Chapter 17

87 5 3
                                    

Maureen's POV

"Wag mo siyang pilitin kung ayaw niya"

Napatingin ako sa nagsalita.

"Travis?Anong ginagawa mo dito?"sabi ko.

"Sakin ka iniwan ng mga magulang mo eh.Kaya nandito ako.Eh siya,anong ginagawa niya dito?"sabi niya sabay tingin kay Leighton.

"Nandito ako para kausapin siya.Ikaw?Sino ka ba?"tanong ni Leighton kay Travis.

"Boyfriend niya ako"diretsong sabi ni Travis sabay akbay sakin.Wow ah!Nakaka-ilan na siya ah.

"Hahaha!Tatlong tawa para sayo.Pwede kang maging clown.Alam mo ba yun?"asar na sabi ni Leighton.Pero halatang nagulat siya sa sinabi ni Travis.

"Di ko alam.Tara na Maureen!Pumasok na tayo sa loob"sabi ni Travis.

"Wait.Sa loob?Ako lang ang papasok.Ikaw!Kayo palang dalawa,magsi-uwian na"sabi ko.Nagulat ako ng nilapit ni Travis yung mukha niya sa tenga ko.

"Mamaya mo na ako pauwiin.Baka abangan ako niyan eh.May baril pa namang dala"bulong sakin ni Travis.

"Argh!Fine.Leighton,umuwi ka na.Wala tayong dapat pag-usapan"sabi ko at hinila papasok sa bahay si Travis.

"Di pa tayo tapos Clifford"banta ni Leighton kay Travis.

Pagpasok namin sa loob ay agad akong umupo sa sofa.

"Hala?Pano nalaman nung lalaking yun yung apelyido ko?"natatakot na sabi niya.

"Labas ka.Tanong mo sa kanya"cold kong sabi.Tumayo ako at pumunta sa bintana para makita kung umalis na si Pierre.
(First name po yan ni Leighton.Ang haba kasi eh)

"Wala na siya.Pwede ka ng umalis"cold kong sabi at humiga sa sofa.

"Grabe naman.Dito muna ako baka mamaya inaabangan niya na pala ako eh.Sayang naman yung napaka-gwapo kong mukha"sabi niya.

"Magyabang ka pa,sisipain kita palabas ng bahay"sabi ko at tumayo na papuntang kwarto.

"Saglit.Saan ka pupunta?"tanong ni Travis.

"Sa kwarto"

"Anong gagawin mo dun?"

"Matutulog"

"Eh bakit ka matutulog?"

"Kasi inaantok ako?"

"Bakit ka inaantok?"

"Pagod kaya ako"

"Bakit ka naman pagod?"

"Shit!Anong klaseng mga tanong yan?Nakakabobo naman oh!"pagrereklamo ko.Aakyat na sana ako ng pinigilan niya na naman ako.Aish!Ang kulit ahh.

"Ako.San ako matutulog?"pacute niyang tanong.Kadiri ahh.

"Sa kulungan ng aso namin!"asar na sabi ko.Wait,wala pala kaming mga alagang hayop.

"Ano ba yan eh.Ayos kasi Maureen!San nga?"

"Dyan sa sofa"sabi ko at tinuro ang sofa.Tiningnan niya naman ako ng masama.

"Seryoso ka?"tanong niya.

"Malamang.San mo ba gusto?Sa kwarto ko?"sabi ko.Ngumisi naman siya sakin.

"Pwede din!"nakangisi niyang sabi.Nang-aasar lang to eh.

"Sige.Tara na"yaya ko sa kanya.Nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko.

"Seryoso ka sa sinabi mo?"

"Ayaw mo?Ok,hindi kita pipilitin"sabi ko at umakyat na.Naramdaman ko namang sumunod siya sakin.Pagpasok ko sa kwarto ay lumapit ako sa kama.

I'm Dating the Mafia Princess #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon