Nung time na nabaril si Rage 😢 Madaming nag akala na mamamatay siya dito .. 😢
From Morthon University Book 1
Chapter 48 : The Night Has Reached Its End
*Rage POV*
I decided to go back to my office instead of watching and hearing that annoying band composed by annoying bunch of idiotic people there. So autistic - tss, but well then , they played nice.
I didn't expect that they can make that in the stage while trying not to punch each other, tss. Aminin man nila o hindi , hindi naman totoo ang pinapakita nilang ngitian kanina, mga abnormal talaga. Wala na akong naririnig na tugtog malamang ay tapos na sila, iba na ang nakanta sa taas at hindi ko alam kung sino yon at wala akong balak malaman pa.
Hawak hawak ko ang sintido ko habang nakatingin sa laptop ko at nag aayos ng files ng Morthon. Matagal tagal na din mula ng magkaroon ng student party, hindi ko malaman kung ano na naman ang naisipan ni Daddy at nagpa ganyan. Malamang ay nagrequest na naman ng kaabnormalan ang paborito nyang anak.
Hiniga ko ng bahagya ang swivel chair na inuupuan ko at inikot ikot yon. Bukas na ang next task at hindi ko pa din alam kung anong task ang gagawin namin. I will cleave with them once again, that brat Cham, that punk Viahm and that oh-so good boy Gun. That group of retard people, aish.
Inayos ko na ang gamit ko. I want to rest, masyado akong napagod sa nangyari buong magdamag. All the unexpected things happened, and its so hard to think that way. Siguro nga ay nangyari lang yon dahil nangyari lang, hindi dahil ginusto naming lahat.
I shut down all the laptops and computer here in the office. I arranged all the messy papers in the table as well as the chairs and sofa that oftentimes used by Skye. Palabas na sana ako ng maalala ko na may hindi pa pala ako napapatay na computer. Nasa dulo kasi yon at nasa loob pa sya ng isang cubicle, ako lang ang pwedeng pumasok doon at wala ng iba pa.
Pumasok ako sa cubicle na yon para patayin ang computer kung saan nakasensor at nakakabit ang lahat ng cctv camera sa buong dorm sa Morthon. Hinanda ko na sana itong patayin ng may mapansin ako.
"Center Room 089"
Kwarto to nila Darce ? Bakit parang may nangyayari dito ? Tinignan ko mabuti ang video at nakita ko na may mga naka itim na tatlong lalaki at halos nakabalot na ang buong mukha nila at ? -- binubugbog nila si Darce ? Napaupo ako sa upuan at tinignan mabuti yon.
Nakita ko na sinipa ni Darce ang isang lalaki at tumalsik iyon sa labas ng kwarto nya, ganon sya kalakas ? Maya-maya pa ay nakabawi na si Darce at sinapak nya ang isa sa mga ito. Pero nahawakan sya ng isa at sinapak sya non. Tila nakabawi naman ang isang lalaki na kanina lang ay tumalsik at agad na pumasok ulit pero kinausap sya ng isa nilang kasama at umalis ito bigla. Saan naman pupunta ang isang yon ?
Maya maya ay nagulat nalang ako sa pagsulpot nila Viahm at Cham sa kwarto ni Darce, what the ? so andito pla silang lahat kaya bigla silang nawala sa field kanina ? Para akong nanonood ng action movie ngayon sa upo ko at nakalimutan ko na ang dapat kong gawin bilang presidente nila. Shit ! bakit ba lagi nalang nilang pinapasakit ang ulo ko ?
*Cham's POV*
Biglaan kaming pumasok ni Viahm at Cham sa kwarto ni Darce, nakita namin na sinasapak na si Darce at duguan na din ang muka nya. Mabilis na umalalay si Viahm at sinapak niya ang nakadagang tao ngayon kay Darce.
"V-viahm -" -utal na sabi ni Darce.
Agad na inalalayan ni Viahm si Darce at iniupo ito sa sahig. Pinagsusuntok ni Viahm ang isang lalaki habang ang isang lalaki naman ay bumwelo at hinampas ng upuan si Viahm. Nakatulala pa din ako at nananood sa kanila, hindi ko alam ang gagawin ko. Si Viahm laban sa dalawa, napupuruhan na din si Viahm at saka palang ako nakahanap ng bwelo.