Cold Coffee by Ed Sheeran

49 1 0
                                    

Somehow, nakakaawa din dito si Shadow 😯

From Morthon University Book 2

Chapter 46

*Bullet's POV*

Break time na namin, hati ang grupo ng break time kasabay ko si Nalu, Yandel, Kite, Cham at Rage mag breaktime nandito kami sa rest area ng cafe habang --- pfffttt-- natatawa ako. Binabatayan si Yandel hahahhahaa laughtrip talaga yung nangyari kanina grabe.

"Hahahahhahhahaha---" si Nalu yan hindi maka move on, kanina pa kaya siya tawa ng tawa =__=

"Wag ka ngang maingay diyan Nalu, nakakabiwisit ka ah." si Kite yan dahil hindi siya makaidlip sa lakas ng tawa ni Nalu.

"Hahahahahahahaha sorry -- pero nakakatawa kase ang itsura ni Yandel kanina. Hahahahaha nahimatay siya pagkatapos siya halikan ng babae grabe talaga." I told you, hindi siya maka move on.

Sa kakatawa niya ay nadadala nadin kami, sa pagtawa namin ay biglang nagising si Yandel at sinipa si Nalu sa likod ng pagkalakas lakas kaya napatigil siya sa pagtawa.

"Bwisit ka ah ! Ang ingay ingay mo diyan." asar na sabi ni Yandel.

"Ikaw kase, hindi mo sinabi na gagawa ka ng eksena hindi ako prepared hahahahahaha----aray ko naman." binatukan naman siya ngayon ni Yandel.

"Kamusta pakiramdam mo Yandel ?" tanong ko habang nagpipigil ng tawa.

"Pakiramdam ? Pakiramdam ba ? Ikaw may kasalanan nito eh !" sinigawan niya ako pero nakakatawa talaga ang itsura niya.

"Bakit ba ? Eh nagrequest yung tao eh ano magagawa ko ?"

"Bwisit ! Magsama kayo !" sigaw niya ulit sabay walk out.

"Yandel face was priceless." ngiti naman ni Cham.

"Kahit papano siguro nabawasan na yung pagiging bitter niya." iling iling na sabi ni Rage.

Nakakatuwa talaga asarin si Yandel. Being his bestfriend, alam ko ang mga kahinaan niya kaya nung tinanong ako nung Micah tungkol sa paborito niya ay sinabi ko agad at ako din ang may pakana na siya ang magserve dun sa babae. Nakaka inis lang kase ang pagiging love hater ni Yandel kaya mas mabuti na maranasan niya yun kahit minsan lang.

Nagkwentuhan nalang kami pagkatapos noon dahil nakakakain na naman kami kanina. Pagkatapos ng opening na to ng cafe ay babalik na kami sa dorm. Okay na naman ang white dorm kaya pwede na kami bumalik doon. Somehow mamimiss namin ang campsite, kahit ilang linggo lang ang tinagal namin doon ay masasaya padin naman ang nangyari parang ayoko nga umalis doon. Okay lang naman na umalis kami dahil magkikita kita padin naman kami dito, pero iba talaga pag magkakasama kami. Tanggap ko na pwede na naming tawaging kaibigan sila Shadow, ewan ko sa kanila kung ganoom din sila basta para sakin ay ganun nadin yun.

Padami ng padami ang tao kahit na padilim na. 8pm ang sarado nitong cafe. Palitan lang kami nila Shadow ng gawain tuwing break time. Ngayon ko lang naranasan to' well kaming lahat except kay Gun. Ganito pala talaga kahirap magtrabaho. Pagpapawisan ka talaga para lang magkapera. Ngayon ko lang nalaman yun at pati sila alam kong ganun din. may naitulong din naman na maganda ang pagiging staff ng cafe na to kahit saglit lang. 7:40 na pero dagsa padin ang tao, hinintay lang namin maubos ang tao at isinara nadin namin ang cafe.

Binigyan kami ng karapatan ni Mr. Zegers na magtigil pa sa loob ng cafe, hindi niya nalang ipina alam sa iba at pinayagan niya kaming mag inom dahil daw naging matagumpay ang opening ng cafe. Suot suot pa namin ang uniform ng cafe at nakapalibot kami sa isang lamesa ngayon. Nakakatawa isipin, for the first time ay pare parehas kami at iba kami sa mga taong nakapaligid samin. Yeah ! nag iinom kami ngayon, but more on wine at whisky lang dahil may pasok pa kami bukas.

Morthon University : PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon