Chapter 11

93 8 3
                                    

Travis POV

Papunta na ako sa room ni Maureen para sunduin siya.Nagulat naman ako ng may humarang sakin na lalaki.Siya yung ex ni Maureen.

"Totoo bang boyfriend ka ni Maureen?"tanong sakin ni.Ano nga bang pangalan nito?La...Lathan!!Tama.

"Hindi ah!"sabi ko.Ooppss!Mali!!Dapat pala sinabi ko oo.Pero sabi ni mama,bawal magsinungaling eh.

"Ahh!Pero may date kayo?"tanong niya.

"Pakealam mo ba?"

"Boyfriend niya ako eh"

"EX-BOYFRIEND"pagtatama ko.Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Lathan.Anong ginagawa mo dito?"

Napatingin naman ako sa nagsalita.Si Maureen pala.

"Single ka pa pala Maureen hanggang ngayon.Hindi ka pa ba nakakapag-move on sakin?"sabi ni Lathan.

"Sumosobra ka na ata pre sa sinasabi mo sa kanya"sabi ko.

"Let's go Travis"sabi ni Maureen.Hinila niya ako at pumunta sa parking lot.Pagkadating namin duon ay sinamaan niya ako tingin.

"What?"tanong ko.Umeenglish na ata ako ngayon.

"Bakit mo sinabi na hindi tayo couple kay Lathan?"

"Kasi nga bawal magsinungaling"

"Fine"

Nauna na siyang sumakay sa kotse ko.

"Travs?"tawag sakin ni Maureen.Aba!Travs na ang tawag sakin ah!

"Hmmm?"

"Favor please?"

"Ano naman yun?"

"Act as my real boyfriend"

Napapreno naman ako sa sinabi niya.Boyfriend daw?

"WHAT THE HELL!!TRAVIS!!"sigaw sakin ni Maureen.Bipolar ata to eh.Kanina ang bait-bait,ngayon naman naninigaw.

"So-sorry Maureen.Pakiulit mo nga yung sinabi mo kanina?"

"Bingi ka ba?I said act as my real boyfriend"

"Ah-eh.Si-sigurado ka ba talaga Maureen sa sinasabi mo?"

"Yes.Tutal magka-date naman tayo diba?"

"Sige na nga"

"Good.Mag-drive ka na ngayon.Ililibre mo pa ako ng ice cream eh"

Nag-drive na ulit ako at dumiretso sa isang ice cream parlor.Masigla namang pumasok si Maureen at dumiretso sa bakanteng upuan.

"Rocky road and cookies and cream yung akin"sabi niya.

"Dalawa?Kaya mong ubusin yun?"

"Oorder ba ako ng dalawa kung hindi ko kaya?"sabi niya.Ok!Basag na naman ako sa kanya.Sinunod ko na lang siya at pumunta na sa counter.

"Oh!"sabi ko.Kinuha niya na ang kanya at sinimulan na ang pagkain.

"May dumi ka sa gilid ng labi mo"sabi ko.

Tiningnan niya lang ako at pinunasan na ang kanyang mukha.

Nang matapos na kaming kumain ng ice cream ay pumunta naman kami sa perya.Sumakay kami sa mga rides at naglaro din.

Nang mapagod kami ay umupo muna kami sa isang bench.

"Mukhang hindi ka naman napagod Maureen"sabi ko.

"..." Wow!Naappreciate ko yung sinabi niya.

"Uy!Maureen"sabi ko.Kinalabit ko nga siya pero wala pa ding response.Pumunta ako sa harapan niya.Natawa naman ako dahil tulog na pala.Napagod pala.Hahaha.

I'm Dating the Mafia Princess #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon