The wedding day 👰💏
Special Chapter IV
*Cham's POV*
"Are you ready ?"
"Yes Dad. I'm ready."
"You look beautiful, you're always beautiful."
Niyakap ko si Daddy at hinalikan sa pisngi. Hanggang ngayon ay todo pasasalamat padin ako sa kanya nang pumayag siya sa pamamanhikan ni Viahm sa bahay last year. Hindi naman siya tutol dahil wala siyang nakikitang problema.
"You look like a queen ate." biglang sumulpot si Claz sa tabi ko at may hawak na isang rosas at binigay sakin.
"Thank you Claz. You've grown up huh ? Mas matangkad ka na pala sakin hindi ko alam." malaki siya para sa isang nagbibinata palang.
"Dahil si kuya Viahm lang ang lagi mong tinitignan."
"And you're jealous ?"
"Of course !" he crossed his arms and pout like a kid.
"Come on ! 14 year old kid don't do the the pouting thing, Claz." niyakap ko siya ng patigilid at naramdaman ko naman na tumawa siya.
"Ate kapag sinaktan ka ni Kuya Viahm just call me huh ? I will kick his ass hard."
"Sure you will." ngiti ko habang nakayakap padin sa kanya.
"Let's go Claz, mauna na tayo baka mag iyakan pa kayo ng ate mo dito."
Kumawala na si Claz sa pagkakayakap sakin at nagpaalam saka sumunod kay Daddy. Pumasok naman sa dressing room sila Skye, Lirie at Keira.
"You're gorgeous Cham, I want to cry now." mangiyak ngiyak na sabi ni Keira.
"Stop the over acting Keira." saway naman ni Skye.
"Stop being grumpy, makaka-apekto kay baby." yumuko ng bahagya si Keira at tumapat sa tyan ni Skye. "Kapag lumabas ka wag kang gagaya sa Mommy mo huh ? Be a good girl or boy, whatever you are. Okay ?"
Napatawa naman kami sa itsura ni Keira dahil parang kumakausap talaga siya ng may ulirat na tao.
"Congrats Cham, hindi ko alam na dadating na sa point na ganto. Hayy, sana makapag suot din ako ng wedding gown na ganyan." sabi naman ni Lirie at hinahawakan pa ang gilid ng wedding gown ko.
"I'm sure you will."
Konting kwentuhan at tawanan ang nagawa namin dahil matagal pa naman ang oras, nitong huling taon ay saka lang kami nagkaron ng masayang bonding na kaming puro babae lang. Maya maya pa ay nagpa-alam na din ang apat. Sila Micah daw ay nauna na sa simbahan kani kanina lang pati sila Yandel at ang iba pa. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. It's a white tube design wedding gown with a see through long sleeve. Iba iba ang detalye sa gown ko na hindi maipaliwanag, Mahaba din ito na halos pwedeng magtago ang isang tao sa loob nito. Kumpleto sa pares ng kwintas, hikaw at sapatos. White, Sky Blue and Gray ang motif ng wedding. Sila Yandel ay naka gray na suit over white longsleeves samantalang sila Micah naman ay sleeveless dress na hindi lalampas ng tuhod, sky blue ang upper part ng dress at gray glitterized skirt naman naman ang pang ibaba. Sila Viahm nalang din ang nakaisip ng mga yan out of suggestion nila Nalu, okay nadin dahil maganda naman ang kinalabasan.
Lumabas na ako ng dressing room at bumaba, naka abang sa baba ang mga guard namin at tanging pagyuko lang ang nagawa nila. Pagbukas ng pinto ay bumungad sakin ang isang gray porsche na sasakyan na may handa nading bulaklak sa pinaka unahan nito. Nagulat nalang ako ng makita si Nalu na nakatayo at nakasandal sa gilid nito.
