Marry Me by Train

40 1 0
                                    

When Viahm's show his moves .. 😍

From Morthon University Book 2
Continuation of Chapter 46 ..


"Hoy Viahm, ikaw naman kumanta diyan ano hindi mo lalabanan si Shadow ?" pang uurat ni Nalu.

"Oo nga !" sabi naman ni Rage.

"Viahm Viahm Viahm Viahm !" si Nalu yan, siya lang ang nagchi-cheer psh. "Wala man lang makikisabay sakin ?" tanong niya pa.

"Wala !" sigaw naman ni Kite.

Pero makulit siya at pinilit niya si Viahm, as if mapipilit niya si Viahm. Hindi niya ito napilit at nabatukan lang siya. Natawa nalang ako sa kanila. Napasulyap ulit ako kay Shadow, nakapikit na siya at hindi na nakikisama sa kwentuhan, the heck bakit ba parang apektadong apketado siya ?

*Cham's POV*

Nasa labas na kaming lahat, sila Gun at ang iba ay mga nakahiga sa damuhan para silang mag ewan. Kami lang ni Skye ang nakaupo dito sa tapat ng cafe. Mga nakainom kami pero mga nasa wisyo padin naman kami. Nakatingin lang ako kila Gun habang nasa gitna sila ng field at mga nakahiga, nakakatawa sila dinadaganan nila si Nalu at ang kawawang Nalu ay hindi na makahinga sa ilalim.

"Ugh Mga bwi--sit ! Pa--tay kayo sa--kin pag nakawala ako dito !" pinipilit sumigaw ni Nalu sa ilalim pero mas dinaganan siya ng mga ito.

"Hahaha buti nga sayo !" sigaw ni Fox.

"Patayin na natin siya !" okay, kahit kelan sadista si Knife.

"They are crazy." sabi ni Skye sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya at napangiti."Yeah."

"Aalis na tayo sa campsite bukas." sabi ulit ni Skye at sumandal sa pader ng cafe.

"Uhm." hindi ako makapagsalita dahil sa totoo lang nakakalungkot ang pag alis doon.

"Nalulungkot ka ?" tanong ni Skye kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi no. Bakit ako malulungkot, makakasama padin naman natin sila sa loob ng Morthon."

"Come on ! I know you, iba padin kapag kasama mo sila matulog, kasama kumain, kasama manood ng t.v at magkasunuran sa paliligo sa c-r." She's really my room mate, alam niya talaga ang nararamdaman ko.

"Yeah. Medyo nakakalungkot din." salita ko nalang.

"Ako din naman, nalulungkot din." lalo akong napatingin kay Skye.

Sa tagal na nakilala ko siya, sa kauna unahang pagkakataon ay nakita at narinig ko siyang nagsabi ng nararamdaman niya. Skye Allen is really unpredictable. Nakangiti lang siya habang nakatingin kila Gun. Napangiti nalang din ako at hindi nakasagot sa kanya. Samantala, lumapit samin si Kite at hinila si Skye niyaya ako ni Skye pero tumanggi ako. Nasa field na sila at naglalaro at nagtatakbuhan na parang mga bata. Kanilang kanila ang field na yun. Hinanap ko si Viahm sa kanila pero wala siya doon, nasaan ang isang yun ?

Naalala ko kanina, hindi man lang siya kumanta para labanan si Shadow pero okay lang hindi naman kami bata para patulan ang pang aasar nila Nalu. Hindi ko talaga siya makita sa gitna ng field, nasan na yun ? Napatayo ako, pupunta na sana ako sa field pero nagulat ako ng may kumalabog sa loob ng cafe. Napalingon ako doon at napakunot ang noo ko. Unti unti akong pumunta sa pinto at sumilip, walang tao pumasok ako doon at nilibot ang paligid pero walang tao. Lalabas na sana ako pero pagtalikod ko ay bigla nalang akong may narinig na kumakanta the heck, boses palang ay alam ko na kung sino siya.

NP : Marry me by Train

🎵Forever can never be long enough for me
To feel like I've had long enough with you🎵

Morthon University : PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon