"Bakit may maskara na suot ang dean?" Curious kong tanong kay Ayesa.
"Hindi ko rin alam. Wala pa nakakakita ng buong mukha ng dean o si Mr. Light kapag hindi ito nag susuot ng maskara sa mukha." Sagot sa akin ni Ayesa.
"Ahhhh. Okay." Pagsang ayon ko na lang sa sinabi ni Ayesa.
"Sabi sa akin ni Mr. Light dumito ka muna raw habang hindi pa bumabalik ang iyong alaala. Saka sa Lunes papasok ka na." Sabi sa akin ni Ayesa.
Magiging estudyante ako sa institute. Habang nagpapanggap ako na walang maaalala dapat isabay ko na rin ang paghahanap sa epilogo at halo. Wala na akong dapat pang sayangin na oras. Nararamdaman ko nasa panganib ang kasalukuyan panahon dahil kay Kai.
"Sabado na bukas Migz at walang pasok bukas. Ano ang plano mo?" Sabado na pala bukas. Buti sinabi sa akin ni Ayesa. Puwede akong gumugol ng aking oras para sa misyon.
"Hindi ko pa alam." Tugon ko kay Ayesa.
"Maiwan muna kita Migz. Nasa kabila lamang ang aking kuwarto. Room #24. Kumatok ka lang. Wala naman akong masyadong gagawin na ngayon kaya baka magpapahinga muna ako." Sabi ni Ayesa.
Mag isa na lang ako ngayon sa kuwarto. Dalawa ang kama rito. Ang kama ko at ang kama ni Zayne. Ang aking room mate. Nang biglang pumukol ang aking tingin sa pintuan. Bigla kasi ito bumukas. Nakita ko na pumasok dito si Zayne. Hinihingal siya at tila ninenerbiyos.
"Sino ka? Bakit ka nasa kuwarto ko?" Biglang tanong sa akin ni Zayne habang hinihingal pa rin sa may pintuan.
"Ako nga pala si Migz. Ang iyong bagong roommate." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Talaga?" Sabi niya tila hindi makapaniwala.
"Oo. Dito ako pinatuloy ni Mr. Light."
"Isa ka rin sphinx?" Tanong niya sa akin.
"Anong sphinx?" Pagkasabi ko nun ay napansin kong namilog bigla ang mga mata ni Zayne. Tila nagulat siya sa akin.
"Hindi mo alam ang sphinx seryoso?"
"Hindi eh." Sabi ko sabay kamot sa aking ulo.
"Ang sphinx ang mga tao na kakaiba. May tinataglay silang mga kapanyarihan. May paniniwala na ang mga sphinx ay nagsimula noong 1999 nang biglang may naganap na isang malakas na pagsabog sa North Express Way na ngayon ay tinatawag ng Hollow Road. Lahat ng mga tao ay nawalan ng malay. Nang nagising ang mga tao pagkatapos ng malakas na pagsabog ay may napansin sila na kakaiba sa mga kanilang sarili. Nagkaroon sila ng kakaibang lakas. Kapanyarihan. May mga ibang tao na nagagawang lumipad sa ere. Huminga ng matagal sa ilalim ng tubig. Lumikha ng bolang apoy sa kanilang kamay. At kung anu-ano pa." Kuwento sa akin ni Zayne.
Nabanggit ni Zayne sa kanyang kuwento ang taong 1999. Iyon ang taon na pinanggalingan ko. Nagkaroon daw ng malakas na pagsabog na nakaapekto sa maraming tao. May kinalaman kaya si Kai rito?
"Kung nandito ka sa Fire Castle Institute of Learning isa lang ang ibig sabihin nun. Isa ka rin sphinx na katulad ko." Sabi ni Zayne sa akin habang papalapit sa kanyang kama.
"Sa totoo lang hindi ko alam. May amnesia kasi ako. Nakita lang ako ni Ayesa na walang malay sa garden kaninang umaga." Tugon ko kay Zayne.
"Ah, I see. Si Ayesa pala ang dahilan kung bakit ka nandito." Sabi ni Zayne
"Magkakilala kayo ni Ayesa?" Tanong ko.
"Oo naman. Siya ang president ng student council sa buong Fire Castle Institute of Learning."
"Cool." Sabi ko.
Kaya pala ganun na lang ang takot ng apat na estudyanteng bully kanina kay Ayesa na nang bubully naman kay Zayne.
"Ikaw sphinx ka for sure. Ano naman ang kapanyarihan mo?" Tanong ko kay Zayne.
Napansin ko naman na biglang natahimik si Zayne.
"Zayne may problema ba?" Tanong ko sa kanya. Natahimik kasi siya bigla. Napansin kong parang nabalisa siya.
"Ahhhmn. Nice meeting you Migz. Lalabas muna ako. Punta ako sa canteen ng institute. I will just take my lunch." Tugon sa akin ni Zayne. Hindi niya sinagot ang aking tanong. Ang weird niya.
"Wait, Zayne!" Tawag ko kay Zayne nang nasa pintuan na siya ng kuwarto namin.
"Can I come with you? Nagugutom na rin kasi ako." Pagpapatuloy ko.
"Sige." Matipid niyang sagot sa akin.
Paglabas namin ni Zayne sa pintuan ay nagkataon din na palabas ng kuwarto si Ayesa.
"Oh, good to see you both Migz and Zayne. Are you also going to the 24/7 canteen ng institute?" Nakangiting sabi sa amin ni Ayesa.
"Oo." Tugon ko. Si Zayne naman ngumiti at tumango lang kay Ayesa bilang pag sagot.
"Sabay na ako sa inyo. Nagugutom na rin kasi ako."
Tatlo kami magkakasabay na pumunta ng canteen. Nang nakarating na kami sa canteen ay napansin kong nakatitig sa akin ang ibang mga estudyante. Siguro kasi bagong mukha pa lamang ako sa institute.
"Ganyan talaga sa simula Migz." Biglang bulong sa akin ni Ayesa. Napansin niya rin siguro na pinagmamasdan ako ng mga ibang estudyante na nasa canteen din.
Malawak ang canteen ng institute. Tamang tama lamang sa dami rin ng mga estudyanteng nag aaral dito. Sa dami nila naisip ko may posibilidad kaya na nag aaral din dito ang halo sa institute? Si Enrys. Hindi ko alam. Ang tanging magiging pagkakakilanlan ko lang sa kanya ay ang balat niya na hugis ekis na matatagpuan sa balikat.
Nasa counter na kami. Hindi ko alam kung ano ang aking order sa babaeng bantay sa kahera. Napansin ko kasi na ang kanilang menu makabago na. Iba na rin ang estilo nang paghahanda nila sa pagkain. Saka hindi pamilyar sa akin ang mga pangalan ng pagkain.
Ginaya ko na lang ang order ni Ayesa. Kaso naalala ko na wala pala akong pera.
"Ayesa, puwede ba ako manghiram sa'yo ng pera?" Mahina kong sabi kay Ayesa.
"No need Migz. Free ang lahat ng pagkain sa canteen para sa mga estudyante ng institute." Sabi sa akin ni Ayesa. Buti naman at libre lang. Hindi na ako dapat pa mag alala.
Nang nakapag order na ang lahat ay magkakasama rin kami na kumain sa isang lamesa.
Medyo naninibago ako sa lasa ng pagkain dito sa future pero masarap naman ito. I guess eventually masasanay din ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/36559279-288-k292241.jpg)
BINABASA MO ANG
Exodus (Completed)
FantasiaGenres: Dark Fantasy-Mystery/Thriller-Sci-Fi Started: April 8, 2015 Ended: June 13, 2016 Exodus: A Story With A Missing Epilogue "Hindi katulad sa mga ordinaryong babasahin na libro ang kuwento namin ng mga kaibigan ko. May prologue pero walang epi...