Maikli lang to actually, nakakatawa lang si Nalu dito for being .. ugh, ewan ! Let her go naging LETTER O ! 😂😃
From Morthon University Book 2
(some part of Chapter 47)*Gun's POV*
"ARRRAYY ! ARRAAAAY ! SORRY NA ! HINDI KO NAMAN ALAM EH." todo ilag si Nalu sa mga sipa ni Yandel dahil galit na galit ito sa kanya.
"NAKAKAINIS KA ! NAKAKAINIS KA !" si Yandel naman ay halatang hindi nilalakasan ang pagsipa niya. Siguro ay natatakot din siya ilabas ni Nalu si Ace =__=
"Sorry na ! peace na tayo. Kiss nalang kita gusto mo ?" kakaiba talaga to si Nalu.
"Kiss mo mukha mo diyan. BWISSIIIIIT !"
Hahaha galit na galit si Yandel. Sino ba kaseng hindi magagalit sa taong tinuro ka sa taong pinagtataguan mo diba ? Minsan talaga hindi ko alam kung nang aasar si Nalu o hindi lang talaga siya nag iisip =__=
Pagkatapos nila mag away ay niyaya ko na sila kumain ng tanghalian at take note nandito si Nic ngayon. Tinawag siya ni Nalu para makisabay samin kumain, mahal na mahal niya talaga yung ampon niya no ? Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga lang kami saglit at nagpatugtog naman si Fox ng pagkalakas lakas. Lumabas si Nic dahil ayaw niya ng malakas na tugtog, sumunod sa kanya si Viahm at Yandel. Samahan ng loner tss. Si Nalu naman ay nag eenjoy sa pagkanta niya at ako ? Nag eenjoy naman kay Nalu sa paraan ng pagkanta niya paano ba naman kase ... pfffftt hahaha kase ...
🎵"Only know you've been high when your feeling low
Only hate the road when your missing home
Only know you love her when
you "LETTER O !
And you "LETTER O.."🎵"Hahahahahaha" hindi ko mapigilan ang pagtawa ko ng malakas letter O daw ? Hahaha muka kaseng seryoso siya sa pagkanta.
Hindi niya ako pinapansin at tuloy lang ang pagkanta niya. Lagi ko hinihintay ang chorus dahil doon ako natatawa. Ako lang ang nag eenjoy, ako lang kase ang katabi niya dito sa mini bar.
🎵"But you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you LETTER O-----"🎵"Hahahahahahahaha !" at humagalpak na naman ako ng tawa dahil sa kanya.
"Ano ka ba Gun ? Bakit ka ba tawa ng tawa diyan ?
"Eh kase pfffftttt hahahahaha--aray ko naman !" hinampas niya lang naman ako ng lagayan ng kape.
"Ano bang pinagtatawanan mo ?"
"Ikaw." sabi ko saka pinipigilan ang tawa mo.
"At bakit ?"
"Eh kase letter O ka ng letter O diyan eh let her go naman yung lyrics nun." pigil padin ang tawa ko.
Napatingin siya sakin ng matagal at maya maya ay biglang tumawa kaya tumawa din ako at nakisabay sa kanya pero sa kalagitnaan ng tawa namin ay binatukan niya ako at masama akong tinignan.
"Ouch ! Bakit ?" tanong ko habang nakamot sa ulo ko.
"Kanina pa pala ko mali hindi mo sinasabing bwisit ka ! Ggrrrr.." nag asta lion pa siya na parang mandadamba.
Seryoso ? Akala niya talaga letter O nga yung lyrics ? Grabe =__= akala ko nagbibiro lang siya. Pagkatapos noon ay nilayasan niya ako at ako naman ay pinagpatuloy nalang ang tawa ko. Hahaha kahit kelan talaga laugh trip si Nalu.