Exodus 27: Public Viewing

2.8K 60 4
                                    

Kailangan ko ng bilisan ang pag takbo sa hallway. Kailangan kong makarating agad sa garden at makausap ng masinsinan si Zayne. Kailangan kong maihanda si Zayne sa maaring pag wasak sa aklat ng propesiya---oo nga pala ang pahina ng epilogo ay nasa ilalim ng unan sa kama ni Zayne. Kailangan kong bumalik sa kuwarto namin para kunin ang pahina ng epilogo.
 
Ngunit nang humakbang paatras na ako para tumakbo pabalik ng kuwarto namin ni Zayne ay natigilan ako at may narinig na kakaibang tunog.
 
"Ssssshh..."
 
Napahinto ako sa aking kinatatayuan.
 
"Ssssshh..."
 
Narinig ko muli ang kakaibang tunog.
 
"Ssssshh..."
 
Hanggang sa palakas na ng palakas ang tunog.
 
Nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong mga ahas na biglang nag sipag litawan sa buong paligid.
 
Pinalibutan ako ng mga ahas. Malamang si Kai ang may kagagawan nito. Kahit wala pa siya sa hinaharap nagagawa na niya mag hasik ng kanyang kapanyarihan sa pamamagitan ng pagpapalitaw ng mga makakamandag na ahas. Malamang siya rin ang may kagagawan ng pag ulan sa langit ng mga ahas noong Sabado na naging sanhi ng pagkamatay ng ibang estudyante rito sa institute.
 
Ngunit hindi ako nag padala sa takot sa mga ahas. May basbas ako ng kapanyarihan ni Cassiopeia. Kapag inapakan ko ang mga ahas malamang masusunog at magiging abo sila katulad ng nangyari kahapon sa Metropolis.
 
Ngunit nang inapakan ko na ang isang ahas ay naramdaman ko ang buong katawan nito sa aking sapatos. Hindi ito nasusunog hanggang sa pumulupot na ang ahas na ito sa kanang sapatos ko.
 
Ano na ang nangyayari? Bakit hindi ata gumagana ang basbas sa akin ni Cassiopeia? Hindi pupuwede ito hanggang sa napahawak ako sa aking leeg. Napansin kong hindi ko suot ang kuwintas na binigay sa akin ni Cassiopeia. Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit hindi gumagana ang basbas ni Cassiopeia? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari? Hindi ako maari mamatay nang dahil sa mga ahas na ito.
 
Hinubad ko ang mag kabila kong sapatos at tumakbo papalayo sa mga ahas. Tinungo ko ang daan papunta sa garden kung nasaan ang public viewing. Sinarado ko naman ang main entrance door ng dormitory nang sa ganun ay hindi na makasunod pa sa akin sa garden ang mga ahas.
 
Pag labas ko ng dormitory ay doon ko lang nalaman na umuulan pala ng malakas. May kasama pang kulog at kidlat. Parang babagyo pa ata.
 
Tumakbo na ako papunta sa garden kahit nakamedyas lang ako. Puro putik na ang mag kabila kong medyas na suot dahil sa mga dinaan ko.
 
Pagdating ko ng garden ay nakita kong pababa na mula sa maliit na stage ang dean. Nakita ko naman na paakyat na si Helen sa kabilang gilid ng stage. Mukhang kakanta na siya para sa flower offering sa mga namatay na estudyante.
 
"Good morning to all of you. I usually sing here at the Fire Castle Institute of Learning since I studied here. But I never imagined that time will come I'll be singing to my fellow dead schoolmates. Its really just hard and sad." Nasa stage na si Helen. She's going to start singing for the flower offering. "I'll be singing Broken Vessels by Hillsong United."
 
"All these pieces. Broken and scattered. In mercy gathered. Mended and whole. Empty handed but not forsaken. I've been set free. I've been set free..."
 
Nagsisimula ng kumanta si Helen. Nagsisimula na rin tumayo sa mga upuan ang mga taong nasa public viewing para sa flower offering. Napatingala naman ako sa kalangitan. Mas lalong lumalakas ang pag bagsak ng ulan. Bigla akong napasapo sa aking dibdib. Parang bumibilis ata ang tibok ng aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit. Nang biglang may narinig akong malakas na pagsabog sa may gilid ng stage. Nataranta naman lahat ng mga tao sa public viewing. Lumikha naman ng malaking sunog ang pagsabog kanina sa may stage. Hanggang sa narinig ko na lang na sumigaw ang ibang tao ng salitang ahas.
 
"Ahas!"
 
"Diyos ko ang daming ahas!"
 
"Katapusan na ba ng mundo?!"
 
Hanggang sa may naramdaman akong kamay na pumatong sa aking kaliwang balikat. Nilingon ko ito at nakita si Zayne.
 
"Buti nakita kita Migz. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" Nag aalalang turan sa akin ni Zayne. Hindi naman agad ako nakasagot sa kanya nang narinig kong sumisigaw ng tulong si Helen sa stage. Napapalibutan na ng apoy ang magkabilang exit ng stage. Hindi na siya makababa.
 
"Si Helen kailangan ng tu---" Hindi ko na naipagpatuloy ang aking sasabihin nang napatingin ako sa kalangitan. May paparating na bolang apoy na babagsak sa may garden!
 
"Aaaaaah!" Sigaw ko nang bumagsak na ng tuluyan ang bolang apoy sa may garden.
 
Nakahiga na pala ako sa lupa. Marahan akong tumayo. At habang tumatayo napansin kong nagkasira-sira na pala ang suot kong damit. Nakita ko si Zayne na tumatayo na rin sa pagkakatumba sa lupa dahil sa pagsabog na nilikha ng bolang apoy. Nagkasira-sira rin ang kanyang damit. Namilog naman ang aking mga mata nang nabaling ang tingin ko sa kanyang kaliwang balikat. Nakita ko sa balikat niya ang ekis na simbolo ng kaharian ng Exodus. Lumiliwanag at kumikinang pa ito na tila ginto. Napatingin naman sa akin si Zayne at bigla niya tinakpan ang kanyang balat. Napansin ata niya na napatitig ako sa kanyang balat. Ngunit sandali lamang ninakaw ng balat ni Zayne ang aking atensyon nang narinig kong may sumabog na naman sa paligid na nasundan pa ulit. Nagmumula sa bolang apoy na bumabagsak sa kalangitan ang mga sumasabog sa paligid.
 
Naalala ko bigla si Helen sa stage na kailangan ng tulong. Nasa stage pa rin si Helen pero wala siyang malay marahil sa pagsabog na malakas kanina.
 
"Zayne tulungan natin si Helen!" Sigaw ko sa kanya. Tumango naman siya at tumakbo kami papunta ng stage para sagipin si Helen.
 
Habang tumatakbo papunta ng stage nakita ko ang ibang tao na inaatake na ng mga ahas. Yung ibang walang malay at nakahandusay sa sahig ay ginagapangan na ang kanilang mga katawan ng iba't ibang uri ng ahas.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon