Someone's POV
"Hoy! Gising na! Ma-late ka pa sa school mo eh!" Agad akong bumangon sa pagkaka-higa sa kama ko.
"Ang aga-aga ang ingay!" Sabi ko habang tina-try imulat ang mga mata ko.
"Aba! Tong batang toh! Hoy, ineng. Alas-singco na! Hindi ba't alas-dyis ang pasok mo?!"
"Tyang naman! Pwede mo naman akong gisingin ng alas-sais eh! Alas-singco pa lang naman eh!"
"Aba't! Wag ka na mag-reklamo diyan! Maligo ka na, plinantsa ko na yung uniform mo kagabi. Ba't ka ba kasi naggala-gala dun? Yan tuloy, na-ospital ka nanaman!"
"Aish, sige na Tyang. Maliligo pa po ako." Sabi ko sa tiyahin ko.
Habang inaayos ko yung uniform ko, hindi ko mai-wasang mapa-isip... paano kaya ako naka-punta sa ospital kagabi?
>>>>>
Monday na ngayon, kaya may pasok sina Tristan.
Kaka-dating lang ni Enzo, pinuyat kasi siya ni Coleen. Nag-bar kasi si Coleen, eh walang magawa si Enzo kasi lasing na si Coleen nung na-abutan niya toh.
Hindi naman sa madaling malasing si Coleen, naka-sampu lang naman siya ng bote ng Red Horse. Kaya ayun, bagsak na pag-dating ni Enzo.
Kaya siya pinuyat, ay dahil...
"Umayos ka nga! Para kang wriggling worm diyan eh!"
Sabi ni Enzo kay Coleen. Ang gulo kasi nito eh, kung saan-saan ba naman kasi pumupunta. Una, sa kusina! Pangawala, sa banyo. Pangatlo, sa labas ng bahay ni Enzo. Eh umuulan nung gabing yun. Kaya ayun, basa silang dalawa.
"Gago ka ba?!"
"Ay hindi! Tanga ako! Tanga!" Ganti ni Enzo kay Coleen.
Pero imbes na suntukin ni Coleen si Enzo... sinukahan na lang niya ito.
Kaya ayun, since masyadong DANGEROUS si Coleen pag-lasing, binantayan na lang ni Enzo 24/7 si Coleen.
Kaya ayun, naga-away pa rin yung dalawa hanggang ngayon. Non-stop nga eh. -_-
>>>>>
Nung lunch time na nila, naga-away pa rin ang dalawa. Hindi maiwasang mapa-isip si Tristan at Chloe na pwedeng magka-tuluyan ang dalawa.
Pero ang sinabi lang naman ni Coleen ay...
"Loyal kaya ako! Tska, duh! May fiance ako noh! Aasa lang yang gagers na yan."
Loyal daw kuno. Tingnan lang natin, ba ka mag-katuluyan talaga ang dalawang yan.
Kumakain silang lahat ng may tinawag si Coleen. Hinila niya ito at pina-kilala kay Chloe. Si Ms. Brizo pala.
"Tristan, kilala mo na siya noh? Siya si Laarni Brizo. Just call her Arni." Sabi ni Coleen sa kanilang tatlo.
Ngumiti siya at inintroduce ang sarili niya. Magka-kilala na pala silang dalawa since Grade 2. Kaya, halata naman na protective tong si Coleen kay Arni.
(Waa... o ayan na Unnie. XDDD Ayan na ang plano ko)
Habang kumakain sila, hindi nila maiwasang mag-kulitan at kwentuhan. Masayang kasama si Arni, ganun rin si Coleen. Silang dalawa ang palaging pasimuno ng mga kwento.
Nag-desisyon sila na manuod ng movie mamayang uwian. Horror naman daw para may thrill. Pero mukhang hindi makiki-ride si Arni dahil maga-aral pa daw ito para sa test nila sa Math.
Mag-classmates lang sina Tristan, Enzo, at si Arni sa History, at English. The rest, iba na.
Kaya ayun, hindi na lang daw sila manunuod, pupunta na lang daw sila sa bahay ni Arni.
(Kaya tinanong kita Unnie! Ayan ah, para may alam kayo)
>>>>>
"Waa... astig ng kwarto mo Unnie! Lahat black eh noh? Joke!" Biro ni Chloe sa Arni Unnie niya.
"May white naman ah! Uyy... books!" Masiglang sabi ni Enzo.
Mahilig rin kasi ito sa mga libro eh. Halos lahat naman ata sila mahilig mag-basa, lalo na si William.
At oo nga pala, wala si William dahil busy siya sa mga paper works and all about business.Habang si Gab naman, busy sa paga-ayos sa wedding nila ni Karyl. Si CJ naman ay ina-ayos yung bagong branch ng pastry shop nila sa New York. Si Alex ayun, tulog, kain, ligo, work-out, lang ang routine niya.
Si Jacob, ayun, todo-train sa mga students niya. May laban kasi sa school ng mga students niya eh, kaya ayun. At si Trisha naman, busy sa pagdo-drawing ng mga bagong designs niya.
Tiningnan ni Enzo ang mga libro sa may book shelf ni Arni. May kinuha siyang libro, at ang author pala nito ay si John Green.
"Mahilig ka pala sa mga books ni John Green? Parehas pala tayo eh! Tska ang rami mong books dito ah?" Sabi ni Enzo kay Arni.
"Huh? Ahh, oo. Favorite ko yung Paper Towns tska yung Abundance of Catherines. Ang ganda kaya nung story."
Nilibot ni Chloe yung buong kwarto ni Arni. Nahagip ng kaniyang mata ang isang acoustic guitar.
"Unnie. Marunong ka pala mag-gitara?" Manghang sabi ni Chloe.
"Ahh, medyo. Ginagamit ko lang naman yan pag wala akong ma-gawa dito." Sabi ni Arni.
"Marunong rin kaya yan mag-rubrics cube! Nabuo niya nga yung rubrics cube ko na isa eh! Magaling kaya tong bestfriend ko!" Proud na sabi ni Coleen.
"Ang rami mong doll shoes Unnie. Mahilig ka sa mga ganito?" Tanong ni Chloe.
Wag kayo, matanungin yang babaeng yan .-.
"Oo, comfortable rin kasi ako sa mga yan eh. ^_^"
"Ayy, diyan muna kayo ah? Maglu-luto muna ako." Sabi ni Arni sa kanila.
"Ahh, sama kami." Sabi ni Enzo. Tango lang ang nai-bigay ni Arni sa kanila.
>>>>>
"Sure kayo na hindi na kayo kakain? Ba ka gutumin kayo bigla." Tanong ni Arni sa kaniyang mga kaibigan.
"Ano ka ba naman best! Hindi kami gugutumin noh! Ang rami ko kayang kinain kanina!" Sabi ni Coleen.
"Matakaw ka kasi kaya ganun! Bagay nga sayo yung Piggy na nickname eh." Sabi ni Enzo kay Coleen.
"Ito nanaman sila!" Sabi ni Tristan at napa-facepalm na lang ito.
Habang sina Chloe at Arni naman ay tumatawa lang sa inasta ng dalawa. Aso't pusa nanaman sila mga kapatid!
>>>>>
"Ingat kayo!" Sabi ni Arni.
"Opo Mother Arni! Magi-ingat po si Tristan bebe mag-drive! Aray naman Saeng!" Sabi ni Enzo. Nag-girl voice pa ito, kaya parang kambing na nawa-wala.
"Para kang kambing! Sige Arni, alis na kami!" Sabi ni Tristan. Tawa lang ang nai-bigay ni Arni sa kanila.
>>>>>
"Hay... makapag-aral na nga!" Sabi ni Arni nung tapos na siya nag-hugas ng pinag-kainan niya.
Umakyat siya papuntang kwarto niya. Nung naka-pasok na siya, malinis pa rin ang kwarto niya.
Kinuha niya ang kanyang libro, notebook, tska ballpen. Pati na rin pala ang reviewer niya.
Napa-buntong hininga na lamang siya. Pero masaya pa rin siya. Dahil nandiyan ang mga kaibigan niya na susuportahan siya kahit anong mang-yari.
Ngumiti na lang si Arni at bumalik sa pag-aaral.
To Be Continued...
>>>>>
6/6/16 Monday
11:30 PM
BINABASA MO ANG
Why Do I Keep On Holding On?
Novela Juvenil"Why do I keep on holding on to you that much? Even though we're not meant for each other and I'm not the one by your side?" -Tristan Zachary Smith 5/18/16 ...