Chapter 5

107 11 2
                                    

Leighton's POV

"Sir.Nahuli po ako ni Maureen na sinusundan siya kaya napaamin ako.Pasensya na po boss." sabi sakin ng isa kong tatanga-tangang tauhan.Hanggang ngayon,hindi pa din talaga siya nagbabago.Mapagmasid pa rin talaga siya.Ako pala si Pierre Leighton Scott ang kakambal ni Lathan Hendrix Scott na ex-bf ni Maureen.Matagal ko ng nililihim na mahal ko si Maureen.Kaya ngayong wala na ang kakambal ko ay makukuha ko na si Maureen.Magkababata kaming tatlo.

"Anong reaksyon niya nung nalaman niya na ako ang nag-utos na pasundan siya?" tanong ko.
"Wala po"
"Sige.Makakaalis ka na"

Mabilis siyang umalis sa harapan ko.Kelan ka kaya mapapasakin Maureen?
******
Maureen's POV

Naglalakad na ako papunta sa next kong klase ng maramdaman kong nakasunod sakin si Travis.Hayys!Kelan niya ba ako titigilan?
Pagpasok ko ay wala pang prof at ang daming mga mata ang nakatuon sa akin.Umupo na ako sa isang bakanteng upuan ng humarap sakin yung nerd na babae.

"Hi.Ako pala si Maxene Keith Arrison.Ikaw?"
pagpapakilala niya.
"Hindi ko itinanong ang pangalan mo.BTW,Im Maureen." sabi ko.
"Ahh.Pwede bang makipag-friends?"tanong niya
"Hindi ko kelangan ng kaibigan.So no"
"Pero kelangan ko ng kaibigan eh"

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.Ang friendly nerd na babaeng to ay walang kaibigan?Imposible.

"Why?"tanong ko.
"Anong why?Why na tanong sa tagalog ay bakit?O yung letter na pagtapos ng X?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin sa joke niya..Nagpeace-sign lang siya sakin.

"Joke lang.Kaya wala akong kaibigan kasi nga nerd ako.Maarte ang mga tao dito.Kala mo magaganda" sabi niya.Napatawa naman ako ng mahina.May pagkabitch side din pala siya eh.

"So pwede bang makipagkaibigan?" tanong niya ulit.Tumango na lang ako para matahimik siya.

"Thank you ah.Ikaw lang ang babaeng kinausap ko halatang hindi ka kasi maarte eh.At mukhang iritado ka sa palda mo"
"Yeah."
"Aish.Bakit kasi ang pangit ko eh.Wala tuloy nakikipagkaibigan sakin.Huhuhu" pagiinarte niya.Napakabig deal ba sa kanya na walang kaibigan.Mabubuhay naman siya kahit ka na wala siyang kaibigan ah.
"Maganda ka naman.Mag-ayos ka lang" sabi ko.Totoo naman,maganda siya.Pag ngumingiti siya pati mata niya ngumingiti din.
"Binobola mo ako eh.Pero thanks na din kasi sinabihan mo akong maganda"

Napaayos naman siya ng upo ng dumating na ang prof.As usual,magpapakilala na naman ako.Transferee eh.Nagturo lang ng nagturo ang prof namin.

Makalipas ang isang oras ay natapos din.Napakaboring naman!!Vacant ko ngayon habang si Kels naman ay may klase.Dahil nabitin ako sa tulog ko ay pumunta muna akong library.

"Mahilig ka din pa lang magbasa ng libro?" sabi ng katabi ko.Agad ko namang itinaas ang ulo ko para makita ko kung sinong walanghiyang umistorbo sa pagtulog ko.Pag-angat ko ay si Maxene lang pala.Pasalamat siya kaibigan ko na siya.

"Nakita mo ba akong nagbabasa ng libro?Hindi naman diba?" sabi ko.Nahahawa na ata ako kay Kelsey sa pagiging pilosopera.Tsk...

"Sorry naman.Mahilig ka ding mangbasag eh"
"Tsk"

Sinubsob ko ulit yung mukha ko sa mesa.Buti na lang at hindi na siya nag-ingay.

Nagising ako dahil may naririnig akong kaluskos sa tabi ko.Pagtingin ko sa relo ko ay 12:30 na.F*ck!!Late na ako.Tatakbo na sana ako ng matapilok na naman ako dahil sa punyetang bag na nakaharang.Kanina pa ito ah!Bakit kapag pumupunta ako wala pero kapag aalis meron na?Buti na lang hindi ako napaupo.Lumabas na ako ng library ng maaninag ko ang isang tao na parang may sinusubaybayan.Naglakad siya palayo.Hindi ko na lang siya pinansin at tumakbo na ako papuntang room.Malapit na ako sa pintuan ng room ng may nagtakip ng panyo sa ilong ko at hihilahin kung saan.Di na ako nakapalag dahi unti-unting dumilim ang paligid at nawalan na ako ng malay.
.
.
.
.
Pagkagising ko ay nasa madilim akong lugar.Mukhang nasa isang lumang building ako dinala ng mga hinayupak na kumag na humoldap sakin.Dapat man lang hinintay na lang nila na matapos ang klase ko.First day of school pa lang,may absent na agad ako.Tinignan ko kung anong oras na sa relo ko at 7:00 na ng gabi.Ang tagal ko namang nakatulog.Tiningnan ko kung may damit pa ako at meron naman.Kinapa ko ang bulsa ko at wala yung cellphone ko.Natigilan ako ng malaman kong hindi pala ako nakagapos.

Minsan talaga tanga ka Maureen eh.

Tumayo ako at dumiretso sa pintuan.Sipain ko kaya?Sinipa ko at wala.Sayang naman ang effort ko.Iginala ko ang mata ko at nakita ko ang isang bintana.Aakyat na sana ako sa mesa para maabot ang bintana ng bumukas ang pintuan.Agad akong tumakbo dun.Akala ko ay nabuksan yun dahil sa sipa ko pero hindi pala.Natigilan ako ng makita ko kung sino ang dumakip sakin.Walanghiya siya!!!Ahhh!!!.Bwisit..Bwisit.Papalapit siya akin.

"Buti gising ka na Maureen" sabi niya.
"Tulog pa ako" tipid na sagot ko.
"Di ka pa din talaga nagbabago"

Inirapan ko na lang siya.Lumapit pa siya sakin at aakmang yayakapin niya ako pero umiwas ako.

"Wala man lang bang yakap dyan?"
"Di ako nakikipagbiruan ha.Bat mo ko dinala dito?"
"Gusto lang kitang makita at makausap"
"Edi sana nakipagkita ka na lang ng maayos.May pakidnap-kidnap ka pang nalalaman"
"Kung ginawa ko ba yon.Papayag kang makipagkita sakin?"

Tumango lang ako dahil tinatamad akong sumagot.

"Papayag ka?Sa kabila ng nangyari?"

Napakunot naman ang noo ko sa pinagsasabi niya.Nainis ako nung nalaman ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Ano ba kelangan mo?" diretso kong tanong sa kanya.Pag ako talaga nainis.

"Ikaw" sabi niya.Ano daw?
"H-huh?" sh*t!!Kinakabahan ako sa sasabihin niya.
"Ang sabi ko ikaw.Be my girlfriend" sabi niya or utos?
"What the f*ck?Baliw ka ba?Kakambal mo yung boyfriend ko right?Baka nakakalimutan mo" sabi ko.Hinding-hindi ko siya papatulan.Okay na sakin kahit si Trav---What did I say?Erase...

"Ex" sabi niya.Oo nga pala,Lathan is my ex.
"Hell no!!Hindi ako papayag sa gusto mo"
"Pagsisisihan mo yang desisyon mo.Kapag hindi ka pumayag sa gusto ko.Kaya kong ipapatay ang mga mahal sa buhay para mapapayag lang kita"
"The hell I care.Mafia ang pamilya ko.Kayang-kaya naming protektahan ang mga sarili namin.Now,aalis na ako.Let go of my way and tigilan mo na ako."

Gumilid siya at naglakad na ako palabas na sana kung hindi niya lang ako hinila at niyakap.Nabubwisit na talaga ako.

"Please Maureen.Ako na lang,kalimutan mo na ang kakambal ko,si Lathan.Ako na lang please!" sabi niya.Feeling ko nga umiiyak siya eh.Peri hindi talaga pwede.Hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya.

"Im sorry Leighton.But no" sabi ko at tinanggal ang pagkakayakap sakin.Pero hinila naman niya ang buhok ko at ipinaharap ang mukha ko sa kanya at sapilitang hinalikan.

"Stop Leighton.Stop!!Please.." pagmamakaawa ko sa kanya.Bumaba na ang halik niya papunta sa leeg ko at pilit tinatanggal ang mga butones sa uniform ko.Nang matanggal niya na ang mga butones ay huhubadin niya na sana ang suot ko ng biglang may pumigil sa kanya at sinuntok.Dalawa sila.Nanlaki ang mata ko kung sino ang nagligtas sakin.Si Travis at Luke.May dalawa namang babae na humila sakin sa kwarto at yumakap sa akin.Nang mahismasan ako sa nangyari ay napatingin ako sa dalawa kong babaeng kasama.Si Kelsey at Maxene?

"Maxene.Bakit ka andito?" tanong ko.Siya pa yung nakayakap sakin habang si Kelsey naman ay hinahagod ang likod ko.Alam talaga ni Kels kung paano niya ako pakalmahin.
"Ok ka na ba?Eto uminom ka muna ng tubig" sabi niya sabay abot ng tubig sakin.Napansin ko namang napairap si Kels.Hahaha,nagseselos.

"Oo.Bakit ka nga nandito?" tanong ko ulit pagtapos kong ininom ang isang bote ng tubig.
"Sumama ako sa kanila.HOY!!Ikaw.Anong ginawa mo sa kaibigan ko.Walanghiya ka!!!" sabi niya kay Leighton.Nakita ko si Travis na may sugat sa mukha habang si Luke naman ay wala.Sanay na eh.Lalapit pa sana siya ng sinampal siya ni Max.

"What the fuck!" bulyaw ni Leighton kay Max.Sunod namang lumapit si Kelsey at sinapak nito si Leighton.

"Una.Para yan sa pagkidnap sa kanya" sabi ni Kels.Sinapak naman niya ulit ito sa kabila.
"Pangalawa.Dahil sayo nagkaroon na siya ng absent sa school.First day of class pa naman" pagrereklamo ni Kels.Sinapak niya ulit ang kabilang pisngi ni Leighton pero ngayon buong pwersa na napadura si Leighton ng dugo.Puro na galos ang mukha niya.

"Pangatlo.Para yan sa pagbaboy mo sa kanya.Ang kapal ng mukha mo" sabi niya sabay talikod.Ang swerte ko talaga na naging bestfriend ko siya.Aalis na sana sila Luke kasama si Leighton ng pigilan ito ni Max.

"Saglit.Parang hindi pantay eh." pagsisita ni Max habang tinitingnan niya ang magkabilaang pisngi ni Leighton.Nagulat kaming lahat sa ginawa niyang pagsapak kay Leighton.

"Ayan,pantay na" sabi ni Max at nakipag-apir kay Kelsey.Amazona din pala tong babae eh.
"Maureen.Magpahinga ka muna habang hinihintay natin silang dumating" utos sakin ni Kelsey.Humiga na lang ako sa lap niya at sandaling umidlip.

I'm Dating the Mafia Princess #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon