Chapter 7

112 11 2
                                    

Travis POV

Hindi ko maisip kung bakit ko siya dinalhan ng paborito niyang cookies at cheesecake at ibinake ko pa.Siguro dahil nag-aalala lang ako sa kanya.Tama,yun lang...

Napatingin ako sa katabi kong kanina pa natutulog.Hindi pa dapat talaga ako papasok eh.Kaso naisip ko siyang sunduin kanina sa bahay nila at sabing umalis na siya kaya sumunod na lang ako sa kanya dahil baka may mangyari ulit sa kanyang masama.Ang amo ng mukha niya pag natutulog,kahit gising naman eh.Cold-type nga lang.Nakikita ko na papalapit na ang prof dito sa room kaya ginising ko siya.

"Maureen.Gising na.Papalapit na si Ms.Liana" sabi ko pero walang imik.Hinawakan ko ang balikat niya para alugin pero napatigil ako dahil sobrang init niya.Kinapa ko ang leeg niya at ang init kaya binuhat ko siya papalabas sa kwarto.

"San mo siya dadalhin Mr.Clifford?" tanong sakin ni Ms.Liana na kakapasok lang sa room.
"Ah-eh.Sa clinic mam.Inaapoy po sa lagnat eh." sabi ko sa prof.Agad niya namang hinawakan ang leeg at noo ni Maureen.
"Sige.Dalhin mo muna si Ms.Fendre.Bantayan mo muna dun ah" sabi ni Mam.Tumango naman ako at umalis na.

Pagdating namin sa clinic ay pumasok na kami at inihiga siya sa kama.Maya-maya ay dumating na ang nurse.

Kinuha ko ang cellphone at dinial ang number ni Luke pero nakapatay.Siguro ay nasa klase.Wala naman akong number ni Kelsey.

Umupo na lang ako sa tabi ni Maureen at tinitigan.Gumalaw siya ng bahagya at umalis ako sa tabi niya baka mamaya masapak ako neto eh.

"Ba-bakit ako nandito?" tanong niya sakin.
"Inaapoy ka kasi sa lagnat.Gutom ka ba?Bibilhan kita sa cafeteria" sabi ko at aakmang aalis na ako ng bigla niya akong hinawakan sa kamay para pigilan.

"No need.Kakainin ko na lang yung binigay mong pagkain.Kuhaan mo na lang ako ng gamot para sa lagnat" sabi niya.Lihim naman akong napangiti.Sinunod ko naman ang sinabi niya.

Pinapanood ko lang siya habang kumakain.Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay napakunot ang noo niya.

"Ba-bakit?"tanong niya.
"Wala.Ang ganda mo kasi kapag kumakain eh" sabi ko.Napansin ko namang umirap siya.Ganon ba siya kiligin?Umiirap.Kakaiba talaga.

"Tsk.Pakibilhan mo nga ako ng tubig" utos niya sakin.Sinunod ko na lang siya at dumiretso sa cafeteria.Pagtapos ay bumalik ulit ako sa clinic.Pagpasok ko ay busy siya sa pagkain.Napatawa naman ako dahil ang dungis niya kaya lumapit ako at pinunasan siya.Napatigil naman siya at nagkatitigan kami ng ilang minuto.Papalapit na ang mukha ko sa mukha niya ng pilit niyang isinubo sakin ang isang buong cheesecake.Kaya agad naman akong napalayo sa kanya.Damn,anong ginawa ko?Muntik ko na siyang mahalikan...

"So-sorry" sabi ko sabay talikod sa kanya.Aish,nakakahiya.
"For what?" sabi niya.Halatang nang-aasar siya dahil sa tono ng boses niya.
"Kanina.Yung ano.Ahh!Wala,wala.Nevermind" sabi ko.
"Okay.Sabi mo eh" sabi niya.Umupo na lang ako sa sofa at nanatili kaming tahimik ng ilang minuto.

"Lalabas na ako" sabi ni Maureen.Bubuksan niya na sana ang pinto ng matumba siya.Buti na lang at nasalo ko siya.Agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil nahihiya pa din ako sa kanya.Siya naman ay dumiretso na ng tayo at lumabas na.Maya-maya ay sumunod na ako sa kanya.
*****
Maureen's POV

Pagtapos ng nangyari sa clinic kanina ay hindi ko pa nakikita o nasasalubong si Travis.Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko nung papalapit na ang mukha niya sakin.

Naglalakad ako ngayon papuntang room.Medyo gumaan na ang pakiramdam ko ngayon.Pagpasok ko ay dumiretso na ako sa upuan ko.Humarap ulit sakin si Max para kausapin ako.

"Ok ka na ba Maureen?" tanong sakin ni Max.
"Oo"
"Ah.Sorry kung di na ako nakasama sa paghatid sayo kagabi ah.Tinawagan kasi ako ng boyfriend ko eh" sabi ni Max.

I'm Dating the Mafia Princess #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon