I Love You More Than You'll Ever Know by Michael Ruff

63 3 0
                                    

When Viahm gives Shadow a permission to take care of Cham .. for a while .. 😕💔

From Morthon University Book 2

Chapter 52

*Cham's POV*

Nagising akong nakahawak sa ulo ko, nahihilo padin ako. Teka ano nga bang nangyari ? Naalala ko lang ay nang hapon na bumalik ako ng dorm, may isang lalaking pangahas na humila sakin at pinaamoy ako ng kung anong nakakasulasok na amoy at doon na nagdilim ang paningin ko. Teka -- nasaan ba ako ?

Inilibot ko ang paligid ko at talagang namangha ako sa nakita ko, nasa isang magandang kwarto ako. Magandang kwarto as in sobrang ganda. Pwede dito ang halos sampung tao, isang malaking king size bed na parang antique ang style ng headboard ng kama, may sariling mini ref, isang malaking walk in closet, flatscreen tv, maliit na lamesa na may nakapatong na bonsai plant, may cr din, may salamin malapit sa walk in closet na halos kasing laki ng isang tao, sa isang banda ko ay nakaladlad ang malaking kurtina at alam ko na sliding door ang nasa likod ng kurtina na yun dahil may konting awang na pumapagitan sa dalawang kurtina na nakaharang doon.

Nasaan ako ? Kinidnap ba ako ? Kung kinidnap ako bakit ganito ? Ang ganda ng kwarto na to para sa isang tao na kinidnap. Napagpasyahan kong buksan ang kurtina, tama nga ako tumambad ang sliding door doon. Binuksan ko yun at nagulat ako ng makita ko ang isang veranda at mula sa pagkakatayo ko ay natanaw ko ang isang malawak na malawak na asul na dagat, nagkikintabang mga puting buhangin at malalakas na alon na humahampas sa dalampasigan idagdag pa ang kulay ng palubog na araw dahil nga dapit hapon na. Ngayon alam ko na nasa itaas na bahagi ako ng isang bahay, kung bahay nga ito. Lumapit ako sa railings na nakaharang sa veranda at inilibot ang paningin ko. Walang katao tao sa dagat at tila ba natatago ito sa kasulok sulukang parte ng pilipinas. Ang ganda, sobrang ganda para akong nasa paraiso-- hindi isang paraiso nga talaga ito.

Napapikit ako at napalanghap ng sariwang hangin. Ang sarap sa pakiramdam, parang lahat ng problema ko ay nawala nalang bigla.

"Maganda ba ?" sabad ng isang boses sa gilid ko kaya napadilat ako at napatingin doon.

Isang lalaki ang nakangiti sakin, nakabukas ang puting polo niya na nakatupi hanggang sa siko niya, may sando siya sa loob, nakaitim na shorts at naka tsinelas, may hawak din siyang tasa na sa tingin ko ay kape ang laman. Tinignan ko ang gwapo niyang mukha at napanganga nalang.

"V-Viahm ?" Ngumiti lang siya at inilapag ang kape sa lamesang nasa likuran niya at saka pumunta sakin.

"B-Bakit tayo nandito ? Paano tayo napunta dito ? Diba hindi pa naman weekend, hindi pa tayo pwedeng lumabas ng Morthon at saka mag gagabi na kaila----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan na niya ng isang daliri niya ang bibig ko.

"Wag ka ng magsalita, ang mahalaga nandito na tayo at magkasama tayo. Minsan kailangan din natin pumunta sa ganitong lugar para malimutan ang mga problema natin. Kaya kung ako sayo magbihis ka na, bumaba na tayo." itinulak niya ako paloob ulit ng kwarto.

"Pero teka, wala akong damit dito."

"May mga damit diyan sa closet, mamili ka nalang."

"Pero Viahm.."

"Magbihis ka na, wag ka ng makulit." itinulak na niya ako ng tuluyan paloob.

Ugh. This is insane.

----

*Viahm's POV*

"Ugh ! Nakakainis naman oh, nakakailang gawa na ko nito ah."

"Ano ba yan ! pwede ba tumigil muna kayo sa pag alon ?"

Morthon University : PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon