Fix You by ColdPlay

54 1 0
                                        

The return of Ace . Playing piano 😢 It breaks my heart 💔

From Morthon University Book 2.

Chapter 59

Dedicated to : aguywhoreads, sorry kung ngayon lang dumating request na to' at pasensya na hindi ko madedicate ng maayos, sa phone ako nag-update. Nagloko si laptop, sorry na. 😂 Anyway, thanks for reading Morthon U. 😘😘

For TeamNalu & TeamViahm .. ❤👍

*Lirie's POV*

Kailangan ko mahanap si Nalu, uggh ! Paniguradong hindi niya titigilan ang pagwawala niya. Hindi ako makapaniwala na mangyayari to. Wala na si Rhys, as in wala na siya ? Nakakainis, nakakagulat at nakakalungkot. Sana hindi totoo ang lahat, sana hindi yun nangyari.

Hindi ko mahanap si Nalu, nabalitaan ko pa na nanggulo siya sa cafeteria kahapon, nakakainis lang hindi siya nagpapakita sakin, tinatawagan at tinetext ko siya pero wala siyang response. Napaupo ako sa bench at napahilamos sa mukha ko, gusto kong umiyak pero hindi ko mailabas, gusto ko ng makakausap pero wala akong makausap. Hindi ko alam yung mararamadaman ko.

"Lirie !" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko na patakbo si Keira sakin kasama si Yandel.

Paglapit niya sakin ay hindi na siya nagsalita at bigla nalang niya akong niyakap, yakap na kanina ko pa hinahanap dahil doon ay lumabas ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"I'm sorry, I'm sorry for what happened." salita ni Keira habang yakap yakap padin ako.

Tumango tango lang ako dahil walang salita na lumalabas sa bibig ko. Kumalas siya mula sa pagkakayakap niya sakin at umupo sa tabi ko ganun din si Aidan.

"Naiuwi na ba si Rhys ?" tanong ni Aidan.

Umiling ako. "Hindi pa, madami pang inaasikaso si Daddy para doon."

"Nakita mo na ba si Nalu ?" tanong naman ni Keira.

Napayuko ako. "Hindi padin, ayaw niya magpakita sakin. Tinatawagan ko naman siya pero laging patay ang cellphone niya, kung buhay man ay hindi naman niya sinasagot."

"Life really surprise us at the most unexpected way, hindi ko alam na pag gising ko ganito na ang mababalitaan ko." sabi naman ni Aidan.

Lalo akong napaluha sa sinabi niya. "Rhys is a very good guy, hindi ko alam kung bakit humantong ang ganito sa lahat." sabi ko sa pagitan ng hikbi ko.

"Everything will be fine , magagawan din nating ng paraan malampasan ang problema nating to." tinapik tapik ako sa likod ni Keira.

"Uhm, yeah. Thank you." tumayo ako. "Pupunta lang ako sa audio room, may gagawin pa pala kami ni Darce, maiwan ko muna kayo." paalam ko s kanila.

"Okay, see you later." sabi naman ni Keira at tumango lang ako.

"Wipe your tears, it's not the end. We're always here Lirie." sabi naman ni Aidan at napangiti lang ako.

Tinalikuran ko na sila at nagsimulang lumakad, gusto ko pa sana silang kausapin kaso naalala ko na may gagawin pa pala sa audio room. Mula nung mangyari yung kay Rhys parang lumungkot ang paligid, parang wala na sa ayos ang lahat, matagal bago kami makaka get over sa problemang to kaya naman dapat ay gawin naming busy ang mga sarili namin sa mga bagay bagay. Kapag mag isa ka lang na nag iisip, I swear pwede kang mabaliw.

Dumiretso na ko papunta sa audio room, papasok na sana ako dito ng may narinig akong tipa ng piano na nanggagaling sa music room, saglit akong napahinto at dahan dahang pumunta sa music room. Binabagalan ko lang ang bawat paglakad ko, habang palapit ako ng palapit ay palakas din ng palakas ang tipa ng piano, kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit pero parang kilala ko ang mga tipa na yun. Nang nasa tapat na ako ng music room ay sinilip ko ang bintana para tignan kung sino ang natipa na yun and the f*ck ! Tama ang hinala ko, si Nalu -- natipa siya ng piano. Puno ng lungkot ang mukha niya at balisang balisa siya, nakakaawa ang itsura niya, kahit na kadalasan ay pinapasakit niya ang ulo ko ay mas okay na yun kesa makita siyang ganito.

Morthon University : PlaylistMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon