Prologue
Stupid Stella
"Okay, who's this?" nakangiting tanong ko nang may dalawang mainit at malalaking kamay ang nagtakip sa mga mata ko.
"Hay nako, Stella. Alam mo naman kung sino iyan." Narinig ko ang boses ni Bhem. Kasama ko kasi silang nagla-lunch ni Marco sa malapit na restaurant sa aking salon.
Siguro nga kilala ko na kung sino. Isa lang naman ang lalaki na maaring gumawa sa akin nito. Isang lalaki na tinutulungan at sinusuportahan ako sa lahat ng gusto ko. That's why I love him so much kahit na nasaktan ko siya.
"Hmmm..." kunwaring pag-iisip ko. "is he gwapo?" pagkukunwari ko. I already confirmed that it was him when I heard him chuckle.
"Sobra! Sobrang gwapo, sis!" sagot ni Marco.
Napatawa naman ako, "may dimples ba ito?"
"Naku! Malalim!" sagot ni Bhem. "kasing lalim ng pagmamahal niya sa iyo."
Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na tinanggal. "Dino, I know it's you!"
"The one and only." he said, allowing me to see. He kissed my cheeks and sat beside me. He flashed his dimple and winked at me. "How are you?"
"I'm fine." sagot ko, "ikaw?"
"Edi mas fine kasi nakita ka!" singit ni Marco.
"Buo na araw niyan. Yes naman, Papa D!" pangangasar ni Bhem.
Ngumuso ako sa kanila. Saka ko lang napagtanto na nakatitig sa akin si Dino. He's glazing at me intently. Bakit pakiramdam ko, may kalungkutan sa mga tingin niya? Is there something wrong?
Tinaasan ko siya ng kilay at kinurot ang kaniyang ilong.
"Martina will pick you up?" tanong niya matapos naming kumain. He wiped his mouth with the white cloth.
Tumango ako, "we'll just find something to wear on your birthday."
Tatlong araw nalang ay kaarawan niya na. Gaganapin iyon sa mansiyon ng mga Santino at si Tita Dina ang mag-aayos kaya paniguradong bongga iyon.
Pagkadating namin sa aking salon ay umupo agad si Dino sa isang bakanteng styling chair. Nilapitan ko siya at tiningnan sa salamin.
Ang salon ko ay pinangalanan ko sa sarili kong pangalan, Stella Vera tutal ang classy raw pakinggan. Pero ang mga tao ay tinatawag itong S-squared (S²) dahil 'Stella's Salon' daw ito. Sa loob ng apat na taon, lumago ito at nagkaron ng napakadaming branches. Mayroon na din nito sa ibang bansa. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin ko habang hinihintay siya. Imbis na maging negative and resulta ng pag-alis niya ay naging positive ako.
I became a make-up junkie to the point na pinag-aralan ko na din kung paano mag-ayos at mag-gupit ng buhok. Nag-simula ito noon wala aking magawa sa kwarto kundi umiyak at umalala. I went to youtube at aksidente akong nakapanuon ng isang makeup tutorial. Nagustuhan ko iyon kay gumawa din ako ng sariling tutorial sa pagme-makeup at kung paano ayusing ang buhok sa iba't-ibang hairstyle. Sumikat ako at ang aking channel sa youtube. Libo-libo na din ang followers ko at kilalang-kilala ako ng mga babae sa buong pilipinas.
Pati ang pagne-nail art ay pinag-aralan ko na din. I attended seminars hanggang sa tinulungan ako ni Marco (na nakilala ko lang sa bar) magtayo ng negosyo. Pumatok naman agad ang serbisyo namin dahil kilala ako.
"Ano po ang mapaglilingkod ko sa inyo?" pabiro kong tanong habang pinag-mamasdan ang kaniyang buhok. Malagkit ang kaniyang buhok dahil siguro sa wax. Inaayos ko ito dahil mukhang nagulo kanina. "umalis ka nga riyan, kita mong ang daming customer."
BINABASA MO ANG
Stupid Stella (Book 2)
RomanceNaabot na ni Christella Vera ang pangarap ng halos lahat ng babae. Nasa kaniya na ang lahat ngunit mayroon pang kulang na bumabagabag sa puso niya. Ginugulo pa din siya ng pagsisising pinakawalan niya ang pinakamamahal niyang lalaki. Paano nalang ku...