Exodus 16: Incognito

3.2K 68 2
                                    

"Mikaela!" Sigaw ko. Teka nasaan ako? Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Nasa isang green room ako. Puro berde ang nakikita ko. Berdeng pader, lamesitas, flower vase, aparador at kung anu-ano pa. Napansin ko rin na may suwerong nakakabit sa akin.
 
Naibaling ko naman ang aking paningin sa kanang bahagi ng kuwarto. May isang malaking bintana na natatakpan ng berdeng kurtina. Maingat akong bumangon at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Hinila ko kasama ang istante ng aking suwero. Marahan akong naglakad papunta sa bintana.
 
Habang naglalakad ay bigla akong nakararamdam ng kaba sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit.
 
Ngayon ay nakatayo na ako sa harapan ng bintana. Dahan-dahan kong hinila ang berdeng kurtina na kumukubli sa bintana. At namilog ang aking mga mata nang nabuksan ko na ang kurtina.
 
"What the fu---" Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa aking gulat. Nanaginip ba ako? Parang isang panaginip ang aking nakikita ngayon sa labas ng kuwarto ko. Kathang-isip? Nababaliw na ba ako?
 
Ang daming tanong ang tumatakbo sa aking isipan ngayon.
 
Kinusot ko ng aking mga kamay ang dalawa kong mata nagbabakasakali na namamalikmata lamang. Pero hindi, totoo talaga ang mga bagay na aking nakikita ngayon.
 
Malalaking makabagong gusali. Mga spaceship sa ere, mga kalsada na dinadaanan ng iba't ibang uri ng behikulo, at kung anu-ano pang wirdong mga bagay.
 
Bigla akong napahinga ng malalim.
 
I'm running out of words to describe everything!
 
Hanggang sa narinig kong may bumukas ng pinto.
 
"Mabuti naman at nagising ka na!" Isang nagagalak na boses ng babae ang narinig kong nagsalita na pumasok sa aking kuwarto. Nilingon ko siya.
 
"Nasaan ako?" Bigla kong wika sa kanya. Maganda siya. Batid kong hindi nagkakalayo ang mga edad namin. Morena ang kanyang balat. May matangos na ilong. Singkit ang kanyang mga mata. At may mapula siyang labi na maihahalintulad ko sa isang rosas. Nakabestida siyang kulay kahel na may floral design. May hawak din siyang isang manipis na bagay na may malaking monitor at kasing lapad ito ng isang aklat.
 
"Nasa clinic ka ng Fire Castle Institute Of Learning. By the way I'm Ayesa." Nakangiti niya na sabi sa akin.
 
"Nauuhaw ako." Bigla kong sabi. Ang weird parang nakakaramdam ako ng pagkatuyo sa aking lalamunan. Kailan ba ako huling uminom ng tubig?
 
"Sige, ikukuha kita. Saglit lang." Sabi sa akin ni Ayesa. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto.
 
Nabaling naman ang tingin ko sa isang salamin na nakasabit sa pader ng kuwarto. Naglakad ako papunta sa salamin. Ngayon ko lang napagtanto na iba na pala ang suot kong damit. Nakaputing t-shirt at itim na short ako. Nakita kong may suot akong kuwintas na may ekis na pendant---teka naaalala ko na!
 
Tama! Nasa hinaharap na ako. Tatlumpung taon mula sa panahon na pinanggalingan ko. Nawala kanina sa isip ko na pinadala nga pala ako ng espiritong tagapagbantay na si Cassiopeia sa hinaharap. Kaso si Mikaela naiwan siya. Hindi ko siya naisama sa hinaharap. Natatakot ako kasi nasa masamang kamay na siya ni Kai. Baka nakuha na rin ni Kai ang kaluluwa ni Mikaela. Huwag naman sana.
 
Pakiramdam ko dinudurog sa mga sandaling ito ang aking puso. Parang napakawalang kuwenta ko. Hindi ko man lang nailigtas ang buhay ng babaeng mahal ko.
 
Hanggang sa nakabalik na si Ayesa sa loob ng aking kuwarto.
 
"Ito na ang baso ng tubig mo." Aniya ni Ayesa sa akin. Inabot ko agad ang baso ng tubig. Nainom ko agad ang isang baso ng tubig sa isang lagok lang. Uhaw na uhaw talaga ako.
 
"Salamat." Mahina kong sabi nang naubos ko na ang isang baso ng tubig kay Ayesa.
 
"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong sa akin ni Ayesa.
 
Napaisip ako bigla. Sasabihin ko ba ang aking tunay na pangalan o mas mabuting mag balatkayo na lamang ako? Hindi ako puwede basta-basta magtiwala sa kung kanikanino na lamang lalo na't nag iisa lamang ako. Delikado para sa akin. Hindi naman sa nagpapaka-paranoid ako pero mas mabuti na ang maging maingat sa aking totoong katauhan. Bakit hindi na lang kaya magpanggap ako na nawalan ng alaala? Amnesia?
 
"Sorry, pero wala kong maalala na kahit ano." Sagot ko.
 
"Oh my God! Nagka-amnesia ka?" Gulat niyang tanong. Napakibit balikat na lamang ako sa kanya.
 
"If that will be the case, ano na lang ang gusto mong pangalan na itatawag ko sa'yo."
 
"Migz." Matipid kong sagot kay Ayesa. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi kong pangalan sa kanya. Bigla na lamang iyon ang pangalan na lumitaw sa aking isipan.
 
"Okay... Migz." Sabi niya na nakangiti.
 
"Puwede mag tanong Ayesa?"
 
"Oo naman Migz."
 
"Gaano na ba ako katagal na walang malay?"
 
Hindi agad sumagot sa akin si Ayesa. Napansin ko rin na bigla siyang napabuntong hininga at napabaling ng tingin sa ibang direksyon. Makalipas ang ilang segundo ay tumingin na siya muli sa akin.
 
"Huwag kang mabibigla Migz. To tell you the truth... you had been in comatose for one year." Sabi niya. Tila naparalisa naman ang buong katawan ko. Para bang naging estatwa ako sa sobrang gulat. Seryoso, isang taon akong na comatose?
 
"Ano isang taong?!" Bulalas ko sa sobrang gulat.
 
Hanggang sa napansin kong biglang tumawa nang napakalakas si Ayesa na akala mo ay wala ng bukas.
 
"No! I'm just kidding hahahaha!" Natatawa niyang sabi.
 
"What?" Nagtataka kong sabi kay Ayesa.
 
"Ano ka ba binibiro lang kita. I just want to make sure na talagang gising ka na hahahaha!" Natatawa pa rin siya. Ang weird niya. Ano ba'ng trip sa akin ng babaeng ito? Mukha ba akong nakikipag biruan sa kanya.
 
"To tell you honestly three hours ka pa lang walang malay simula nang makita kita sa garden ng Fire Castle Institute of Learning." Sabi sa akin ni Ayesa.
 
"Papatayin mo ako sa iyong biro Ayesa." Sabi ko naman sa kanya. At least, nakahinga na ako ng maluwag. Kung nagkataon na isang taon nga ako nakatulog mababalewala ang lahat ng ipinunta ko rito sa hinaharap.

Exodus (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon