Chapter 6

105 10 2
                                    

Maureen's POV

Nagising ako dahil ang ingay ng mga kasama ko.Pagkamulat ng mata ko ay isang pares ng mata ang nakatitig sakin.At nasa sasakyan pala kami.

"Buti,gising ka na" sabi sakin ni Travis.

Hindi ko na lang siya sinagot.Dun ko lang napansin na nakahiga pala ako sa lap niya.What the.Kaya naman agad-agad akong napaupo.

"Oh.Maureen,gutom ka ba?Kain muna tayo.Luke,pakihinto muna sa fastfood chain na yan" sabi ni Kels.Tinuro niya ang isang kainan at bumaba na kami.Dun ko lang napansin na di na namin kasama si Max.Inalalayan naman ako ni Travis sa pagbaba ko sa sasakyan.

"Ako na" sabi ko at nauna ng maglakad.Pumasok na kami at umupo sa isang bakanteng mahabang mesa.May inabot naman sakin si Kelsey na suklay.

"Magsuklay ka.Para kang witch na angel sa itsura mo" bulong niya sakin.Sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Madam.Ano po sa inyo?Ako na lang po ang oorder" sabi ni Luke.
"Wag mo nga akong pinopo at Maureen na lang ang itawag mo sakin.Naririndi ako pag may tumatawag sakin ng madam." sabi ko.
"So-sorry po mad---este Maureen"-Luke
"Dalawang spaghetti,isang burger,isang malaking fries at 2 sundae.Yun lang ang akin" sabi ko.

Nanlaki naman ang mata ni Travis sa sinabi ko.May mali ba?

"Si-sige po Maureen.Tara Kels.Samahan mo muna ako" sabi ni Luke at tumayo kasama si Kelsey.

Tahimik lang kaming dalawa ng basagin niya ang katahimikan.

"Ok ka na ba?Bakit niya ba ginawa yun sayo?" tanong ni Travis.Napakunot naman ang noo.Tumango na lang ako sa tanong niya.Again,tahimik na naman kami.Maya-maya ay dumating na ang inorder naming pagkain.Kay Kelsey ay isang burger at coke.Kay Luke ay spaghetti lang habang kay Travis ay burger with fries.Sinimulan ko ng kainin ang spaghetti ng hawakan ni Travis ang mukha ko at ipinahid ang tissue sa malapit sa labi ko.

"May dumi ka kasi." sabi niya.Hindi ko na lang siya sinagot at tahimik na kumain.Nabasag lang ang katahimikan ng nag-ring ang cellphone ni Kelsey.

"Sasagutin ko lang ah" sabi ni Kels na tinanguan lang namin.Naubos ko na ang dalawang plato ng spaghetti at burger.Nagugutom ako eh.Maya-maya ay dumating na si Kelsey.

"Tumawag si King.Pinapauwi ka na Maureen." sabi niya.
"Sinabi mo ba sa kanya ang nangyari?" tanong ko.Umiling naman siya.Ayaw kong pinag-aalala ang pamilya ko.Tumayo na kami at dumiretso sa sasakyan.

"Luke,Kelsey.Ako na lang ang maghahatid kay Maureen.Umuwi na kayo,pagod din kayo eh" suhestyon ni Travis.Tumingin naman sakin si Kelsey na para bang nagtatanong kung pwede.Tumango na lang ako.Sumakay na kami sa kotse at siya ang nagdrive.Tahimik lang ang buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay.Di pa din ako bumababa.

"Pano niyo nalaman na nandun ako?" tanong ko kay Travis.
"Nakita kitang binubuhat ng isang lalaki.Sinundan ko kayo hanggang sa parking lot ng bigla akong harangin ng dalawang lalaki na siguro ay kasamahan ng kumuha sayo at binugbog.Nung makaalis na sila ay tinawagan ko si Luke para manghingi ng tulong.Para mailigtas ka" sabi niya.Dahil pa pala sakin kaya siya nabugbog.Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pintuan at inalalalayan ulit sa pagbaba.

"Salamat" sabi ko ng may ngiti sa labi at tumalikod na.
******
Travis POV

"Salamat" sabi ni Maureen.Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya habang ako ay nakatulala pa din.Ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti.Mala-anghel na boses,mukha at ngiti.Para talaga siyang anghel dito sa lupa.

Bumalik na naman ang katanungan ko sa isip ko.Bakit kaya siya kinidnap ng lalaking yun?Bat ganun ang ginawa sa kanya at bakit hindi siya lumaban.Pumasok na ako sa kotse at nagdrive na pauwi sa bahay.Pagdating ko dun ay tulog na ang mga tao.10:00 na ng gabi.Dumiretso ako sa kwarto at hindi mawala sa isip ko ang ginawa niyang pag-ngiti sakin.Di sana mangyayari ang muntik ng paggahasa sa kanya ng lalaking yun kung pinatulan ko ang mga lalaking humarang sakin.

I'm Dating the Mafia Princess #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon