Mr. Zegers and Rage conversation. Father and son thingy.
--Dito namatay si Gael, just as I thought dapat dito ko nilagay yung kantang See You Again. Ugggh. 😢 BTW .. I miss Gael .😭
From Morthon University Book 1
Chapter 67 : Last Ride
*Rage POV*
"He's fine right ? I envy him Dad, kahit na anong mangyaring masama sa kanya he still have his friends around him. Kahit na inagawan ko sya ng pwesto at katungkulan hindi nya ko sinigawan nakita nya lang ang mga kaibigan nya okay na sya, he's so lucky."
"I know, I know. He's very responsible, he can stand alone without my any help, kaya naman hindi na ako naabala pa na kamustahin sya dahil alam kong kaya nya ang sarili hindi katulad mo , ngayon puro pag inggit na naman ang naririnig ko sayo, gayahin mo si Rage hindi nya man sabihin alam kong galit sya sakin pero still tinatago nya yon."
"I did everything, akala ko pag naging presidente ako gugustuhin na nila ko, akala ko papansinin na nila ko pero hindi pala."
"Because Rage is not Paige son, malayo ang pagkakaiba nyo sa isa't isa. They're not seeing the good in you they're seeing the worst in you dahil yon ang pinapakita mo sa kanila, hindi mo sila masisisi Paige."
"Should I show them my good side ?"
"Yes, you should really do that."
Mga salita yan na hindi ko inaasahan na maririnig ko sa labas ng kwarto ni Paige. Hindi na ko balak makinig pa dapat sa usapan nila pero sa narinig ko ay talagang nagulat ako. Si Paige ? naiingit sya sakin ? and gusto niya makipagkaibigan kila Gun right ? Hindi padin mag sink in sa utak ko ang naririnig ko ngayon. Imposible, napaka imposible nya talagang tao.
Lumagpas na ako ng kwarto ni Paige at kasunod naman non ay saka pagbukas ng pinto nito.
"Rage." -tawag ni Dad, alam nya kaya na nakinig ako sa kanila ?
Tumigil ako sa paglalakad at saka humarap sa kanya.
"Let's talk." -hindi na ako nagsalita at sinundan na lang sya.
Sa kwarto nya kami dumiretso, una ay nag aalangan pa ako. Sa kwarto nya na ilang taon ko na hindi napapasok, dahil simula ng mamatay si Mommy ay hindi na nya hinayaan ang sinuman na pumasok sa kwarto nya pero ngayon ay dito kami mag uusap. Tinawag nya ako ng makita nyang hindi padin ako napasok. Nang makapasok ako sa loob ay nilibot ko ang paningin ko at wala padin pagbabago ang ayos ng kwarto nya. Umupo ako sa couch at tinignan ako ni Daddy saka nagsimulang maglitanya ng mga salita nya.
Now Playing : Perfect by Simple Plan
Hey Dad, look at me
Think back and talk to me
Did I grow up according to plan ?
"How are you ?" -tanong nya sakin.
"I'm fine." -walang kalatoy latoy kong sagot sa kanya.
"Are you happy ?" -tanong nya na ikinatingin ko sa kanya.
"Happy with what ?" -tanong ko.
"With them." - sa sagot nya ay alam ko na ang ibig nyang sabihin.
And do you think I'm wasting my time doing things I wanna do
But it hurts when you disapprove all along
Hindi ako makasagot sa kanya, hindi ko alam ang isasagot ko. Oo masaya ako, masaya ako na naalisan ako ng responsibilidad, masaya ako dahil nagagawa ko na ang mga gusto ko pero alam ko na hindi yun ang gusto nya, alam ko na malaki ang inaasahan nya sakin. Pero pano ko magagawa yun kung sya nga ay walang pakelam sakin eh, pano ko malalaman na natutuwa ba sya o hindi kung alam ko naman na si Paige lang ang tanging kinakampihan nya.
