Exodus 7: Body Organs

5K 127 4
                                    

Kadiliman, ang tanging salitang maari kong maipanglalaraawan sa kuwartong kinaroroonan ko ngayon. Kinapa ko sa bulsa ng aking short yung cellphone at binuksan ang screen nito upang magbigay liwanag sa kuwartong ito.

Bahagyang napaatras naman ako nang masilayan ng mga mata ko ang mga iba't ibang bote na nakadisplay sa isang nakabukas na cabinet. Parang gusto kong masuka sa nilalaman ng mga boteng ito.

May nakita ako sa loob ng mga bote na mga iba't ibang uri ng body organs. Hindi ko lang tiyak kung anong mga uri ng hayop nanggaling ang mga body organs. Pero ang pinagtatakahan ko bakit may ganitong klaseng silid sa Villa Exodus Resort na may mga ganitong bote? Ang weird.

Makalabas na nga lang ng silid na ito. Ewan ko ba at pumasok ako rito. Kanina kasi paglabas ko sa room namin nila Ivan habang naglalakad sa hallway nakita ko ang pintuan ng silid na ito na tila naiwan nakabukas kung kaya ay bigla kong naisipan pumasok.

Habang naglalakad papunta sa pintuan para lumabas ay bigla akong natigilan. May kung anong matigas na bagay akong natapakan. Itinapat ko ang screen ng aking cellphone para mailawan ito. Napaigtad naman ako nang makita ko na kung ano ito. Isang mahabang ahas. Naaagnas na ito at inuuod pa. Parang gusto ko tuloy masuka. Nagmadali na akong lumabas ng kuwarto upang tumungo pabalik ng room namin. Gusto kong sumuka sa loob ng c.r. Ngunit nang palabas na ako sa pintuan ay may nabunggo ako. Nabunggo ko si Kai yung attendant sa front office. Pareho kami natumba sa hallway.

"Kai?" Bigla kong sabi. 'Di siya umimik sa akin. Ngumiti lamang siya sabay tayo sa hallway. Tumayo na rin ako.

"May problema ba sir?" Tanong niya sa akin bigla.

"Ah... eh... itatanong ko lang sana bakit may mga bote kayo sa loob ng silid na ito na naglalaman ng mga body organs ng iba't ibang uri ng hayop?" Nag aalangan kong tanong sa kanya.

"Huh, ano pong mga bote?" Nagtataka naman na tanong sa akin ni Kai. Pagkatapos ay bigla siyang pumasok ng silid. Pagkapasok niya sa silid ay biglang nagkailaw. Nagulat naman ako nang magkaroon ng liwanag. Kanina kasi nang pumasok ako sa silid na iyan wala akong makapa sa pader na switch button ng ilaw. Pero ang talagang mas ikinagulat ko ay nang mag kailaw na sa buong silid biglang nag laho yung cabinet na naglalaman ng mga iba't ibang bote na may samu't saring body organs ng mga hayop. Tapos yung nabubulok na patay na ahas kanina nawala na rin.

"Sir, wala naman po ah." Sabi sa akin ni Kai. Napakunot na lamang ako ng aking noo sabay kamot sa ulo ko.

Ang weird naman paano nawala ang cabinet saka yung patay na ahas? Pabalik na ako ngayon sa kuwarto namin. Naglalakad na ako sa hallway. Hindi ko naman maiwasan ang mapaisip ng malalim kung paano nawala bigla ang mga 'yon sa silid na pinasukan ko kanina. Alam ko sa aking sarili na malinaw ang lahat ng mga nakita ko. Totoong may patay na ahas habang inuuod pa. Tapos yung malaking cabinet na may mga bote ng body organs.

Natigilan naman ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Mikaela.

"Ell, anong ginagawa mo rito sa hallway?" Tanong sa akin ni Mikaela.

"Naglakad-lakad lang ako kanina. Hindi pa kasi ako inaantok. Ikaw sa'n ka papunta?"

"Sa cafeteria lang ng hotel."

"Puwede ba akong sumama?"

"Sige." Sinamahan ko na si Mikaela na pumunta ng cafeteria. Tamang tama lang ang pagtatagpo namin sa hallway. Kanina ko pa sana siya gustong makausap.

***

"So, what keeps you still awake Mikaela." Tanong ko kay Mikaela. Nandito na kami sa cafeteria. Dalawa lamang kami rito. Maganda naman ang facility ng cafeteria. May mga magagandang chandelier. Mga statues ng roman gods and goddesses. At marami pang mga displays na palamuti sa cafeteria. May isang waiter naman na nag a-assist sa amin ni Mikaela. Natanaw ko rin mula sa pintuan ng kitchen nitong cafeteria na may tatlong kusinero. Umorder lang kami ni Mikaela ng baked macaroni, pepperoni pizzas, at dalawang strawberry milkshake. Napapaghalataan lang na pareho kaming gutom. Sino ba naman din ang hindi makakaramdam ng gutom kapag hindi ka pa dinadapuan ng antok lalo na't nandito ka sa isang creepy resort gaya ng Exodus.

"Huwag ka sana mabibigla sa sasabihin ko Ell..." Mahinang turan sa akin ni Mikaela.

"Umalis kasi sina ate Stacey, Penelope, at ate Denise. Sasama sila sa mga ibang guys na pupunta ng bar. They're going to have some shot tonight. Pag alis nila sa kuwarto naisipan ko ng matulog. Nakatulog naman ako kaso mga ilang minuto lang ay bigla akong nabulabog sa isang palahaw ng babae na nagmumula sa c.r. ng room namin. Bumangon ako ng kama upang tingnan kung sino ang nasa loob ng c.r. Sa pagbukas ng pinto ay bigla akong napatigagal sa aking nakita. Nakita ko si Zoey na umiiyak at humihingi nang saklolo sa akin. Ngunit nang lalapitan ko na siya ay biglang nag iba ang kanyang anyo. Nagkaroon ng mga kaliskis yung kanyang balat. Ang mga mata niya naging kulay berde. Hanggang sa dumapa siya sa sahig at gumapang papalapit sa akin. Sa sobrang takot ko bigla akong tumakbo palabas ng c.r. at inilocked ito. Para siyang taong ahas. Nakakatakot at nakakadiri ang kanyang histura. Nakakakilabot. Para siyang reptilian alien creature mula sa ibang planeta. Basta weird. Its really hard to explain. She's like a monster. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako ng kuwarto na nahihintakutan at kinakabahan hanggang sa nakasalubong na kita Ell sa hallway." Paglalahad sa akin ni Mikaela.

Hindi ko naman alam kung paano mag re-react sa nilahad na kuwento sa akin ni Mikaela. Nabigla ako sa mga kinuwento niya.

"Ang sabi mo nakita mo si Zoey na nasa loob ng banyo at bigla siyang nag iba ng anyo? Pero paano naman magiging gano'n siya? Baka naman namamalikmata ka lamang Mikaela o 'di kaya naman nanaginip lamang ng gising." Nagugulumihan kong pagtatanong kay Mikaela.

"I know its hard to believe it Ell but I saw it with my two naked eyes. Si Zoey talaga iyon." Mariin na sabi sa akin ni Mikaela. Napansin ko naman na nagsisimula na siyang mag hysterical sa pagkukuwento sa akin dahil sa takot.

"Calm down Mikaela. I'm here with you. Don't be scared. Akong bahala sa'yo." Pag aalo ko kay Mikaela.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon