It's Not Over by Chris Daughtry

48 0 0
                                    

Naging masaya ko sa huling part nito 😁😃

From Morthon University Book 2

Chapter 64

*Bullet's POV*

Sa totoo lang ay hindi ko alam ang pwedeng mangyari samin. Hindi ko alam kung mabubuhay o may mamamatay samin. Lahat ng bagay may dahilan at lahat ng bagay may kanya kanyang hantungan, sana lang ay wag pa kami dumating sa punto na yun dahil hindi ko pa kaya, hindi ko pa tanggap at alam kong ganun din sila.

Nandito na kami kung saan na track ni Darce ang location ni Knife, sana nasa maayos silang kalagayan, sana hindi sila pinapahirapan at sinasaktan.

Nang makababa kami ay mabilis kaming nagkuhaan ng kanya kanyang baril, dala to ni Ace at hindi ko alam kung paano nangyaring nadala niya lahat ng to sa sasakyan ni Rage. Kakaiba talaga ang mga galawan niya, hindi ko alam paano niya nagagawang simple ang mga kumplikadong bagay. Magaling, napaka galing. Pagbabang pagbaba namin ay gusto agad ni Ace na sumugod pero pinigilan siya ni Viahm, mahirap na, konting pagkakamali lang namin ay pwede na itong maka apekto sa lahat. Nagkalat muna kami para makasiguro, kanya kanyang pwesto. Nasa isang gusali kami kung saan nasiguro namin na andito sila Fox dahil mula rito ay naririnig namin ang sigaw ni Cham. Hinahamon niya ang mga taong nakapaligid sa kanila ng barilan at pakawalan daw siya at wag saktan si Knife. Napaka tapang niya talaga.

Si Viahm naman ay gustong gusto na pumasok sa loob pero siya naman ang pinigilan ngayon ni Rage. Sinilip ko ang isang malaking butas na nagsisilbing bintana ng gusali at nakita ko na nakatali si Cham sa upuan habang si Knife ay pinapahirapan sa harap niya. Pinagsisipa si Knife, pinagsusuntok, pinagpapalo. Damn it !

"Knife .." salita ni Dagger, nakasilip nadin pala siya at nakita niya ang nangyayari dahil katabi ko lang siya.

"Si Knife.. Iligtas natin si Knife." puno ng pagmamakaawa ang boses niya.

"We'll save him Dagger. Don't worry." sabi ko nalang para mapanatag ang loob niya.

Maya maya din ay nagsenyasan na sila para pumasok kami. Malapit na ang pwesto namin sa kanila ngayon at ngayon ko lang napagtanto na napaka dami pala nila, sobrang dami at talagang walang kawala sila Cham at Knife kung magtatangka silang tumakas dito. Talagang naghanda si Fox para dito at talagang hindi niya tinitigilan ang kasamaan niya. Alam ko naman na hindi din titigil si Ace habang hindi ito nakakaganti sa kanya. Napansin ko din na wala si Fox marahil ay nagtatago lang siya saang sulok man ng gusali na to.

"Ano ? Suko ka na ba hah ?!" sigaw ng isang lalaki habang pinagsisipa si Knife.

Nakita ko naman si Knife na tumatawa lang bilang pang aasar sa mga lalaking yun at mas lalo lang siyang pinagsisipa ng mga ito. Nang tignan ko sila Viahm ay nagsenyasan na sila ni Ace, tumingin din sila samin nila Yandel at nagtanguan. Si Ace ang unang gumawa, nakita namin na papaluin ng kahoy si Knife kata naghagis si Ace ng mga baraha niya at tumama yon sa kamay ng papalo noon. Napa-impit ito sa sakit kaya naman napatigil din ang iba at nagsihanap na ang ma mata nila kung saan nanggaling ang mga baraha na yun. Nagpalipad ng mas madaming baraha si Ace at nakakahanga talaga kung pano niya nagagawa yun, ang alam ko lang ay ang mga baraha na yun ay talagang sadya at gawa sa blade ang mga gilid nito kaya kung sino man ang matamaan nito ay talagang masusugatan.

Ilang tao na ang nasugatan sa mga baraha kaya naman ang iba ay nagpulasan na para maghanap, ang iba sa kanila ay nagpaputok na ng baril, kaya naman nagpaputok na din kami habang nakatago at isa isa kaming naglabasan sa mga pinagtataguan namin. Nagsimula ang barilan sa pagitan namin at ng mga tauhan ni Fox, nakita ko pa na napangiti si Knife at Cham habang tinitignan kami. Nakita ko din si Gun na sinamantala ang pagkakataon para puntahan at kalagan si Cham at tulungan makatayo si Knife, mabuti nalang at hindi na siya kailangan pang pagsabihan.

Morthon University : PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon