Got some Shadow's move here 😌
From Morthon University Book 2
Chapter 30
*Rage POV*
Nakakainis ! tss, bakit ba kase hindi nalang sila maglaho sa mundo isa isa puro gulo lang naman ang dinadala nila. Pagkatapos ko makipagbugbugan sa mga yun eto , nasuntok ako ni Daddy pagdating na pagdating sa office niya mabuti nalang at hindi nya nalaman ang pagtakas ko kagabi dahil baka mabaril na niya ako.
Nandito na ako sa office ko kasama sila Cham, Nalu at Bullet.
"Masakit ?" tanong pa ni Nalu sakin habang hawak ko ang icebag at dinidiin sa gilid ng labi ko.
"Kung ihampas ko sayo tong icebag para maramdaman mo din kung masakit o hindi yung suntok sakin no ?" stupid thief.
"I'm just asking." Nalu pouted.
"Don't do that pouting thing, you look like a dog." sambit ko ulit.
"So Rage, what about the punishment ?" tanong ni Cham.
"Hindi ko pa alam, mamaya na daw sasabihin ni Daddy and before I forgot, dapat pala umaalis na tayo ngayon kase tumawag yung pulis kay Daddy at pinapapunta na tayo sa presinto ngayon." Tumayo ako at kinuha ang susi sa lamesa ko.
Papunta na kami nila Cham, Bullet at pati si Yandel ay sumama na din nang makasalubong namain siya. Si Nalu naman ay nagpupumilit sumama at para hindi na siya mangulit ay sinama nalang namin siya. Palabas na kami ng gate ng Morthon at pinagbuksan kami ng guard doon dahil may permiso kami galing kay Daddy.
"Iba pala talaga ang pakiramdam pag pinagbubuksan ka kesa ang tumakas ka no ?" sabi ni Nalu na nakataas pa ang paa sa likuran.
"Ugh, get your f*cking smelly feet off my face." tabig ni Yandel sa paa niya.
"Bakit Nalu ? madalas ka bang tumakas ?" tanong naman ni Bullet at napaiwas ng tingin si Nalu.
"Uhm sort off" sabi ni Nalu saka sumipol sipol.
"Ano pa bang bago ? lagi naman pagtakas ang alam mo." sabi naman ni Cham.
"There's so much fun in breaking the rules Cham, you know that." ngisi naman ni Nalu.
Wala ng pumansin sa kanya at binilisan ko nalang ang pagmamaneho para mabilis din kaming makabalik sa Morthon. Pagdating namin doon ay nagkakagulo ang tao, paroo't parito ang ibang pulis, ang iba ay may tinatawagan at ang iba naman ay aligaga sa mga ginagawa nila pero ang mas pumukaw ng pansin namin ay ang isang rehas na pinalilibutan ng ibang pulis at ibang media na kumukuha ng litrato.
Nagkatinginan pa kami nila Cham bago lumapit doon at nagulantang kami sa nakita namin. The heck ! pano nangyari to ? Ang tatlong nahuli nila na sumugod sakin kagabi ay pare-parehas na nakahandusay sa sahig at pawang may mga tama ng baril sa ulo, lahat sila ay PATAY na. Shit happens always.
"Oh kayo pala Mr. Zegers, nahuli kayo ng dating. Ilang minuto palang ang nakakaraan ng matagpuan ang bangkay nila." sabad ng isang pulis sa likod namin.
Hinarap naman namin siya at mabilis na nagtanong sa nangyari.
"Pero paano po yung ihahain nilang impormasyon ? Hindi po ba nila nasabi sa inyo ?" tanong ni Cham at umiling lang ang pulis.
"Hinihintay nila kayo at ayaw talaga nilang magsalita, nang tumawag si Mr. Zegers na ama mo (turo sakin) at sinabing papunta na kayo ay pinuntahan namin sila para kausapin pero ganyan na ang naabutan namin na kalagayan nila."
"Pero -- paano po nangyari to ? Wala po bang pumasok dito na kahina hinala ? May dumalaw po ba sa kanila bago nangyari to ?" tanong naman ni Bullet.
