First met of Yandel and Micah 😃 I remember how Yandel reacts on his first kiss haha .
From Morthon University Book 2
Chapter 43
A/N : For TeamNalu & TeamYandel out there 😁 medyo mahaba na ang update huh 😃
*Nalu's POV*
Nakakainis talaga to si Lirie. Pagkatapos ni Darren at Raven ngayon naman Kysen. Mahilig talaga siya sa may en no ? tsk. Nandito ako sa kabilang bench at nandun siya sa kabila kasama yung Kysen. Sasabihin ko lang sa kanya na sabay ako sa kotse niya pauwi at ngayon nakita ko na siyang nakikipaglandian sa iba. Ang saya niya pa ah, yari ka sakin.
May pagyakap yakap pa siyang nalalaman, boyfriend niya na ba to ?
Lumapit ako sa kanya at hinila siya patayo nagulat naman ang lalaki at tinaasan ako ng kilay.
"Hoy ! Ikaw lalaki, bakit mo niyayakap tong girlfriend ko hah ?"
"Nalu ! Ano na naman ba to hah ?" inis na sigaw ni Lirie.
"Wag kang magsalita diyan." bumaling ulit ako sa lalaki. "Ikaw, wag na wag mong lalapitan tong girlfriend ko ah kung ayaw mong mabugbog kita." sigaw ko sa lalaki pero hindi ito nasagot at nakatulala lang sakin.
"Nalu ano ba."
"Wag kang magulo Lirie. Oh ano ? Di ka man lang ba magsasalita ?" tanong ko sa lalaki.
Tumayo siya sa harap samin at nagulat ako ng kurutin niya ang pisngi ko.
"Oh my god Lirie ! Hindi mo naman sinabi sakin na may gwapo kang boyfriend." niyapos niya ako. " Pwede ko ba siyang mahiram ? Isang gabi lang." The eff !
Bakla siya ?
Napatawa si Lirie at patuloy ang pagyapos sakin ng lalaki. Sa inis ko ay inalis ko ang pagkakayakap niya at hinila palayo si Lirie.
"Ano ? Buti nga sayo ! Hahahaha pakilamero ka kase." tinatawanan ako ni Lirie habang naglalakad kami, kainis tong babaeng to.
"Heh ! Tumigil ka. Hindi mo man lang sinabi na bakla pala yun." halukipkip ko habang naglalakad.
"Eh, hindi ka nagtatanong eh. Sugod ka kase ng sugod dyan." tawa padin siya ng tawa.
"Kung kani kanino ka kase nakikipag landian, pwede namang sakin ka makipaglandian." the eff ! ano yung sinabi ko ?
Napatigil si Lirie sa paglalakad. "Anong sabi mo ?" napatigil din ako at hinarap siya.
"Sabi ko, sakin ka makipaglandian at wag sa iba." The f*ck Nalu, inulit mo pa talaga ?
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo ? Kadiri ka talaga." inirapan niya ako.
"Anong kadiri ? Ang swerte mo nga eh. Ayaw mo pa ? Sayong sayo ang katawan na to." nagpose pa ako ng parang model sa harap niya.
"Yuck !" maka yuck siya, parang diring diri siya.
"Anong yuck ! Bakit ? ayaw mo ba huh ? talo ka pa ba sa katawan na to huh ?" gumiling giling pa ako papunta sa kanya.
Nanlaki ang mata niya at mukang nadidiri talaga siya.
"Tigilan mo nga yan, kadiri ka talaga no ? Eew ! As in Eew." tumalikod siya at lumakad palayo.
Hinabol ko naman siya. "Hoy Lirie ! Ano ba ? Ayaw mo ba ? Makipaglandian ka sakin bilis." sabi ko habang hinahabol ko siya.
"Tumigil ka !" sigaw niya.
