Chapter 20

49 1 1
                                    

Maureen's POV

"Maureen!Maureen!" agad akong napabalikwas ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko.Tumayo ako agad at mabilis na tinahak ang pintuan.

Pagkabukas ko pa lang ng pintuan ay agad na siyang sumigaw.

"OMYGOD MAUREEN!ANONG NANGYARE SAYO?"pasigaw niyang tanong kaya mabilis kong tinakpak ang kaniyang bibig.

"An---Who are you?"nagtataka kong tanong sa kanya.Remember the amnesia thingy guys?Actress mode on.Tss.

Napakunot-noo naman siya sa sinabi ko at maya-maya ay bigla niya na lang akong pinitik ng malakas sa noo.Sabi ko nga,hindi ako makakapagsinungaling sa kanya.

"Fuck it Kelsey,bat ka ba namimitik?"maanghang na sabi ko sa kanya.Mahina naman niya akong tinulak para makapasok siya.

"Anong who are you ka dyan?Feeling may amnesia ka bes?"pagtataray niya sabay upo sa sofa kaya naman ay sumunod ako sa kanya at tumabi.

"Anong ginagawa mo dito?" pag-iiba ko ng usapan.

"Anong nangyari sayo?" taas-kilay na tanong niya sakin.

"Kailan pa naging sagot sa tanong ang isa pang tanong ha,Kelsey Jane?"

"Ngayon lang.Ano na,nangyari sa pagmumukha mo?Bakit may mga galos ka sa mukha mo?"

"Wala to.Nadapa lang ako,yun lang" pagsisinungaling ko.And for the second time,pinitik na naman niya ako -___-

"Sa akin pa magsisinungaling Maureen?Bat nabangga yung kotse mo?"tanong niya.

"How did you know?"

"May tumawag sakin kaninang umaga at yun nga,nakita ang kotse mo na nakabangga sa puno.Here,yung bag mo"sabi niya at inabot sakin ang bag ko.

"Now,spill it"utos niya.Sino ba ang mafia princess saming dalawa?Ako o siya?

"Fine,fine.Naaksidente lang naman ako dahil sa paglabo ng mata ko"simpleng sagot ko pero mukhang hindi niya pinaniwalaan.

"....Dahil sa pag-iyak ko.Tsk" dugtong ko sa sinabi ko.Agad namang nagsalubong ang dalawa niyang manipis na kilay at maatim akong tiningnan.

"Ang isang Maureen Hayes Fendre ay hindi umiiyak ng walang dahilan.Si Scott ba?"

"No" super ikli kong sagot.

"Then who?"

"Si T-travis" nauutal kong sabi.Ang kaninang lukot na mukha ni Kels ay napalitan ng ngiting abot-tenga or I should say,it's a smirk coming from her.The fuck.

"Travis ha,gusto mo na siya noh?"pang-iintriga niya sakin.

"Oo.Ang daya naman Kels,saglit lang kaming nagkakilala pero iniyakan ko na agad siya.Lugi ako Kels,one-sided love lang yung mangyayari samin pag nagpatuloy pa tong feelings ko para sa kanya"mahabang litanya ko.

Nabigla naman ako ng bigla akong niyakap ng bestfriend ko.

"Hahaha.Ano ba yan Maureen,ikaw ba talaga yan?Wag ka ngang ganyan,natatawa ako sayo eh.Ngayon lang kitang umiyak ng dahil sa love na yan" pang-aasar niya sakin kaya agad ko siyang tinulak palayo sakin.

"Tss.Kilala mo ba kung sino yung tumawag sayo?"pag-iiba ko ng topic.

Bigla naman siyang napa-isip sa tanong ko.Kulang na nga lang ay ilagay niya ang kanyang hintuturo sa baba niya para talaga maipakita na nag-iisip siya.

"Ahh,naalala ko na.Ravan Chzeke Lopez yung name niya"

Lopez?Sa pagkaka-alala ko,isa sa mga business partner ng pamilya namin ang pamilya nila.Im not sure kasi hindi lang naman nag-iisa ang Lopez sa Pilipinas lalo na sa buong mundo.

I'm Dating the Mafia Princess #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon