Maureen's POV
"La-lathan?"tanong ko.Ngumiti naman siya sakin.
"Lathan!Sa likod mo"sigaw ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa likod niya at sinuntok ang lalaking maghahampas sana sa kanya ng bote.Ng napansin kong wala sakin ang atensyon ni lasing #3 ay tinuhuran ko na siya.Napa-aray naman siya sa sakit.Napatingin siya sakin at sabay pa kaming ngumiti.Actually,peke lang yung akin.Nagulat ako ng hilain niya ako papunta sa....
"Ice cream shop?"tanong ko.
"Oo.Di mo ba naalala dati?Dito tayo palaging tumatambay"sabi niya.Naalala ko nga ang dati na sana hindi nangyari.
"Oo.Pero past na yun eh"sabi ko at pumasok sa loob.Sumunod naman siya sakin at naupo na din.
"Rocky road pa din ba favorite mo hanggang ngayon?"tanong niya.
"Cookies and cream na lang sakin"sabi ko.Tumayo naman siya para kumuha ng order.
Ang awkward lang na yung lalaking pinaglaruan ka lang at sinaktan ay siya pa ang magliligtas sayo mula sa kapahamakan.Inaasahan ko pa naman na SIYA yung magliligtas sakin pero hindi pala.Ni hindi nga ako sinundan diba?
Naputol ang pag-iisip ko ng umupo siya sa harap ko at binigay sakin ang order ko.
"Thanks"sabi ko at tahimik na kumain.
Limang minuto na ang nakalipas pero wala pa din saming dalawa ang balak magsalita.
"Belated happy birthday pala Maureen"pagbabasag niya sa katahimikan.Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Di mo ba kasama yung boyfriend mo?"tanong niya na ikinagulat ko.Nasamid pa nga ako eh.Pupunasan niya pa lang sana ang gilid ng labi ko dahil may dumi ng maunahan siya ni....
"Travis?"sabi ko.Anong ginagawa niya dito?
Di siya nagsalita at tumabi lang sa akin at sumubo pa ng ice cream ko.Akin yan ehh!
"Magkasama kami ni Maureen"sabi ni Travis sabay akbay sakin.
"Magkasama kayo?Pero siya lang mag-isa kanina sa daanan at muntik na siyang mapahamak.Buti na nga lang at dumating ako eh"galit na sabi ni Lathan.
"Tss.Tara na Maureen.Ihahatid na kita sa inyo"sabi niya.Aalma pa lang sana ako ng binuhat niya ako.Lahat tuloy ng mga tao ay nagsitinginan saming dalawa.
"Ibaba mo nga ako Travis!"utos ko sa kanya.
"Ayoko.Hindi kita ibababa hanggang sa kotse"sabi niya.
"Sabi ngang ibaba mo ako eh.May paa kaya ako.Hello?"sabi ko pero di niya pinansin.Tsk!Bahala siya.
Aha!Alam ko na.Maglilikot-likot ako para mainis siya at ibababa na niya ako.
"Maureen.Wag ka ngang magalaw.Mahuhulog ka nito eh"suway niya sakin pero inisnob ko lang.Bahala siya.
"Tsk.Bahala ka dyan pag nalaglag ka.Wala akong kasalanan"sabi niya.Pinagpatuloy ko lang ang paggalaw ng bigla akong nalaglag.
"ARAY!!"sigaw ko.Takte!Ang pangit na mayabang na Travis ayun tinawanan lang ako.
"Bwisit.Di mo ba ako tutulungan?"sigaw ko sa kanya.
"HAHAHA!Ang kulit mo kasi eh.Yan tuloy!HAHAH"sabi niya habang tumatawa.
"Leche.Kainis ka kasi eh.May pabuhat-buhat ka pang nalalaman eh"reklamo ko nung nakatayo na ako.
"Hahaha.Tss!Tara na nga"sabi niya at hinila niya ako papunta sa kotse niya.Kanina buhat,ngayon naman ay hila?Sige lang talaga.