"Ang lakas ng lindol. Mas malakas pa ito sa lindol kaninang umaga!" Natatarantang sabi ni Zayne.
"Oo nga!" Pag sang ayon ko naman sa kanyang sinabi. Nang biglang humupa na ang pag lindol.
"Tumigil na ata." Sabi ni Zayne.
"Thanks God. Napapadalas ang lindol ngayon araw na ito." Sabi ko. Nang bigla kong naalala na may sinasabi kanina sa akin si Zayne bago lumindol ng malakas.
"Ano nga pala ang sinasabi mo kanina Zayne?" Tanong ko sa kanya.
"May ipapakita nga pala ako sa'yo Migz." Pagkatapos sabihin sa akin iyon ni Zayne ay napansin kong may kinuha siya sa ilalim ng kanyang unan. Isang kupas na papel.
"O, ano naman iyan?" Tanong ko sa kanya habang paupo sa tabi niya sa kama.
"Hindi ko rin alam. Nakita ko lang ito kanina sa antique shop sa Metropolis kanina. Ang weird nga eh. Nang nakita ko siya parang may nag sasabi sa aking utak na kunin ito. Kaya kinuha ko." Saad sa akin ni Zayne. Kinuha ko naman sa kanya ang papel. Binuksan ko ito kasi nakatupi sa dalawa. May nakasulat dito kaso hindi ko maintindihan. Parang iba ang letra ng mga salitang nakasulat dito. Ibinalik ko na kay Zayne ang papel.
"Dapat hindi mo na iyan kinuha sa loob ng antique shop. Pangnanakaw ang ginawa mo at saka mukhang wala naman kakaiba sa kupas na papel na iyan bukod sa mga salitang hindi ko mabasa dahil sa ibang letrang ginamit dito." Sabi ko kay Zayne.
"Sorry naman. Ah, basta hindi ko na ito ibabalik sa antique shop ito." Sabi ni Zayne ng naiabot ko na sa kanya ang kupas na papel at tinupi na ulit ito sa dalawa at ibinalik sa ilalim ng kanyang unan.
"Matulog na kaya tayo. Maaga pa tayo bukas sa public viewing." Suhestiyon ko kay Zayne. Tumango naman sa akin si Zayne bilang pag sang ayon.
Isang oras na ata ang lumilipas simula nang sinabi ko na matulog na kami ni Zayne pero ako hindi pa rin dinadapuan ng antok sa kama. Ginawa ko na ata lahat ng posisyon sa kama para lang makatulog pero gising pa rin ako.
Hanggang sa may narinig akong isang boses ng babae parang kumakanta mula sa labas ng kuwarto. Tumayo ako ng kama at lumabas ng kuwarto.
"I can't sleep tonight. Wide awake and so confused. Everything's in line. But I am bruised. I need a voice to echo. I need a light to take me home. I kinda need a hero. Is it you?"
Sinundan ko ang boses ng babaeng kumakanta habang tahimik na naglalakad sa may hallway.
"I never see the forest for the trees. I could really use your melody. Baby I'm a little blind. I think it's time for you to find me."
Dinala ako ng aking mga paa sa terrace ng second floor. Hindi kalayuan sa aking kuwarto.
Nakita kong may babaeng nakatayo sa terrace at sa kanya nagmumula ang boses ng kumakanta kanina pa. Nakasuot siya ng plain white dress. Napansin ko rin na may mga ibon na nakapaligid sa kanya habang kumakanta.
"Can you be my nightingale? Sing to me I know you're there. You could be my sanity. But bring me peace. Sing me to sleep. Say you'll be my nightingale."
Ang lamig ng boses niya para sa aking tainga. Sobrang ganda ng kanyang boses. Pakiramdam ko lumilipad ako sa alapaap habang naririnig ang kanyang magandang boses na tila namumutawi sa ere.
"Somebody speak to me. Cause I'm feeling like hell. Need you to answer me. I'm overwhelmed. I need a voice to echo. I need a light to take me home. I need a star to follow. I don't know."
Nang biglang tumigil ang babae sa pagkanta at nagsipag liparan ang mga ibon papalayo sa terrace.
"Sino ka?" Biglang tanong sa akin ng babae.
"Helen?" Bigla kong sabi nang lumingon siya sa aking direksyon. Si Helen ata ito. Medyo naaninag ko ang kanyang mukha na tinatamaan ng liwanag na nagmumula sa buwan.
"Migz?" Wika niya sa akin.
"Ako ito." Sabi ko sa kanya. "Ang ganda ng boses mo talaga Helen." Hindi ko na napigilan ang aking sarili na purihin siya. Maganda naman talaga ang kanyang boses.
"Ikaw pala iyan." Sabi niya na may halong pagkagulat sa tono ng kanyang boses. Lumapit naman ako sa kanyang tinatayuan.
"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa ako makatulog kasi. Ikaw, bakit gising pa?" Tanong naman niya sa akin.
"Hindi rin ako makatulog kanina pa hanggang sa naulinigan ko ang iyong boses na nagmumula pala sa terrace." Sagot ko sa kanya.
"Nakakahiya. Baka naistorbo ko ang iyong pagtulog Migz. Naging masyado ata malakas ang pagkanta ko." Nahihiya niyang sabi sa akin.
"Huwag ka mahiya. Okay lang sa akin. Saka hindi pa talaga ako makatulog." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Ano nga pala ang kinakanta mo kanina?" Tanong ko.
"Nightingale. Favorite old song ko iyon ni Demi Lovato. Kapag hindi pa ako makatulog parati kong kinakanta iyon." Sagot niya sa akin.
"Ahhh. Okay." Sagot ko. Hindi ko kilala ang singer na binanggit niya. Marahil siguro sa future tanyag ang binabanggit niyang mang aawit na si Demi Lovato. Ang pinakikinggan ko lang naman parati ay Eraserheads sa pinanggalingan kong panahon.
"Ikaw, Migz anong favorite song mo?" Tanong bigla sa akin ni Helen.
"With a smile... Eraserheards."
"Makaluma ka pala pero cool naman ang kanta ng Eraserheads." Sabi sa akin ni Helen. Oo makaluma talaga ako kasi nanggaling ako sa panahon kung saan hindi pa sumisikat ang Demi Lovato na sinasabi niya. Para sa akin wala na ata gagaling pa sa ERASERHEADS with conviction!
"Sample naman diyan ng With A Smile ng Eraserheads." Tatawatawa na sabi sa akin ni Helen.
"Sorry sintunado ako." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"Please..." Sabi niya na naka puppy eyes pa. Hays, sintunado man ako pero sige for the sake of Eraserheads kakanta na ako.
"Ehem..." Umubo muna ako. Buwelo ba. Pagkatapos ay huminga ako nang malalim at saka bumanat ng With A Smile.
"Lift your head, baby, don't be scared of the things that could go wrong along the way. You'll get by with a smile. You can't win at everything but you can try."
Nanginginig ang mga kamay ko habang kumakanta. Hindi ko alam kung bakit.
"Baby, you don't have to worry. 'Coz there ain't no need to hurry. No one ever said that there's an easy way. When they're closing all their doors and they don't want you anymore. This sounds funny but I'll say it anyway."
Hanggang sa narinig ko na rin si Helen na sinasabayan ako sa pag kanta. Nakangiti siya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.
"Girl I'll stay through the bad times even if I have to fetch you everyday. We'll get by with a smile. You can never be too happy in this life..."
Tinapos na namin ang pagkanta sa huling verse ng lyrics na amin kinanta.
"Hindi ka naman sintunado." Sabi sa akin ni Helen. "You sounds professional." Dagdag pa niya.
"Hindi naman." Natatawa kong sabi.
"Teka, diba may amnesia ka? Pero alam mo ang paborito mong kanta at banda. Ibig bang sabihin nito magaling ka na Migz?" Nagtatakang tanong sa akin ni Helen. Patay mukhang mabibisto na ako. Hindi puwede. May misyon pa ako dito sa future! Anak ng teteng!
"Ahhhmn... may amnesia pa rin ako. May konti lang ako naaalala kagaya ng paborito kong banda na Eraseheads at paborito kong kanta nila." Pagpapalusot ko. Buti na lang may naisip agad ako na dahilan. Sana maniwala siya.
"Okay. Well, at least may naalala ka na kahit paano. Its a good sign. Maybe soon all of your memories will gonna comeback already." Sabi ni Helen.
BINABASA MO ANG
Exodus (Completed)
FantasyGenres: Dark Fantasy-Mystery/Thriller-Sci-Fi Started: April 8, 2015 Ended: June 13, 2016 Exodus: A Story With A Missing Epilogue "Hindi katulad sa mga ordinaryong babasahin na libro ang kuwento namin ng mga kaibigan ko. May prologue pero walang epi...