Exodus 15: Separation

3.6K 74 0
                                        

"Nasa hinaharap ang epilogo." Wika sa amin ni Cassiopeia.
 
"Ano? Hinaharap?" Tanong ko na may halong pagkalito.
 
"Oo nasa hinaharap ang epilogo. Noong winasak ni Kai at ng mga kapatid niya ang aklat ng propesiya sa Villa Exodus Resort may limang taon na ang nakakalipas ay wala silang muwang na naapektuhan nila ang ikot ng oras sa daigdig ng mga mortal. Lumikha ng isang itim na portal ang pag wasak sa aklat ng propesiya. Ang itim na portal na ito ay lagusan papunta sa makabagong panahon. Ang hinaharap. Hinigop ng itim na portal ang pahina ng epilogo papunta sa hinaharap. Tatlumpung taon mula sa hinaharap." Salaysay sa amin ni Cassiopeia. Namilog naman bigla ang aking mga mata ko sa kanyang turan. 30 years from the future? Don't tell me ipapadala niya kami sa hinaharap?
 
"Huwag mong sabihin ipapadala mo kami sa hinaharap?" Biglang tanong ni Mikaela. Iyon din ang nasa isip ko ngayon na gusto sana itanong kay Cassiopeia.
 
"Oo, ipapadala ko kayo sa hinaharap." Sagot ni Cassiopeia.
 
"Pero paano saka parang napakaimposible naman ata niyan Cassiopeia." Sabi ko.
 
"Ako ang espiritong tagapagbantay sa aklat ng propesiya. May tinataglay akong kapanyarihan na pumunta sa iba't ibang panahon. Sa nakaraan at hinaharap. Kaya ko rin baguhin ang kasaysayan ng isang bagay o nabubuhay na nilalang. At kayong dalawa ang tanging nilalang na lamang na nakikita kong magbibigay ng pag asa na makuha ang epilogo." Paliwanag sa amin ni Cassiopeia. Bigla naman akong napaisip nang napakalalim. Sabi ni Cassiopeia kaya niya baguhin ang kasaysayan. Pero bakit hindi niya magawang makabalik sa nakaraan kung saan nag simula ang lahat. Bakit hindi niya baguhin ang mga nangyari noon?
 
"Ang sabi mo may kapanyarihan kang baguhin ang kasaysayan. Makapunta sa nakaraan at hinaharap. Bakit kailangan mo pa kami gawin kasangkapan at ipadala sa hinaharap para lamang mahanap ang nawawalang epilogo?" Tanong ko kay Cassiopeia.
 
"Dahil nabawasan ang kapanyarihan ko sa hindi ko maintindihan na kadahilanan. Simula noong nawasak ang aklat ng propesiya at napunta sa hinaharap ang epilogo, nalimitahan na lamang ang kapanyarihan ko. Hindi ako puwedeng mag lakbay sa ibang panahon pero puwede ako magpadala ng mga nilalang na may basbas ko para sa isang hangarin o misyon. At kayong dalawa na mga mortal ang napupusuan kong bigyan ng basbas sa aking kapanyarihan upang matunton sa hinaharap ang epilogo at maibalik iyon sa panahon na dapat na kinaroroonan nito ngayon."
 
Okay, talagang nakakabaliw na ang mga nangyayari ngayon. The last time I check mag babakasyon lang kami dapat sa probinsya ni Isaiah sa Isabela. And here I am with Mikaela will be having another journey, the future.
 
"Tinatanggap ninyo ba ang misyon na inaalok ko sa inyong dalawa mga mortal?" Tanong sa amin ni Cassiopeia.
 
"As if we have other options." Sarkastiko kong turan. Naramdaman ko naman na bigla akong siniko ni Mikaela sa aking tagiliran.
 
"Uhhhmn. Pagpasensyahan mo na Cassiopeia si Ell. Stress lang siya sa mga nangyayari ngayon." Paghingi ng paumanhin ni Mikaela. Stress ba kamo? Hindi lang ako naiistress ngayon. Malapit na ata ako mabaliw sa mga nangyayari.
 
"Inuulit ko mga mortal tinatanggap ninyo na ba ang aking inaalok na misyon na pumunta sa hinaharap at hanapin ang nawawalang epilogo?"
 
"Ano tatanggapin ba natin ito?" Bulong ko kay Mikaela.
 
"Tanggapin na natin Ell. Wala na rin naman tayo pagpipilian. Tanggapin na lang natin ito para sa hustisya ng pagkamatay ng mga kaibigan natin at... ate Denise ko." Tugon sa akin ni Mikaela. Napansin ko naman ang biglang pagkalungkot ng tono ng kanyang boses. Alam ko kahit hindi niya sabihin sobra niya namimiss ngayon ang kanyang ate Denise.
 
"Sige, pumapayag na kami." Sagot ko kay Cassiopeia.
 
"Mabuti kung ganun." Wika ni Cassiopeia.
 
"Pero saan kami magsisimula sa hinaharap? Paano namin matutunton ang kinaroroonan ng epilogo?" Tanong ko.
 
"Huwag kayo mag alala sa kapanyarihan na ipinagkaloob sa akin, dadalhin ko kayo sa eksaktong lugar kung nasaan ito at kung sino ang taong mas makakatulong sa inyo." Sagot ni Cassiopeia.
 
"Sino? Ibig sabihin bukod sa amin ni Mikaela may iba pa na tutulong sa amin sa paghahanap ng nawawalang epilogo?"
 
"Oo, Ell. Walang iba kundi ang nawawalang Halo. Si Enrys."
 
"Pero dinig namin kanila Kai na pinatay na ni Mortigano si Enrys noong sanggol pa lamang ito."
 
"Hindi iyon totoo. Noong panahon na sumiklab ang digmaan  sa mga kaharian ng Exodus at Devonia ay pinatawag ako ng mahal na haring Elijah. Isa ako sa mga diwata sa kaharian ng Exodus noong panahon na iyon at tapat na tagasunod ni haring Elijah. Nakiusap siya sa akin na bago pa mabihag at mapatay ng hari ng Devonia na si Magnetus ang kanyang supling na si Enrys ay itago ko ito sa lugar kung saan walang sino man ang makakapag isip na nandoon ito. Naisip ko na ipadala si Enrys sa hinaharap. Ngunit nang matagumpay kong naipadala na si Enrys sa hinaharap ay nahuli ako ng mga kawal ni haring Magnetus. Bilang ganti sa aking ginawang pagtago kay Enrys sa hinaharap, inialay ako ni Magnetus sa masamang demonyo na hindi kalaunan ay sinamba at ginawa na rin nilang diyos-diyosan na si Mortigano. Isinumpa ako ni Mortigano. Pinatay ni Mortigano ang katawan lupa ko at kinuha niya ang aking kaluluwa. Isinumpa niya ang kaluluwa ko na maging isang espiritong tagapagbantay ng aklat ng propesiya na hindi kalaunan ay nilikha ng propetang si Kai sa kaharian ng Devonia. Habang buhay ang sumpang ipinataw sa akin ni Mortigano. At ngayon nasa harapan ko kayo Ell at Mikaela. Nakasalalay na sa inyo ang kahihinatnan ng lahat." Pagsasalaysay sa amin ni Cassiopeia.
 
"Paano naman namin malalaman kung sino si Enrys sa hinaharap?" Tanong ko.
 
"Makikilala ninyo si Enrys sa kanyang balat na nasa balikat. Hugis ekis ito na simbolo ng kaharian ng Exodus. At kapag nag krus na ang mga landas ninyo ng halo kailangan mapatakan ng sariwang dugo ng halo ang nawawalang pahina ng epilogo. Kapag napatakan na ng dugo ng halo ang pahina ng epilogo ay mabubuo muli ang buong aklat ng propesiya. At kapag nangyari iyon kailangan wasakin muli ng halo ang aklat ng propesiya pero sa pagkakataon na ito kailangan buong aklat ay dapat mawasak na. Walang pahina ang dapat matira. At kapag nawasak na ng halo ang buong aklat ng propesiya ay mamatay naman ang nilalang na nagsulat nito. Walang iba kundi si Kai."
 
Nagulat naman kami bigla nang marinig namin na may kumakalampag sa door entrance ng cafeteria. Malamang si Kai ito. Desidido na siyang makuha si Mikaela para makumpleto na ang mga human souls na iaalay kay Mortigano.
 
"Lumabas kayo! Alam ko nandiyan kayo Ell at Mikaela!" Sigaw ni Kai.
 
"Nandiyan na si Kai. Cassiopeia ano na? Dadalhin mo na ba kami sa hinaharap ngayon? Baka makapasok na si Kai sa cafeteria." Nag aalalang turan ni Mikaela.
 
"Sige sisimulan ko na ang pagbasbas sa inyong dalawa pero bago iyon may ibibigay akong munting regalo sa'yo Ell." Matapos sabihin iyon ni Cassiopeia ay ikinumpas niya ang kanyang kanang kamay na lumikha ng asul na liwanag. Mula sa asul na liwanag na ito ay lumitaw ang isang kuwintas na may hugis ekis na pendant. Lumulutang sa ere ito na lumapit sa akin.
 
"Hawakan mo Ell ang kuwintas na iyan at isuot. Ang kuwintas na iyan ang mag uugnay sa'yo mula sa hinaharap at kasalukuyan na panahon. Sa pamamagitan din ng kuwintas na iyan ay maari mong makita ang mga kaganapan sa kasalukuyan panahon kahit nasa hinaharap ka. Ilubog mo lang sa isang malinaw na tubig ang kuwintas na iyan. Mula sa repleksyon ng tubig ay lilitaw ang mga kaganapan sa kasalukuyan panahon." Isinuot ko na ang kuwintas.
 
"Isang paalala lamang Ell dahil sinuot mo na ang kuwintas mula sa akin ay mamumulat na ang mga mata mo sa mga bagay na dati hindi mo nakikita. Ang iyong namamahingang ikatlong mata ay magigising na. Makakakita ka ng mga iba't ibang elemento kagaya ng mga kaluluwang hindi matahimik, engkanto, at mga diyablo. Pero huwag kang matakot dahil sa basbas na igagawad ko sa inyong dalawa ni Mikaela walang kahit anong elemento ang maaring makapanakit sa inyo. Maliban na lamang sa makapanyarihang demonyong si Mortigano---"
 
"Aaaaaaaah!" Bigla kong narinig na sumigaw si Mikaela. Nakita ko naman na biglang nagkaroon ng buhay ang mga estatwa ng mga Roman gods and goddesses na nakadisplay dito sa cafeteria. Malamang ang may gawa nito si Kai.
 
"Yumuko kayo at alisin ang takot sa inyong mga puso. Sa mga oras na ito iginagawad ko na ang aking basbas. Sa ngalan ng kaharian ng Exodus at ni bathalang Exmundo na nagbigay ng aking kapanyarihan maglalakbay kayong mga mortal tatlong dekada mula sa hinaharap. Naway makamit ninyo ang layunin na mahanap ang nawawalang epilogo at masilayan ang dugong bughay na si Enrys na anak ng dating haring Elijah sa kaharian ng Exodus."
 
Habang binibigkas ni Cassiopeia ang kanyang basbas sa amin ni Mikaela ay napansin kong nakapalibot na pala sa amin ang mga gumagalaw na estatwa ng Roman gods and goddesses. Hanggang sa tuluyan na rin nabuksan ni Kai ang entrance door ng cafeteria.
 
Sa pagpasok ni Kai sa loob ng cafeteria ay nakita kong kasama niya ang ibang mga waiters at kusinero ng cafeteria. Nang biglang nag iba sila ng mga anyo. Mula sa pagiging tao ay nag anyo silang mga taong ahas. Naisip ko bigla siguro sa kaharian ng Devonia ang mga nilalang na nandoon ay mga taong-ahas.
 
At ngayon nararamdaman ko ang unti-unting pag angat namin ni Mikaela mula sa sahig. Nagliliwanag na rin ang buong katawan namin hanggang sa may lumitaw na itim na portal sa ibabaw ng kisame. Tingin ko ito na ang lagusan patungo sa hinaharap.
 
"Hindi ako makakapayag na makatakas kayo mga mortal!" Sigaw bigla ni Kai nang nakita niya kami na lumulutang at papasok na sa itim na portal.
 
"Mga alagad ko kunin ninyo ang babae!" Utos ni Kai sa mga estatwang nakabalibot sa amin.
 
Nakita ko ang estatwa ng Roman god na si Apollo nahawakan niya agad ang kaliwang paa ni Mikaela.
 
"Aaaaaah!" Sigaw ni Mikaela sa takot. Sinipa ko ang estatwa ni Apollo ngunit sobrang lakas at tigas nito. Hanggang sa dahan-dahan nang naihihila pababa si Mikaela ng estatwang ni Apollo.
 
"Mikaela!" Sigaw ko sa pangalan ni Mikaela. Nasa bibig na ako ng itim na portal. Tanging kanang kamay na lamang ni Mikaela ang nahahawakan ko. Pinipilit ko pa rin siyang hatakin para makasama siya papunta sa hinaharap. Hanggang sa tuluyan nang bumitaw sa pagkakahawak ng kamay si Mikaela sa akin at ako naman ay hinigop na ng itim na portal patungo sa hinaharap.
 
"Ell!" Sigaw ni Mikaela sa aking pangalan nang tuluyan na kami magkahiwalay sa kasalukuyan panahon at ako naman ay patungo na sa makabagong panahon.
 
"Patawad... Mikaela." Yun na lamang ang aking nasambit nang nilamon na akong tuluyan ng itim na portal.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon