Chapter 12

74 5 1
                                    

Travis POV

Pinapanood ko lang si Maureen habang natutulog.Ang amo talaga ng mukha niya kapag natutulog.Hinahaplos ko ang mga hibla ng buhok niya.Para akong timang,dahil pinapaikot ko ang hibla ng buhok niya sa daliri ko.Napatigil ako sa ginagawa ko ng gumalaw siya.

"Travis?"tanong niya.

"Hmm?"

"Ice cream please?"sabi niya.

"Huh?Seryoso ka ba?Kakakain mo pa lang ah"

"Dali na!Boyfriend kita right?Pretty please?"sabi niya.Parang namamalikmata yata ako.Totoo ba yung nakita kong nagpuppy-eyes si Maureen?

"Sige.Pasalamat ka crush kita"sabi ko.Inirapan niya lang ako.Tumayo na ako at lumabas na para bumili ng ice cream.

Tatlong ice cream ang binili ko.Cookies and cream ang flavor ang pinili ko.Pagkadating ko dun ay may kausap siya sa phone niya.Hindi ko naman sinasadya na marinig ang pinag-uusapan nila.

"Fuck that Leighton!Sagad na siya sakin Kels.Konti na lang talaga!"sigaw niya sa kabilang linya.Nagagalit na siya kaya tama lang na kumain sya ng ice cream.

"Oh yeah!Subukan niya lang pati pamilya ko galawin niya.Ill surely kill him"sabi niya ulit.Nakakatakot pala siyang magalit.

Lumayo ako ng inend niya na ang tawag.Pagkakita niya sa dala ko ay nagningning ang mga mata niya.

"Akin lahat to?"tanong niya.

"Hindi ah.Isa lang sayo dito noh!"

"Ano?!Idalawa mo na"

"Fine.Oh!"

Inabot ko na sa kanya ang dalawang ice cream.Masigla naman siyang kumain.Nang matapos na kami sa pagkain ay napagdesisyunan na naming umuwi.Hinatid ko siya sa bahay nila.

Papasok na sana siya sa gate nila ng tinawag ko siya.

"Maureen"tawag ko sa kanya.Napatingin naman siya sa akin ng nakataas ang kilay.

"What?"

Bumaba muna ako at lumapit sa kanya.

"Wala man lang goodnight kiss dyan?Boyfriend mo ko diba?"sabi ko.

"Kiss?Lapit ka!"utos niya sakin.

Sinunod ko naman siya.Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at ipinikit ang mata ko.Nangangalay na ang nguso ko dahil hanggang ngayon ay wala pa ding lumalapat na labi sakin.Dinilat ko ang mata ko at wala na siya.Aba!Walangya!!Iniwan akong ganito ang posisyon ko?Nakakahiya!Pano kung may nakakita.Edi nasira ang reputasyon ko.Hahaha.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar.Pagdating ko sa bahay ay agad na sinalubong ako ni mama.

"Oh anak!Kamusta na ang pakikipag-date kay Maureen?"tanong niya.

"Maayos lang naman ma.Akyat na po ako.Medyo napagod eh"sabi ko.Tumango lang siya at umakyat na ako sa kwarto ko.

Naglog-in ako sa fb ko at ichachat sana si Maureen ng maalala kong wala pala itong fb account.Wala din akong number niya.

To:Luke
Dude!May number ka ba ni Maureen?

From:Luke
Wala eh.Si Kels ata meron.Tanong ko sa kanya.

To:Luke
Geh.Salamat.NapakaBAIT mo talaga.Haha

From:Luke
09**********.Yan number niya.Gago!May bayad yan noh!

To:Luke
Taena.Ano naman?

From:Luke
Tulungan mo ako sa para sa anniversary namin ni Kels.

I'm Dating the Mafia Princess #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon