Chapter 1

475 20 2
                                    

"Kuyaaaa!!!!" sigaw ng nakakabata kong kapatid.Aish,ang aga-aga nambubulabog na naman.

"Ano namang problema mo?Ang aga-aga pa eh" reklamo ko sa kanya.

"Eh kasi kuya.Pinapapunta ka ni mama sa opisina niya.Kakausapin ka daw.Masinsinan daw.Lagot ka kuya..Siguro may ginawa kang bad noh!!"

Ano namang problema neto ni mama.Sa sobrang daldal ng kapatid ko,nakalimutan ko ng ipakilala ang sarili ko.Ako pala si Travis Klein Clifford.Ordinaryong gwapo lang naman ako.

"Ano kuya?Tutunganga ka lang dyan.Galaw na"

"Psh.Oo na.Labas na.Pakisabi kay mama.Maliligo lang ako"

"Ok.Dalian mo ah"

Pumasok na ako sa cr para maligo.Maya-maya ay natapos na ako.Naghanda na rin ako para bumaba.Pagpasok ko sa office ni mama.

"Ma.Bakit niyo po ako pinatawag?"
"Wala man lang good morning?Well,umupo ka muna dyan".

Umupo naman ako.Paligoy-ligoy pa si mama eh.

"Ok ma.Ano ng pag-uusapan natin?"
"Nalulugi na ang kompanya natin anak"
"So?"
"Kelangan mong idate yung kaisa-isang anak ng business partner natin.Yung Fendre family,alam kong sila lang ang makakatulong satin."
"Ano?Hindi pwede yan ma.Alam mo namang may girlfriend ako.Diba?Bakit mo pa sakin ipapagawa yan?"
"Kelangan natin gawin to anak.Kung hindi babagsak ang kompanya natin.Kaya mo bang mabuhay sa isang simpleng bahay na walang aircon?internet?walang credit cards?kasi kaming dalawa ng papa mo kaya naman namin eh.Pero pano kayo?Kaya kung kelangan ibreak mo na yang girlfriend mo"

Aish.Ano ba tong pinagagawa sakin ni mama.

"Fine.Sige ibebreak ko na si Claire para sa inyo"
"Thank you anak.By the way,mami-meet mo siya by next week."
"Ano bang pangalan niya?"
"Ahmm...Maureen Hayes Fendre"
"Ah.Ok.Sige ma.Alis muna ako"
"Sige."

Lumabas na ako sa office ni mama at pumunta sa kwarto.Mayaya ngang maggala ang tropa.Matawagan nga si Xander.

Calling Xander...
(Yo!napatawag ka?)
Tara,gala tayo!
(Libre mo?)
Tss.Oo na,pero sayo lang ah.Yayain mo na din sila Luke at Mark.
(Oh sige.Kita na lang tayo.)
Geh..

Inend ko na yung tawag.Binuksan ko muna yung laptop ko at naglog-in sa fb.Sinearch ko ang pangalang Maureen Hayes Fendre pero walang lumabas.Tinry ko din sa instagram pero wala din.Maski sa twitter wala.Kababaeng tao walang account.Masyado bang private ang buhay neto?

Mga ilang minutong nakalipas ay nagdesisiyon na din akong lumabas para umalis.Next time na ako makikipag-break kay Claire.Pagdating ko sa parking lot,nakita ko naman agad ang tropa.

"Himala!Hindi na-late si Travs"
"Tsk"

Naglakad na kami papasok sa mall para mang-chicks....Sila!!! Akala niyo naman kasama ako.

"Travs,malapit na monthsary niyo ni Claire ah..2 days na lang" sabi ni Luke.Isa kong bestfriend.Luke Andrei Wilson yung full name niya at kasali siya sa isang mafia organization.Siya ang tinaguriang fighter sa aming magtotropa

Aish.Oo nga pala.Anong gagawin ko neto.
"Mga bros,kelangan ko ng ibreak si Claire eh."
"Huh?Bakit?Ano yun,isang buwang pag-iibigan lang.Wait,wala pa palang isang buwan kayo nakikipag-break ka na agad?"-Mark.Mark Lucas Kim naman yan.
"Tsk.Mahal ko naman si Claire eh.Kaso may pinapagawa sakin si mama."
"Ano?"-Xander.Xander Max Perez.
"Tsk.Kelangan kong idate yung kaisa-isang anak na babae ng business partner namin."
"Sino naman yan?Nakilala mo na ba?Sexy ba?Mag---ARAY" aish.Kahit kelan talaga napaka-chismoso ng Mark na'to.
"Kilala ko na siya.Pero next week ko pa siya mami-meet.Sinearch ko naman walang fb,instagram,twitter.Masyadong private ang buhay ata ng idedate ko eh."
"Sino ba?" -Xander.
"Maureen Hayes Fendre"

I'm Dating the Mafia Princess #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon