Sorry hindi ganon kahaba ang lyrics nito dito but try niyo siya idownload at pakinggan 😃 maganda to promise.
Cham's really in pain 😞💔
From Morthon University Book 2
Last Part of Chapter 59I am now driving, uhum .. Tumakas ako sa Morthon, itinakas ko si Cham. Isa lang to sa mga natutunan ko sa pagsama sa kanila and yeah breaking some of the rules is fun. Tinanong ko si Cham kung saan niya gusto pumunta pero hindi siya nagsasalita, dinala ko siya sa racing field pero hindi niya gustong mag maneho mas okay yun baka maging dahilan pa ng pagkabangga niya. Ilang oras din kami sa field at halos inabot na kami ng hapon doon pero hindi padin siya nagsasalita, tingin ko ay masyado talaga siyang nasaktan sa pagbabalewala sa kanya ni Viahm. Sabi ni Rage ay kauna unahang pagkakataon na ginawa to ni Viahm -- ang iwan si Cham.
Pauwi na kami at magdadapit hapon na, sa wakas ay nakapgsalita din si Cham.
"Shadow .." napahinto ako sa pagmamaneho.
"Yes Cham ? Ano yun ? may kailangan ka ba huh ? Nagugutom ka ba ? O-okay ka lang ba ?" ugh, bakit ko ba tinanong yung huli eh alam ko naman na hindi siya okay.
Ngumiti siya ng pilit. "Dalhin mo ko dito." may inabot siyang papel sakin.
Isang resort to ah ? Teka .. hindi kaya ito yung sinasabi niyang beach kanina ? Malayo to pero okay lang na magmaneho papunta doon kung ito ang gusto niyang puntahan. Nagsimula na akong magmaneho at ilang oras ang tinagal nun, nakatulog na si Cham sa sasakyan at ginising ko nalang siya ng makarating kami doon. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at nagtatakbo, sa pangalawang pagkakataon, hinabol ko siya.
I'm not used to chase girls, girls are chasing me -- pero si Cham, ugh ano bang nakita ko sa kanya at nagustuhan at minahal ko siya ?
Nakarating kami sa isang rest house, inakyat niya yun at naghalughog sa loob. Naririnig ko pang sinisigaw niya ang pangalang Viahm. Hanggang dito si Viahm ang hinahanap niya. Lumabas siya sa rest house na may lungkot sa mukha, dire diretso siyang lumakad papunta sa dalampasigan at sinundan ko nalang siya.
"Sabi ni...ya kapag hin..di siya maha..nap, dito lang siya mahahanap pe..ro bakit wa..la siya ? Ba..kit wa..la siya ?" ugh, umiiyak na naman siya.
"VI....AHMMMM ! NAKAKAINIS KA ! SOBRANG NAKAKA...INIS KA ! VIAHMMM NAKAKAINIS KA !" sigaw niya sa dagat habang naiyak padin.
Hinayaan ko lang siya dahil sa ganong paraan mas mapapagaan ang loob niya.Sigaw siya ng sigaw at halos mapaos na siya, tinitignan ko lang siya. Ang sakit sa pakiramdam na makita ang taong mahal mo na nasasaktan dahil sa taong minamahal niya. Seriously ? Ako si Shadow Hayes, nagmahal ng isang babaeng walang halong -- ugh alright, kamanyakan. Hindi ko inaasahan to' hindi ko inaasahan na mangyayari to.
Hanggang sa makita ko nalang na umupo si Cham sa buhanginan, siguro ay napagod siya sa kakasigaw. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya, rinig ko padin ang paghikbi niya.
"Sa..bi mo, hin..di mo ko ii..wan, nakakainis ka.. nakaka..inis ka." binabato niya ang dagat gamit ang batong nakukuha niya.
Yumuko nalang ako sa naririnig ko, pero maya maya din ay tumigil na siya sa pag iyak, pinahid niya ang luha niya at niyakap ang mga tuhod niya.
"I'm sorry, masyado na akong nagiging madrama." napalingon ako sa sinabi niya.
"Don't be sorry Cham. It's okay." sabi ko naman.
Hindi na siya sumagot at mas hinigpitan pa ang yakap niya sa mga tuhod niya. Uuggh, ano bang gagawin ko para mapasaya siya ? Ang hirap dahil alam ko na si Viahm lang naman ang pwedeng makapagpasaya sa kanya. Si Viahm at hindi ako.
"Ahmm Cham, gusto mo bang kantahan kita ?" okay Shadow kaya mo yan.
Napatingin siya sakin. Darn, pugtong pugto ang mata niya. "Huh ?" nagtataka niyang tanong.
"Ahh, kakantahan kita gusto mo ?" tanong ko ulit.
"Marunong ka ba ?" napakamot ako sa ulo ko.
"Ughh, marunong ako kumanta kaso hindi maganda ang boses ko." ngiti ko sa kanya.
Ngumiti naman siya, at tumingin nang ulit sa kawalan. I see her smile, it's accomplishment. Dahil hindi na siya sumagot, kinantahan ko nalang siya kahit medyo nakakainis ang boses ko. Okay lang naman siguro to no ?
"When the world breaks your heart
I can put it back together
I write your name across the sky
So I'm always with you
Now it's you and me like the stars
we burn forever
So listen when I'll say to you
I'll be there, you're not alone." okay, pati ako nabubwisit sa boses ko. =__=Tinignan ko si Cham at nakatingin lang siya sa kawalan, kahit na hindi siya nakatingin pakiramdam ko naman ay nakikinig padin siya sakin.
"When the sun turns into shadows
When you call and no one's there
And the light go out inside you
I'll be there
You're not alone." Oh ! I like that part of the song, nabanggit ang pangalan ko eh. Okay enough Shadow.Hindi ko alam ang pagkakasunod sunod ng lyrics pero kumanta padin ako para kay Cham kahit nasusuka na ako sa boses ko. Maya maya ay naramdaman ko nalang na nasa balikat ko na ang ulo niya, kaya napatigil ako sa pagkanta at napatingin ako sa kanya. Tulog na siya, nakatulog ba siya sa pagkanta ko ? Asa ka Shadow ! Nakatulog siya dahil sa mga problema at sakit na dinadala niya.
Inalis ko ang ulo niya sa balikat ko at inilipat ko iyon sa mas magaan na posisyon. Inihilig ko ulit ang ulo niya sa balikat ko at iniakbay ko ang braso ko sa kanya. Do I look like a pervert ? Ugh, pero wala akong nararamdaman na kahit ano ngayon, ang nararamdaman ko lang ay ang lakas ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay namumula ako. Sorry Viahm, for thr second time around nahawakan ko si Cham. Kumanta nalang ulit ako para mawala ang awkwardness sa paligid.
"When the world breaks your heart
I can put it back together
I write your name across the sky
So I'm always with you
You're the only truth that I'll ever knew
Like the stars we burn forever.."Napatingin ulit ako kay Cham, I can't deny it, gusto ko siya talagang gusto ko siya. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko, kaya naman susulitin ko ang mga nakaw na sandali na to' na ipinahiram ni Viahm sakin.
So listen when I'll say to you
I'll be there, you're not alone."Napapikit ako saka siya hinalikan ko siya sa noo. Sorry Viahm ! I just can't .. I just can't resist it. Isang halik lang naman sa noo, pagkatapos nito ay wala na. Advance thank you Viahm at sana hindi mo ko mapatay dahil dito.. !
----------
A/N : Woah ! okay, mahaba haba ang update dahil ayokong i-cut ang mga moment na to' sorry guys kung puro iyakan at dramahan ang bawat update nung mga nakaraan, last na dramahan na to' (I hope so). Puro musical drama ang peg na chapter na to pero sana na enjoy niyo padin. Thanks readers, lovelots .. 😍😘😚
Yung huling kanta na kinanta ni Shadow : When the world breaks your heart by the GooGooDolls