyarihan ay lumikha siya ng isang shield o malakas na puwersang bumalot sa kinaroroonan namin lahat.
Binalot ng maitim na usok ang buong lugar.
Ilang sandali pa ay unti-unti ng nawawala ang makakapal na usok sa paligid at luminaw na muli ang lahat.
Sa pagkawala ng maitim at makapal na usok ay bumungad sa amin ang nakapalibot na mga zombie. Hindi sila naapektuhan ng nangyaring malakas na pagsabog. Hanggang sa may narinig akong humalakhak. Biglang pumagilid ang mga zombie at lumikha ito ng isang one way sa harapan namin. Sa dulo ng daanan na ginawa ng mga zombie ay may isang lalaking nakasakay ng kabayong kulay itim na may malalaking pakpak na katulad sa ibon. Bukod sa lalaking nakasakay sa itim na kabayo ay may mga kasama pa siyang iba sa kanyang likuran. Nakakatakot ang mga nasa likuran niyang nilalang. May matutulis na sungay ang mga nilalang na ito. May nakakakilabot na ngiting gumuguhit sa nakakatakot nilang mukha. Mga demonyo.
Narinig kong humalakhak ang lalaki. Nakakakilabot ang kanyang halakhak. Hanggang sa sinipa niya ang tagiliran ng kabayo. Lumipat ng dahan-dahan papalapit sa kinaroroonan namin ang kabayo. Hanggang sa tuluyan ko ng napagtanto kung sino nga ba ang lalaking nakasakay sa itim na kabayo. Walang iba kundi si Kai.
"Nagagalak ako at muli tayong nagkita, Ell." Nakangising turan sa akin ni Kai.
"Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng trahedya dito. Napakasama mo talaga Kai!" Namomoot kong sigaw kay Kai.
"Hahahahaha! Hangal!" Natatawang sabi niya sa akin.
"Paano ka nakapunta rito sa hinaharap?" Tanong ko.
"Sa tulong ng kapanyarihan ni Cassiopeia. Pero huwag mo na sisihin Ell si Cassiopeia kung nakarating man ako sa hinaharap ngayon dahil pinatay ko na siya hahaha!"
"Napakasama mo talaga!" Nang biglang narinig kong bumulong si Zayne sa akin.
"Migz, ano ba talaga ang nangyayari. Kilala mo ba ang lalaking iyan at saka bakit Ell ang tawag niya sa'yo?" Nagugulumihan sabi sa akin ni Zayne.
"Mahirap ipaliwanag Zayne. Saka ko na lang sasabihin ang lahat kapag natapos na ang lahat ng mga ito." Nang biglang narinig kong humalakhak muli si Kai.
"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit ako naparito Ell?" Sabi bigla ni Kai sa akin.
"Alam ko kung bakit ka naparito. Alam ko na gusto mong pagsanibin ang dalawang magkaibang panahon maliban pa sa mundo ng mga tao at ng mga imortal sa kaharian ng Exodus at Devonia." Matapang kong sagot kay Kai.
"Magaling kung ganun. Talagang nakinig ka pala sa akin nang nakipag komunikasyon ako sa'yo sa pamamagitan ng salamin habang kinikitil ang buhay ng pinakamamahal mong babae na si Mikaela hahaha!"
"Napakahayop mo talaga! Isa kang demonyo---"
"Demonyo talaga ako Ell hahaha! At ngayon na nandito na ako isasakatuparan ko na ang lahat ng balak ko. Pero bago ang lahat papatayin muna kita para mag sama-sama na kayong lahat ng mga kaibigan mo sa impiyerno!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay biglang nabasag ang ginawang sheild ni Ayesa sa amin kinaroroonan. Naramdaman kong unti-unti na akong umaangat sa aking kinatatayuan at may kung anong puwersa akong naramdaman na tila humihigop sa akin papunta kay Kai.
Unti-unti na akong lumalapit kay Kai. Habang hinihila ako ng kapanyarihan ni Kai papalapit sa kanya ay nag pamalas siya ng isang nakakalokong ngiti.
At ngayon ay katapat ko na si Kai. Magkaharap na kami.
"Handa ka na ba sa kamatayan na ipapataw ko sa'yo Ell?" Tanong niya sa akin habang nakangisi. Sa sobrang galit ko sa kanya ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Bigla ko siyang dinuraan sa kanyang mukha. Napangisi siya sa ginawa ko.
"Matapang ka." Mahinang sabi niya sa akin.
"Puro ka salita. Bakit hindi mo pa ako patayin na!" Maangas kong turan sa kanya.
"Hinahamon mo talaga ako Ell." Sabi niya sa akin at muli siyang napangisi.
Ikinumpas niya ang kanyang kanang kamay at naramdaman kong umaangat pa lalo ako sa ere. Inilayo ako ni Kai sa kanya ng mga sampung dipa. At bigla akong napasigaw nang naramdaman kong may puwersa mula sa kanyang kapanyarihan na kumukuryente sa buong katawan ko.
"Aaaaaah!" Katapusan ko na ata. Nang biglang itinigil ni Kai ang pagpapadaan sa buong katawan ko ng kanyang kapanyarihan.
"Ano Ell kaya mo pa ba? Mas makapanyarihan na ako ngayon lalo na't nabuo na muli ang aklat ng propesiya." At sa kanyang kaliwang kamay ay biglang lumitaw ang isang itim na aklat. Mukhang ito na ang aklat na propesiya.
"Oo, mas lumakas nga ang kapanyarihan mo pero hindi ibig sabihin nun na wala nang mas hihigit pa sa'yo!" Sagot ko sa kanya. Masyado ata napabilib sa kanyang sarili si Kai dahil mas lumakas ang kanyang kapanyarihan ngayon. Nakalimutan na ata niya ang tungkol sa halo. Si Enrys. Hindi niya alam na nasa paligid lamang ang halo. Si Zayne.
"Ano ang pinagsasabi mong mas makakahigit pa? Hibang ka na ata Ell. Ako lang ang pinakamakapanyarihan sa lahat ng nilalang sa mundo. Kapag napatay na kita lilikha muli ako ng bagong mundo. Isang perpektong mundo na ako lamang ang sasambahin ng lahat haha!" Sagot niya sa akin at pagkatapos nun ay muli ko na naman naramdaman ulit ang hagupit ng kanyang kapanyarihan sa buong katawan ko.
Napapangiwi na ako sa sakit. Sana matapos na ito. Napatingin naman ako sa ibaba at nakita ko si Ayesa na sinusubukan labanan ang kapanyarihan ni Kai. Napansin naman ni Kai si Ayesa kung kaya ay biglang nabaling ang kanyang atensyon dito.
"At sino ka naman na pangahas na gustong lumaban sa aking kapanyarihan?" Sabi ni Kai kay Ayesa habang pinagmamasdan ito ng masama. At biglang pinatamaan ni Kai si Ayesa ng kanyang kapanyarihan. Tumilapon si Ayesa sa may gilid ng stage at nawalan ng malay. Napakasama talaga niya. Si Zayne naman nakita kong nanginginig na sa takot sa ibaba habang buhat si Helen na wala pa rin malay. Pinapalibutan at binabantayan sila ng mga zombie kung kaya ay hindi makaalis sina Zayne sa kanilang kinaroroonan.
Hirap na hirap na ako. Nanghihina na talaga ako.
"Zayne... tulungan mo ako..." Sambit ko habang nakatingin sa ibaba kanila Zayne.
"Zayne... pakiusap tulungan mo ako..." Nanghihina ko ng sabi kay Zayne.
"Migz... natatakot ako. Gu...gusto kita tulungan pero pilit na ipinagbabawal ni Mr. Light ng atin dean na huwag kong gagamitin ang aking kapanyarihan lalo na't walang pahintulot niya." Nauutal na sabi sa akin ni Zayne.
"Pakiusap... tulungan mo na ako Zayne..." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Hindi ko kaya. Wala akong kontrol sa kapanyarihan na meron ako."
"Tulungan mo na ako.... nagmamakaawa ako sa'yo... gamitin mo na ang kapanyarihan mo Zayne... bago pa mahuli ang lahat... bago pa tuluyan maganap ang masama mong panaginip..."
"Zayne!" Pinilit ko ng isigaw ang kanyang pangalan. Wala na akong iba pang kayang sabihin kundi ang kanyang pangalan. Hanggang sa bigla kong narinig na sumigaw si Zayne. Biglang napatingin sa kanyang direksyon si Kai.
"Ang halo..." Mahinang sabi ni Kai.
"Exodus!" Dumagundong ang malakas na pag sigaw ni Zayne sa pangalan ng kaharian ng Exodus. Lumikha siya nang isang nakakasilaw na liwanag na maihahalintulad ko sa kulay ng ginto.
"Hindi ito maari. Ang halo. Siya ang halo! Si Enrys! Hindi pupuwede ito!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Kai.
At mula sa gintong liwanag na nilikha ni Enrys ay nagpakawala siya ng asul na liwanag dito na papunta sa direksyon ni Kai.
Itinaas ni Kai ang kanyang kaliwang kamay na may hawak ng aklat ng propesiya. Mula sa aklat ng itim na propesiya ay lumikha rin ito ng asul na liwanag na ipinangontra sa kapanyarihan ni Zayne na papalapit ng tumama sa kanya.
Naramdaman ko naman na dahan-dahan na akong bumababa sa ere hanggang sa hindi ko na nararamdaman ang kapanyarihan ni Kai na dumadaloy sa aking buong katawan.
Nakita kong unti-unti ng umaatras ang kapanyarihan ni Kai habang ang kapanyarihan ni Zayne ay malapit ng malamon ang buong kapanyarihan ni Kai.
"Aaaaaahhh!" Nagpakawala si Kai ng isang napakalakas na sigaw. Nilamon na si Kai ng kapanyarihan ni Zayne. Hanggang sa nasusunog na siya ng buhay. Ang mga demonyo naman na nasa likuran niya ay biglang naging abo sa ere pati ang mga zombies na nakapalibot sa amin ay biglang naging abo na rin.
Unti-unti nang nabubura si Kai sa ere hanggang sa maging abo na lang din siya kagaya ng mga alagad niyang demonyo at zombies.
"Natapos na..." Sabi ni Zayne at bigla siyang nahimatay.
BINABASA MO ANG
Exodus (Completed)
FantasyGenres: Dark Fantasy-Mystery/Thriller-Sci-Fi Started: April 8, 2015 Ended: June 13, 2016 Exodus: A Story With A Missing Epilogue "Hindi katulad sa mga ordinaryong babasahin na libro ang kuwento namin ng mga kaibigan ko. May prologue pero walang epi...