The day after...
"Ayoko naa... ya, Hyung! Ikaw na lang mag-luto dito! Dali na!" Maktol ni Adrian.
"Ba't ba? Alam mo naman yung si CJ, mas uunahin pa yung asawa niya kesa sa atin!" Sabi ni Gab Hyung.
"It hurts you know! Teka, parang cup noodles lang naman ito ah? Wag mong sabihin ipapa-asa mo lahat ng gawaing bahay sa fiance mo?"
"Grabe ka naman Saeng! Hindi naman lahat ng gawaing bahay noh! Magpapa-turo nga ako kay CJ kung paano mag-luto eh."
"Aish, tama na nga yan! Mag-order na lang kayo sa Mcdo!" Sabi ko.
"Tristan naman eh! Umuulan kaya! Tska ayoko muna gamitin yung kotse ko noh!" Ang arte ni Adrian -_-
"Hays, akin na nga yang mga cup noodles. Parang ito lang eh, tsk!"
>>>>>
"Sa tingin niyo. Ano kaya yung nangyari sa Coleen na yun at kay Enzo? I smell something fishy." Sabi ni Gab Hyung.
Hindi naman cheap si Enzo, pero ano kaya merun sa kanila ni Mafia Girl?
Nakakapag-taka nga naman ba, anong gayuma kaya ginamit ng babaeng yun at naging close sila ni Enzo?
Mai-tanong nga, gagawin ko rin kay Chloe, joke lang! Patayin pa ako ng aking mga fan girls XD
Habang kumakain kami, may biglang tumawag kay Adrian Hyung.
"Hello?"
..................
"Po? Hindi ko po yun kilala... sure po ako. Saan po?"
Ang galang ni Hyung ah? May sumapi ba dito? XD
"Sige po... Saturday? Wala naman po akong gagawin nun. Sige po, bye."
"Sino yun?" Tanong ni Gab Hyung.
"Investor chu chu. Pwede naman na tawagan yung secretary ni Dad. Psh."
"I can feel you bro, I can feel you."
Tapos nag-hugas ng kamay si Gab Hyung at hindi niya ito pinunasan, nilagay niya ito sa banda ng mata niya -_-
"Si Saeng lang naman yung maayos makipag-usap sa ating lahat eh, si Enzo may pagka-flirty pag-babae yung nasa telepono."
"Sinabi mo pa Hyung, teka nga lang. Tulog pa ba si Alex Hyung? Si William Hyung nasa meeting eh. Si Enzo naman, nakipag-date -_- ganun rin si CJ Hyung." Sabi ni Adrian.
Tahimik lang talaga ako. Wala ako sa mood makipag-harutan sa kanila -_-
>>>>>
"O siya sige. Mag-layas na kayo! Paki ko kung mawala kayo sa daan. Sige na, Leader. Ikaw na mag-hatid sa mga yan. Okay?" Sabi ni Enzo.
Naka-balik na kasi yung ugok -_-
"Ginawa mo pa akong driver! Gagers ka ba? Kami tong bisita! Dapat ikaw mag-drive!"
"Leader naman! May kasama ako oh!" Tapos nag-pout siya. Yuck.
May kasama nga siya. Isang magandang babae, pero halata na nakaka-takot siya. Si Coleen Jung ata toh eh.
"Annyeong! Coleen Jung-imnida!" Tapos nag-bow siya.
Ba't ang raming korean people dito? Like, hindi naman siya weird, pero, hindi talaga namin mapigilan minsan na mag-korean.
"Mag-on ba kayo?" Diretsong tanong ko.
"Ani! Paano mo naman na-isip yun?!" Tanggi ni Enzo.
"I smell something fishy. Ginayuma mo ba siya Coleen?" Tanong ko ulit.
"Uhh, no! Why would I do that? Kamukha niya lang kasi yung fiance ko dati. Singkit rin kasi yun eh. Pero, hindi siya naaksidente o ano."
"Ang defensive mo naman Saeng! Okay lang yan. I can feel you." Sabi ni Adrian Hyung.
"Huh? Friendzone ba kayong lahat or soemthing?"
"Si Tristan lang yung friendzone sa amin Saeng. Si Adrian, uma-asa lang yan. Si CJ at ako naman ay may kanya-kanyang lab lyfe. Si Alex, bitter yan, at si William naman ay... malay ko, manhid yan eh." Explain ni Gab Hyung.
"Eh si Enzo?"
"Hmm... playboy yan Saeng. Wag na lang tayo umasa diyan sa lalaking yan." Sabi ko.
Mas bata sa amin si Coleen. Kaso nga lang, naka-graduate siya agad kasi, she got brains. Not jams, but brains. XD
Nagusap-usap muna kami tapos nun, umuwi rin naman kami. Pero si Coleen naman ay... nag-stay lang dun. Something is really going on with those two.
>>>>>
"Ano pang hinihintay mo? Pasko? Bumaba ka na nga! Leche, may pupuntahan pa ako bukas eh!" Maktol ni Alex Hyung.
"Mukhang pupuntahan mo si Halmeoni? Sama kami sayo bukas." Sabi ni Adrian.
"Oo nga, punta rin kami bukas sa kanya! Pwetty please?" Si Gab Hyung yan. I'm not a sweet person -_-
"K. Alam niyo naman yung daan eh noh?" Tanong niya.
Tumango kaming lahat. Simula pagka-bata, kasi, kilala na namin si Halmeoni. Si Halmeoni yung taong, importante kay Alex Hyung.
Mabait si Halmeoni, pinagsa-sabihan niya rin kami paminsan-minsan, but the sad thing is... yung pupuntahan namin bukas ay sa sementeryo.
Yes, Halmeoni is already living in heaven. Alex Hyung was really blaming himself that time. But I guess, Halmeoni did that for the better.
"Huy! Ano ka ba naman Saeng? Tulala ka nanaman diyan ah? May problema ka ba?" Nabigla ako kay Jacob Hyung.
"Ahh. Tara na. Gabi na oh." Sabi ko at nag-bye na kami kay Adrian, and we drove off.
Nagmuni-muni ulit ako. XD
To be honest, the only family that Alex Hyung really cares about is his Halmeoni. Iniwan siya ng nanay niya, yung tatay niya naman parang walang pake.
Kung kami, may pamilya. Well, si Hyung ay wala na. Kahit nandiyan yung tatay niyang workaholic.
But I guess... magiging okay rin silang mag-ama. They just need time to fix things.
>>>>>
Hay salamat! Naka-uwi na rin! Napa-salampak ako sa kama ko.
I sighed. Mabuti na lang at tapos na yung project namin ni Ms. Brizo. Ang hirap mag-drawing ah!
(Kahit hindi naman magaling mag-drawing si Ilong, pag-bigyan na lang natin siya XD Hindi kasi marunong mag-drawing si Unnie kaya si Ilong na lang XD)
"Shit! May test nga pala kami sa ENGLISH! Putek, ang shunga-shunga mo talaga Tristan! Ang shunga-shunga mo!" Sabi ko sa sarili ko.
Ba't ba? Wala akong kausap dito eh. Mag-isa lang kaya ako sa bahay, bukod na lang sa mga maids at driver.
>>>>>>
"This is it pancit! Mag-aral ka Smith kung gusto mo ngumanga yung mga bibig nila Enzo! Tska hindi na nila ako lalaitin dahil mataas na grades ko sa english!"
"Sir Tristan, may bisita po kayo sa baba." Sabi ng isang maid dito.
Tumango na lang ako at tumayo na. Mamaya na nga lang! Sino ba naman bibisita sa akin eh 11 na.
Bumaba na lang ako pero, I stopped walking downstairs. Nagulat ako dahil andito siya. Nakita niya ako and she started to tear up.
"Zachary, si Mommy..." Si Chloe.
Binilisan kong bumaba at nung naka-harap ko na si Chloe... I hugged her. Iyak pa rin siya ng iyak.
"What happened to Tita?" Tanong ko while I'm still comforting her.
"She's in the hospital. Bigla na lang daw siya nahimatay. Zach, I... I don't know what to do." I patted her back, she won't stop crying.
World... what's happening to you?
To Be Continued...
>>>>>
5/25/16 Wednesday
11:09 PM
BINABASA MO ANG
Why Do I Keep On Holding On?
Novela Juvenil"Why do I keep on holding on to you that much? Even though we're not meant for each other and I'm not the one by your side?" -Tristan Zachary Smith 5/18/16 ...