Totoo nga ang kutob ko ang mga kaibigan namin ni Mikaela ang nasa loob ng mga itim na sako. At kami naman na ang gusto nila bihagin para masimulan na ang orasyon. Orasyon siguro para maikulong ang amin mga kaluluwa sa loob ng bote.
"Lay, siguro mas mabuti na ang babae na lamang ang hanapin natin." Sabi ni Kai.
"Pero bakit kuya Kai?" Nagtatakang tanong ni Lay.
"Binilang ko ang mga Devonian Bottles. Napag alamanan kong walong kaluluwa na lamang ang kailangan natin. Pito sa mga kaibigan ni Mikaela ay nasa atin na. At siya na lang ang kulang." Tugon ni Kai. Biglang napatanga ako sa aking narinig na usapan nina Kai at Lay. Nasa panganib ang buhay ni Mikaela.
"Pero naisip ko lang kuya Kai bakit si Mikaela at hindi si Ell ang gusto mong bihagin?" Biglang kuwestiyon ni Lay.
"Hindi ko gusto si Ell. Nararamdaman kong may kakaibang enerhiyang bumabalot sa kanyang kaluluwa. Mukhang mahirap kunin ang kanyang kaluluwa sa loob ng katawan."
"Ano ang ibig mong sabihin kuya Kai?"
"Mahirap ipaliwanag. Basta may kakaiba kay Ell. Hindi siya pangkaraniwan na mortal. Meron siyang tinataglay na enerhiya na baka makasira sa atin mga plano." Paliwanag ni Kai.
"Hindi kaya siya ang nawawalang anak ni Elijah? Ang dating hari ng Kaharian ng Exodus?" Pagkukuro ni Lay.
"Hindi maaari. Alam naman ng lahat ng taga Exodus at Devonia na napatay ng hari natin na si Magnetus ang nag iisang anak ni Elijah. Si Enrys."
"Posible. Pero paano kung naipadala ni Elijah si Enrys sa daigdig ng mga mortal. Diba umibig si Elijah sa isang babaeng mortal at ang naging bunga ay si Enrys. At ang pag iibigan ni Elijah at ng babaeng mortal ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang dating magandang samahan ng kaharian ng Exodus at Devonia. Alam naman ng lahat na sa oras umibig ang isang imortal na taga Exodus o Devonia sa isang mortal at nakabuo sila ng isang supling, maari sila makagawa ng isang Halo. Ang Halo ang pinakamakapanyarihang nilalang na maaring maging pinuno ng alin man sa dalawang kaharian. Kaya rin ng Halo pagsanibin ang mga kaharian ng Exodus at Devonia at bumuo ng isang panibagong mundo o kaharian. At tutol ang dalawang kaharian sa Halo. Dahil sa oras na magsanib ang dalawang kaharian maaring mawasak ang balanse ng dilim sa liwanag. Buhay at kamatayan. Ang kabutihan at kasamaan. At ang Mantra at Antra. Maari rin ito mag bunga ng isang malaking kaguluhan pati sa daigdig ng mga mortal." Pagsasalaysay ni Lay. Tikom at pilit namin inuunawa pa rin ang pinag uusapan nina Kai at Lay. Anong mga kaharian ang kanilang pinagsasabi? Nagugulumihan ako sa Exodus at Devonia pati sa Halo.
"Oo alam ko, Lay. Pero diba 'yo din naman ang hangad natin? Kaya gusto kong makumpleto ang limang daan na human souls na iaalay natin sa atin diyos na si Mortigano. Para makabuo nang panibagong daigdig na ako ang mamumuno at para mahanap ang nawawalang huling pahina. Diba bago tayo lumisan sa kaharian ng Devonia at mamuhay bilang mortal sa daigdig nagpakita sa atin si Mortigano sa pamamagitan ng panaginip. Inutusan niya tayo na lumikha ng isang bagong aklat ng propesiya para sa panibagong daigdig na atin lilikhain---"
"---pero nag bago isip natin diba na ituloy ang plano. Winasak natin ang aklat ng propesiya. Dahil napagtanto natin na mali ito. Si Mortigano ay hindi totoong diyos! Isa siyang demonyo! Siya ang tinatawag na Satanas ng mga mortal. Kaya naguguluhan ako sa'yo kuya Kai kung bakit gusto mo ipagpatuloy muli ang masamang plano natin dati. Bakit kuya---" Biglang natigilan sa pagsasalita si Lay nang bigla siyang sampalin ni Kai na malakas sa kanyang kanang pisngi.
"Tumigil ka na Lay! Ako ang kuya mo kaya sumunod ka sa mga nais ko. Matuto ka rin rumespeto sa totoong diyos natin na si Mortigano. Wala nang makakapigil sa akin. Nagbago man ang isip ko noon pero iba na ngayon. Napagtanto ko kasi na mas gusto kong makabuo ng panibagong daigdig para maging pinakamakapanyarihan nilalang. At mangyayari lamang iyon kapag nalipon ko na ang limang daan na human souls kapalit ang nawawalang epilogo na winasak natin kasama ng aklat ng propesiya." Wika ni Kai sa kanyang kapatid na si Lay. Kapansinpansin din ang pag guhit ng nakakalokong ngiti sa kanyang mukha.
"Pero kahit mahanap o mabalik sa iyo ang nawawalang epilogo wala rin saysay ito. Dahil wala na ang buong aklat ng propesiya. Winasak na natin ito limang taon na ang nakakaraan. At ang epilogo ng aklat ng propesiya ay sadyang mapanganib." Pagkatapos sabihin iyon ni Lay ay biglang humalakhak nang malakas si Kai.
"Alam mo kung minsan nagdududa na rin ako kung magkapatid nga ba tayo Lay. Ang liit kasi ng utak mo. Kahit mawasak o magpirapiraso pa ang mga pahina ng aklat ng propesiya sa maraming piraso, kung nasa atin naman ang epilogo maaring mabuo ulit ito ng kusa. Mapapalitan ng panibagong mga pahina na naglalaman pa rin ng eksaktong mga tala o konstekto ang aklat ng propesiya. Nakalimutan mo na ba ang tungkol sa inpormasyon na iyon aking pinakamamahal na kapatid? At wala akong pakialam sa panganib ng epilogo." Aniya ni Kai sa kanyang kapatid na si Lay na nakangisi pa.
Napabuntong hininga na lamang ako. Nakakabaliw ang mga naririnig kong bagay na pinag uusapan nina Kai at Lay. Parang isang masamang panaginip lamang ang lahat ng nangyayari.
"Ell, natatakot na talaga ako. Baka mahuli nila tayo. Baka ikulong na nila ako sa bote para ialay sa kanilang diyos." Nahihintakutan na bulong sa akin ni Mikaela. Kahit ako natatakot din. Natatakot ako na baka makuha nina Kai at Lay si Mikaela sa akin.
"Huwag kang matakot. Hanggat kasama mo ako hindi ka nila makukuha. Pangako iyan Mikaela." Seryosong turan ko kay Mikaela.
Paano nga ba matatapos ang lahat ng ito? Isang maling kilos lamang namin ni Mikaela maari kami malagay sa kapahamakan.
"Tara na Lay lumabas na muna tayo. Hanapin natin si Mikaela. Iwan na natin ang mga sako sa silid na ito muna." Utos ni Kai sa kanyang kapatid. Ngunit hindi siya kinibo ni Lay. Bagkus ay umismid lamang ito.
"Ano ba Lay naririnig mo ba ako? Tara na sa labas ng kuwarto!" Naiiritang sabi ni Kai kay Lay.
"Hindi. Hindi na kuya. Ayoko na sumunod sa'yo. Aalis na ako ng resort. Hindi ko na kaya sundin ang mga mali mong paniniwala at masamang hangarin. Kuya kita pero tinatapos ko na ang ugnayan natin bilang magkapatid sa oras na ito." Sabi ni Lay habang nakayuko at nakayukom ang mga kamay.
"Lapastangan! At saan ka naman kumuha ng lakas ng loob sabihin sa akin ang mga bagay na iyan?" Gulat at namomoot na wika ni Kai sa kanyang kapatid.
"Simula noong dumating ang mga mortal. Sila Ell. Nakokonsensya na ako. Hindi ko na kaya pumatay at mangolekta ng mga kaluluwa. Ayoko ng maging taong ahas. Gusto ko na lamang maging normal na nilalang kagaya ng mga mortal." Seryosong turan ni Lay sa kanyang nakatatandang kapatid na si Kai.
"Wow, totoo ba ang huling mga salitang namutawi sa iyong labi? Gusto mo mamuhay kagaya ng mga mortal? So, sa madaling salita gusto mo maging isang tao? Tama ba ako Lay?" Sabi ni Kai na may diin sa dulo ng huli niyang salita.
"Tama ka kuya gusto kong maging isang tao."
"Isa kang hangal." Pagkatapos sabihin iyon ni Kai ay ginawaran na naman niya ulit ng sampal sa mukha si Lay. Matapos sampalin ni Kai si Lay ay tinitigan siya ng masama ng kapatid. Pagkatapos ay biglang nag walk out na si Lay papalabas ng kuwarto. Pero bago siya umalis ay nag wika muna siya kay Kai.
"Paalam, kuya Kai."
"Bago ka umalis. Isang bagay lang ang aking sasabihin sa'yo. Huwag ka nang magpapakita pa sa akin muli." Pagkatapos sabihin ni Kai iyon ay umalis nang tuluyan si Lay.
BINABASA MO ANG
Exodus (Completed)
FantasíaGenres: Dark Fantasy-Mystery/Thriller-Sci-Fi Started: April 8, 2015 Ended: June 13, 2016 Exodus: A Story With A Missing Epilogue "Hindi katulad sa mga ordinaryong babasahin na libro ang kuwento namin ng mga kaibigan ko. May prologue pero walang epi...
