SS 09

546 16 14
                                    


Chapter Nine

Waited Too


"Y-your Angel?" tanong kong muli, nagbabaka-sakaling mali ang narinig. Ang puso ko ay halos lumabas na sa aking dibdib sa lupit ng pagtibok ng puso ko sa halu-halong kaba at sakit.

Tumango siya nang hindi ako tinitingnan. Ngumiti siya habang nakatingin sa kung saan na para bang mayroong naalalang masayang ala-ala. My heart slowly ripped apart with the thought that he wasn't thinking of me.

"You really love her..." I stated. Dapat ay itatanong ko ito ngunit hindi ko na naitaas ang intonasyon sa panghihina. 

"She's amazing, Stella." 

And I'm not? malungkot kong tinanong sa aking sarili.

Ngumiti siya at lumingon sa akin. Bakas ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Sa isang tingin ay makikita mo na agad kung gaano siya kasaya at ka-kuntento sa kaniyang buhay.

She's amazing, Stella. Hindi kailanman tinaboy ni Angel si Kedge o sinabihan ng masasakit na salita. Minamahal niya lang si Kedge. Iyon lang. Walang problema, walang pagpipilian at sigurado si Angel sa kaniyang gusto.

I'm not amazing like her.

Hindi ko kayang isipin na napapasaya siya ng iba. Hindi ko kayang isipin na hindi ako ang dahilan ng pag-ngiti niya ngayon. 

Ngunit kahit hindi ako iyon, ang sarap pa ding titigan ng malawak niyang ngiti. Para bang hindi ko na gugustuhing alisin iyon kahit nasasaktan ako. Kaya ko ba siyang saktan para sa sarili kong kaligayahan? Liligaya nga ba talaga ako kapag nasira ko na silang dalawa ni Angel?

"Bakit ka natahimik?" aniya nang mapansin akong nakatingin sa malayo.

Ngumuso ako a niyakap ang aking tuhod. Pinaglaruan ko ang buhangin sa aking paa. "May iniisip lang ako." Tipid akong ngumiti.

"You can share it to me, Stells."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapansin ang pagtawag niya sa akin. Stells. Not babe, not baby, not Christella. Just Stells. Bakit ba pati iyon ay pinapansin ko?

"Huwag na, it's just..." I paused, finding the right word, "random." I lied.

"Come on, Stells."

Pagkalingon ko sa kaniya ay eksaktong nakatingin siyang direkta sa mga mata ko. It shocked my heart too much that it painfully pounded fast. 

Mukhang hindi naman big deal sa kaniya iyon. Ni hindi nga nawala ang kaniyang ngiti o  napansin man lang ang aking reaksyon.

"Huwag na..."

He rolled his eyes playfully. Damn why is he so adorable?

Mahina ko siyang hinampas sa kaniyang braso. Tumawa naman siya. "No, seriously. Ano ang iniisip mo?"

"You don't have to know..." Naka-ngiti ko pa ding sagot. I couldn't just wipe this smile off my face because of his eye roll.

"Aalis na ako sige..."Tatayo na sana siya na ikinagulat ko. Hindi na ako nag-isip sa susunod kong ginawa. I pulled his arms down ngunit nagkamali siya ng bagsak. Napahiga ako at wala na akong ibang naramdaman kundi ang bigat niya sa aking katawan at ang kaniyang labi na nakalapat sa gilid ng labi ko.

Ilang segundo lang ay umupo siya ng maayos at tinulungan akong umupo ng maayos.

I should have kissed him!

Stupid Stella (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon