SS 15

160 7 3
                                    

I don't know if I should not smile. What happened earlier with Kedge distracted me with my work. At least, for the last time, I felt his care. Kuntento na ako duon. Sana ay maging masaya na din siya sa kaniyang buhay kahit hindi na ako parte nito. 

We are better off this way right?

Dahil kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa kaniya, maaaring hindi niya na ako mahalin kahit bilang kaibigan lamang. Siguro'y hindi niya na talaga ako mahal tulad ng dati kaya kahit ano'ng pag-paplanong gawin ko bumalik lang siya, wala ding mangyayari. I can't risk it anymore. Tama lang na magkaibigan kami. I'm fine with this. Pakiramdam ko ay magkakasakitan lang kami kung nagkatuluyan man.

I have to apologize to her girlfriend and promise not to bother their relationship anymore. I know that they strongly love each other. Kedge loved her differently. I'm just his first love. I have to accept that painful fact. No more stealing.

Magiging masaya ako kung saan siya masaya.

Maybe I can find mine too, right?

I grabbed my phone and sat comfortably on my swivel chair. I turned it on and tapped instagram.

Bumungad sa akin ang isang post ni Marie ng isang pamilyar na dagat. Tanaw duon ang isang maliit at pamilyar  na isla. I swiped the screen and saw her sitting on the sand wearing a plain royal blue two-piece swimsuit while looking at the camera fiercely.

Home

Basa ko sa kaniyang post. I pressed her little Instagram icon to see her series of IG stories.

Bumungad sa akin ang malakas na halakhak ni Candy. Tumatakbo siya sa buhangin dahil hinahabol siya ng kaniyang asawa. Nasa likod lang nila ang pinakamamahal kong karagatan.

She switched the camera from the back to front. Nakita ko duon ang ngumingiting si Marie. Nakahiga sa kaniyang balikat si Nikkolo. Nasa likod niya naman sina Drake at Pete na kasama niyang nakaupo sa buhangin. Kumakaway sila sa camera.

"Uy, kain muna tayo." anyaya ng isang boses. Si Betty iyon. Nilingon nilang lahat at nagsi-tayuan. Lumikot ang pagkakahawak ni Marie sa kaniyang phone nang maglalakad sila.

"Sayang wala si Stella." rinig kong boses ni Val.

"Bakit sayang?!" inis na sagot ni Candy.

"Chill chill!" Humalakhak si Marie.

The next story is their group photo. Kumpleto sila wala lang ang kanilang mga anak. Nanduon si Dino at ikinagulat kong nanduon din si Lux kahit hindi naman namin siya nakakasama sa aming barkada noon high school. Ako lang ang kulang.

Sa taas ng litratong iyon ay may nakasulat na Complete.

I sighed. Complete sila nang wala ako. My heart suddenly felt heavy. I forgot about them. Naalala ko ang mga panahong nagsesend sila ng mga mensahe tuwing nakakabalita sila ng masamang balita tungkol sa akin. Hindi ko man lang sila isinasagot. Siguro dahil ipinaparamdam nila na dapat akong mag-sisi sa ginawa ko kay Kedge. Hindi naman kasi nila ako naiintindihan. Kahit naman na ganuon, hindi ko pa din maiwasan na ma-miss sila.

Pakiramdam ko ay malaki ang pagtatampo nila sa akin. Gusto kong sumunod sa Santa Banini ngunit baka hindi nila ako i-welcome.

Kailangan kong bumawi sa kanila. Wala akong paki kung hindi man nila ako mainit na salubungin. Kailangan kong ipakita na nandito pa din ako sa kanila. Hindi ko man lang sila kinakamusta kahit na lagi nilang tinatanong kung ayos ba ako. They always try to reach out  but then they got tired.

Bumalik ako sa condo using my car. I cleared my schedule today.

Mabilis akong nag-empake at bumyahe nang mag-isa patungo sa Santa Banini.

Stupid Stella (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon