Chapter 18

57 2 0
                                    

Travis POV

"Manigas ka dyan!"sabi ni Maureen at umakyat papunta sa kwarto niya.

Hala?San kaya galing yung mga pagkain na yun?Hmm.HALAAA!Siguro bumili si Maureen sa labas ng makakain niya.Pero,ang bilis naman ata.May super power kaya siya?Katangahan na yan Travis ah!Pogi nga tanga naman!Tsk!!Atleast gwapo.Haha!Akala mo ah.Pero san ba talaga niya nakiha yun?

Pupunta pa lamang sana ako sa kusina para hanapin kung san nanggaling yung cereals at cookies na kinain ni Maureen nang biglang may nag-text sakin.

From:Babe Claire 😍
Hey!Can we talk?After nito,titigilan na kita.I love you 😘
~ZCH

Di ko pa pala napapalitan pangalan niya sa contacts ko.Pero,ano namang trip nitong si Claire at makikipagkita pa?Di niya pa sinabi lahat-lahat kagabi.Sayang pa sa gas at effort eh!

To:Claire
San at kelan?

1 message received

From:Claire
SB,lunch.
~ZCH

Di ko na siya nireplayan at dumiretso sa kusina para gawin ang operasyon ko.Operation:Finding cereals and cookies!Hinalungkat ko ang bawat cabinet at drawers na nakikita ko.Napunta na nga ako kung saan nakalagay ang mga pesticides,insecticides at iba pang mga panlason.

"Hay!San ba kasi niya nakuha yun?"namomroblema kong tanong sa sarili ko.

"Para kang tanga dyan"muntik na akong mapatalon dahil sa nagsalita mula sa likod ko.Di kaya?

"Si Maureen to!Wag kang paranoid"cold na sabi ni Maureen?Nasa kwarto siya kanina diba?

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako humarap sa kanya.Nanlaki ang mata ko ng nakabihis siya ng pang-alis.

"San mo punta mo?"tanong ko pero tinarayan niya lang ako.

"Eto oh!Cookies.Para kang magnanakaw dyan eh.Halungkat ng halungkat.Ayusin mo yan dyan ah!Pagbalik ko ng nakaganyan pa rin yan.Papatayin kita"banta niya sakin.Bigla namang nagsitindig ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya.

"Oo na.Pero san nga lakad mo?"pang-uusisa ko.

"Kung san wala ka"sabi niya at tumalikod na.

Grabe talaga si Maureen sakin.Ay,di naman pala masyado!Hehe.Binigyan niya kasi ako ng cookies eh.Pero san ba talaga pupunta yun?Linggo naman ngayon?Baka magsisimba.Di man lang nag-aya.

Aha!Alam ko na.Susundan ko na lang siya.Lalabas na sana ako ng maalala kong wala pala akong dalang kotse.Ano?Maglalakad ako mamaya para makipagkita kay Claire?Uso mag-commute Travis!

Matapos kong kainin yung binigay niyang cookies ay umalis na ako at pumunta munang bahay para mag-ayos ng sarili.Syempre,kahit ex ko yun.Dapat magmukha pa din akong presentable.Hahaha!

"Kuyaa?San ka galing kagabi?"salubong agad sakin ni Brae.

"Kila ate Maureen mo"

"What?Mag-asawa na ba kayo?"

"Hindi pa.Haha!Sige,Brae.Aakyat muna ako ahh!"paalam ko.Tumango lang siya.

Pagdating ko sa kwarto ay agad akong nagbihis.Bumaba na ako at sumakay sa kotse.Pinaandar ko na ito papunta sa SB kung saan kami magkikita ni Claire.

Medyo maaga akong nakadating kaya nag-ikot-ikot muna ako.Nanlaki ang mata ko ng nakita ko si Maureen sa isang resto na may kasamang lalaki.Parang familiar yung lalaki eh.Sino nga ba yun?Isip....Isip.....Aha!Kilala ko na.Si Lathan!Pero bakit kasama niya?Akala ko ba galit siya kay Lathan?Pero ngayon parang masaya siya.Hayy!Umalis na ako sa lugar na yun.Pagkadating ko dun sa SB ay nandun na din si Claire.Pagkakita niya sakin ay agad siyang ngumiti at lumapit para sana yakapin ako pero mabilis akong nakaiwas.

"So-sorry!"paumanhin ni Claire.Tumango lang ako.

"So!Ano pang dapat nating pag-usapan?"naiinip kong tanong.Simula ng nakita ko si Maureen na kasama yung Lathan na yun ay medyo nawalan na ako ng gana.Parang gusto ko ng umuwi.

"Tungkol satin!"sabi ni Claire at yumuko.

"Wala na nga tayong pag-asa Claire.Iba na yung nasa puso ko ngayon.At kilala mo na siya!"sabi ko.

"Wala na ba talaga?"sabi niya at humarap sakin.

"Wala na talaga"

"Hindi.Tingnan mo ako ng diretso sa mata Travis at sabihin mong wala na talaga!"naiiyak na sabi niya.

Huminga muna ako ng malalim at tiningnan siya ng diretso.

"Im sorry Claire.Pero wala na talaga tayong pag-asa.Iba na ang mahal ko at hindi na ikaw.Im very sorry!"sabi ko.Nagtuloy-tuloy na ang mga luhang pumapatak mula sa mata niya.

"Kung wala na talaga.Hindi kita pipilitin Travis.Pero tandaan mo na nandito lang ako para sayo!Sige.Aalis na ako"sabi niya at malungkot na ngumiti.

"Wait lang!Pwede bang payakap muna Travis?Kahit 2 minutes lang"request niya.

Hindi na ako nagsalita at hinila na siya para mayakap ko siya.Nauna na siyang bumitaw at ngumiti ulit.

"Sige na.Baka makita pa tayo ng girlfriend mo eh.Bye na!"sabi niya at tumalikod na.
******
Maureen POV

Matapos naming mag-usap ni Lathan ay naglakad-lakad muna ako.Natigilan ako ng makita ko si Travis na may kausap na babae!Yung babaeng nag-eskandalo sa bahay kagabi.Maglalakad na ulit sana ako ng bigla niyang hinila at niyakap ang babae.Natawa ako ng mahina kasabay ng pagpatak ng luha ko.Shit!Para san yun?Bat ako naiyak?Pinahid ko ang luha ko pero nagtuloy-tuloy pa din ang pag-agos.Tumalikod na ang babae at umalis.Aalis na din sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako para yakapin.The hell?Sino naman ito?

"Sshh!Alam kong umiiyak ka Maureen!Iiyak mo lang yan"sabi niya.Tinulak ko siya palayo at tumakbo.

Sumakay agad ako sa kotse at mabilis na umalis sa lugar na iyon.Hindi ito pwede!Fake lang ang relasyon niyo ni Travis,Maureen.Bawal ang ma-fall sa kanya.Masasaktan ka lang Maureen!Nanlalabo na ang mata ko kaya medyo hindi ko na nakikita ang daanan.Sabayan pa ng maitim na langit at pag-ulan.Kailangan ko munang iwasan si Travis hanggang sa mawala ang feelings ko para sa kanya.Nagtuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha ko kasabay ng malakas na pagbanggaan.
-----
Travis POV

Shete!Nasan na ba kasi si Maureen?Napahinto ako sa pagdadrive ng may nagkukumpulan na mga tao sa tabi ng kalsada at nagkakagulo.Bumaba ako para matingnan kung anong meron.

"Miss!Ano pong meron dun?At nagkakagulo?"tanong ko sa isang babaeng nakasalubong ko.

"May nagbanggaan pong kotse.Kritikal po yung isang babae eh!"sabi niya at tumalikod na.Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

Dali-dali akong lumapit dun.Nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang kotse ni Maureen.Wasak na wasak ito at halos di mo na magamit.Mas lalo akong kinabahan.Lumapit ako sa mga pulis at nagtanong.

"Sir!Nasan po ang may-ari ng kotse na'to?"tanong ko sa isang pulis.

"Pagdating namin dito ay wala ng tao dyan sa loob!Yan na lamang ang natira dito.Kasabay lang namin ang pagdating ng ambulansya"

"Ah!Ganun po ba?Sige"sabi ko at umalis na.Naisipan kong pumunta sa pinakamalapit na restaurant ng may nabangga ako...

"Shit"sabi nung nabangga ko.Saglit lang parang pamilyar yung boses ah.

"So-sorry miss"paghingi ko ng pasensya.

"Tss"sabi niya at naglakad na palayo.Hindi ko namalayan na hinahabol ko na pala siya at niyakap bigla.

"Hey!Anong ginagawa mo?"sabi niya.

"Ayos ka lang ba Maureen?"tanong ko.

"Sorry?Sino si Maureen?Ako ba yun?"naguguluhan niyang tanong sakin.

Pinagsasabi nito?

"Oo.Ikaw si Maureen Hayes Fendre"sabi ko.

"Eh ikaw,sino ka?Bat mo ko biglang niyakap?"

"Travis!Di mo ba ako maalala?"

"Hindi eh.Sorry!Aalis na ako"sabi niya at naglakad palayo.
------
A/N:Waaah!Sorry ngayong lang ako nakapag-ud.Promise babawi si author

I'm Dating the Mafia Princess #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon