Part 6

1.4K 43 4
                                    


6

Sabado ng umaga, mataas ang sikat ng araw ngunit malamig naman ang hampas ng hangin. Naisipan kong mag jogging mula sa bahay papuntang Park. Alas dose pa naman ang trabaho ko kaya may sapat pa akong oras.

Kelangan kong tanggalin ang tensyon sa aking katawan, at tanging sa pagtakbo ko lang nagagawa iyon. Yung tipong titingin ka sa langit, tapos lalasapin mo yung sakit ng init ng araw na kumakagat sa balat mo, sabay langhap ng sariwang hangin, tapos sabay sabay din ang pag tagaktak ng pawis mo, parang ang sarap sa pakiramdam. Parang napaka luwag sa damdamin, parang may nagawa kang malaki o importante. Lalakas yung tiwala mo sa sarili.

Pero mayroon ding mga panahon na sa pagtakbo mo, nagiging senti ka. Yung tipong masakit na ang paa mo pero hindi pa pwedeng tumigil, yung tipong kahit maganda ka, pero yung mukha mo hindi na mahitsura. Sabayan pa ng pag birit ng singer sa iyong iPod, yung tipong mababasag na nag baso sa kanyang tinig.

Madadala ka sa kanta, mas lalo mo pang bibilisan ang pagtakbo, at ang inis, pagod at pagkabigo ay parang mga multo na humahabol sa iyo na tanging ang hindi pag tigil ang paraan upang matakasan sila. Naalala ko ang pag-uusap namin kagabi.

≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈

D:

"Luch"

Hindi ako umimik, binuksan ko ang pinto hudyat para pumasok siya. Umupo ako sa sofa, sumunod siya sa tabi ko.

Tahimik kaming dalawa ng ilang minuto, hanggang sa nagsimula siyang magsalita.

D:

"About this morning, I'm so sorry"

Tahimik ako.

D:

"Nag panic ako ng makita ko silang papunta doon sa resto. .at . .at hindi ko alam kung pano . ."

Umiling siya, dalawang kamay sa mukha at nagsimulang umiyak.

D:

"Natakot ako Luch, baka isipin nilang. . ugh! This is so hard"

Tahimik pa rin ako.

D:

"Please say something"

L:

"I don't know what to say"

D:

"I know galit ka, pero please understand . ."

L:

"You left me. . without a word, you even denied that you're with me. . .But I though it should be fine I mean, baka natakot ka lang, baka anong isipin nila, anong sabihin and you're not ready, but Nise kahit tinext mo lang ako, malaman ko lang na okay ka "

D:

"I left my phone you know that"

L:

"Yeah, sa sobrang pagmamadali"

D:

"Luch, sorry okay? I said I'm sorry, What else do you want me to do?"

Hindi na siya umiiyak sa puntong to, halatang galit na siya.

L:

" Kanina I was expecting you'd be waiting for me at the parking lot, cause you know I won't go anywhere without you. But you weren't. When I got home I checked my phone, not even a single text from you.

D:

"I was with Carlo and we talked. He saw me at the mall and insisted to buy me lunch so yun. I told him about us, my fears, my worries, and.. and he said things to me, and. .I thought he was right, so hindi na muna kita tinext, gusto kong mag isip"

Loving LuchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon