SS 07

287 7 2
                                    

Chapter Seven

Desperate

Panay ang mga lakad namin ni Seth. Halos araw-araw kaming nagkikita. Ang sabi nina Bhem at Marco, kaunti nalang ay iisipin na nilang nililigawan ako ni Seth dahil sa araw-araw nitong pagbisita sa salon o kung hindi sa salon, sa Christhetic. Hayaan ko na ngalang daw sabi ni Seth. Wala naman daw kaming magagawa kung ayon ang gustong isipin ng mga tao. 

Palagi niya akong inaayang kumain tuwing lunch, meryenda o dinner. Ang sabi niya, ako lang naman daw ang puwede niyang mapuntahan at kulitin dahil halos lahat ay busy. AT OO. Ganuon siya katanga para isiping hindi ako busy. Madami akong trabaho ngunit lagi kong binibigyan ang sarili ko ng break at sa break na iyon, siya ang kasama ko.

I have no choice but to say yes. Nakakaawa naman kasing nilalang ito. Mabuti na nga lang at kaunti lang ang mga appointments ko. Puro interviews na hindi ko pinapansin dahil alam kong gusto nilang marinig ang sagot ko sa relasyon namin ni Seth. Na finally daw ay mayroon na akong nahanap.

Gusto ko lang masuka sa tuwing nababasa ko ang mga balita tungkol sa amin sa dyaryo, internet, tv at magazines. Hindi ko na nga lang sinasagot kaya nananatiling undefined sa kanila ang relasyon namin. Marami ding bumubuo ng false theories na kinaiinisan ko. Hindi ko alam kung bakit ako ang trip ng mga tao ngayon at interesado sila sa love life kong wala naman.

"Ano bang plano mo?" he asked as he played the straw of his Black Pearl shake. Sa tingin ko ay ang tungkol sa pagnanakaw ko sa puso ni Kedge ang tinutukoy niya sa tanong niya dahil kaka-kuwento ko lang ng buong nangyari sa amin ni Kedge. Simula kung paano ko siya sinaktan noong high school hanggang sa kung paano ko siya sinaktan dahil pinili ko si Dino.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko pa alam. It's obvi that they love each other so much." I scoffed. "Parang wala na yatang makakapigil sa dalawang iyon." mapait kong sabi. 

Natawa siya, "kailangan mayroong makapigil sa dalawa. Kaya galingan mo. Mag-ala ahas ka kung kinakailangan."

"Wow ha, ako lang talaga ang kikilos?" I rolled my eyes. Naglalakad kami sa isang mall. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. "Ikaw din naman ang makikinabang kung mangyayari iyon."

"Mas masarap kapag babae ang kumikilos." He bit his yummy-looking thick lower lip. Is he seducing me!?

Hinampas ko siya sa kaniyang kanang braso. "Mag-bestfriend talaga kayo eh no?" Inirapan ko siya habang naglalakad. Humalakhak naman siya at kinurot ako sa ilong. 

"Uy, 'yong SethLa oh." Nakarinig ako ng bulong. Sigurado din akong narinig ni Seth iyon dahil napakunot ang kaniyang noo pagkalingon ko sa kaniya. 

"Oh, fuck. Oo nga!" impit na tiling sabi nu'ng isa.

Ilang saglit lang ay mayroong lumapit sa aming dalawang babae. Nagpapapicture daw. Naka-pekeng ngiti lang ako habang tumatango sa kanilang kahilingan. Pang-lima na itong nagpapakuha ng litrato ngayong araw. Sanay na ako sa mga ganito, pero hindi ko maiwasang mainis dahil sa bigla-bigla nilang pagsulpot. Seth, on the other hand, seemed to like his fame. Fuck him.

"Remind me to wear a disguise next time huh?" sabi ko sa kaniya nang umalis na ang dalawa.

Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking balikad, "they want us to date, then will give them a date." He pulled me closer to him. Naamoy ko nanaman ang kaniyang mabangong amoy. Lumingon ako sa kaniya. Ngumisi siya sa akin. Hinawakan niya ang ilong ko at pinisil iyon. "blonde baby." he seductively said with his hot husky voice.

"I'll change my hair color tomorrow." inis ko sa kaniya. He kept calling my blonde baby with his sexy voice since the day he asked me for lunch.

Umiling siya, "you won't."

Stupid Stella (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon