Chapter 8

94 10 2
                                    

Travis POV

Pagtapos kong iwan si Maureen sa rooftop ay dumiretso na ako sa room.Pag-upo ko ay tumabi naman sakin si Luke.

"Anong reaksyon ni Maureen sa binigay mong cookies?Natuwa ba?" pag-uusisa ni Luke.Napangiti naman ako.

"Oo.Kinain niya pa nga eh" sabi ko ng may ngiti.
"Uy!!Kinikilig ka ah!Type mo?"-Luke
"Oo.Hindi.Ewan?"
"Tss.Kung may kelangan ka pa magtanong ka lang kay Kels.Madaming alam yun tungkol kay Maureen"

Tumango lang ako.Sumilip muna ako sa bintana.Nakita kong dumaan si Claire na may kaholding hands na lalaki.Tsk,wala na akong pakealam sa kanya.Dumating na ang prof namin at nagsimulang magturo.

Pagtapos ang isang oras ay tapos na ang klase.Napag-isipan ko sanang yayaing magmeryenda sa labas si Maureen kaso baka hindi pumayag.Pero sige.Yayain ko pa rin siya.Itatry ko sa kanya ang streetfoods.Kahit mayaman kami ay kumakain naman ako ng mga streetfoods.

Pumunta ako sa rooftop pero wala siya.Sa cafeteria ay wala din.Nasalubong ko si Kelsey.

"Ahm.Kels!Nakita mo ba si Maureen?" tanong ko
"Hindi eh.Tinry mo na ba sa caf?sa rooftop?"
"Oo.Pinuntahan ko na lahat yun pero wala"
"Try mong puntahan sa library"
"Mahilig pala yung magbasa ng libro?Akala ko puro tulog lang inaasikaso nu-----ARAY" sabi ko.Ang sakit may nambatok sakin pero hindi naman si Kelsey.

"Tss" sabi nung nambatok sakin.Nanlaki ang mata ko nung nakilala ko kung sino.
"Hehe.Sorry" sabi ko sabay peace sign.Inirapan niya lang ako at mabilis na hinila si Kelsey.Sumunod agad ako sa kanila.

"Uyy!!Maureen..Sandali lang" sigaw ko.Lahat tuloy ng mga estudyante napatingin samin maski si Claire at ang kasama niyang lalaki.Napahinto naman si Maureen at Kelsey.Tiningnan niya ako ng masama.Lumapit naman ako sa kanila.

"What the hell are you doing?" tanong sakin ni Maureen.
"Sorry"

Inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.Bigla ko namang hinila yung kamy niya para pigilan siya.

"Fuck!Ano?" -Maureen.
"Ahm....Pwe-pwede ba kitang yayain na magmeryenda sa labas?" tanong ko.Kinakabahan ako.Narinig ko namang natawa ng mahina si Luke at Kelsey.Kelan pa nakarating tong si Luke?Agad naman silang sinamaan ng tingin ni Maureen.Humarap naman sakin si Maureen.

"You're treat?" tanong niya sakin.

Tumango lang ako.

"Pati rin ba kami ni Kelsey kasama?" tanong ni Luke.Sasagot na sana ako ng maunahan ako ni Maureen.
"No.Ituloy niyo na yung date niyo"
"Sige.Hoy!Travis...Ingatan mo yang si Maureen kung hindi talaga.Lagot ka sakin" pagbabanta sakin ni Kelsey.Tumango lang ako at umalis na silang dalawa ni Luke.

"So?Tara na?" tanong ko.
"Ok"

Lumabas na kami sa gate ng school ng huminto siya.

"Wait.Gusto kong itry yun"sabi niya sabay turo dun sa fishball.
"Sige ba.Tara"

Pumunta na kami sa stall kung san nagtitinda ng fishballs at kikiam.

"Eto oh stick.Itusok mo lang yan dyan.Kahit ilan kunin mo,ako na bahala"

Hindi siya sumagot at kumuha na siya ng fishball at isinawsaw na sa sauce.Binilhan ko din siya ng palamig at inayang umupo dun sa may duyan.

"Masarap ba?" tanong ko.Inabutan ko naman siya ng palamig at tinanggap niya naman yun.Tumango lang siya dahil puno pa ng pagkain ang bibig niya.May nagkalat na sauce malapit sa labi niya.Pupunasan ko na sana ng unahan niya ako.

"Ako na" sabi niya kaya inilayo ko na ang kamay ko sa mukha niya.Kanina ko pa napapansin na medyo namamaga ang mata niya.

"San naman tayo ngayon?" tanong niya sakin.Napatingin naman ako sa hawak niyang basong may lamang fishball.Nagulat naman ako dahil naubos niya agad yun.Grabe,sampung piso yun ah.
Ang takaw niya pala pero hindi halata sa kanya.

I'm Dating the Mafia Princess #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon