Chapter Three
Chef
Bumalik ako ng party matapos kong makapag-ayos. Nag-retouch lang naman ako at mas lalo kong pinaganda ang sarili ko. Sinigurado ko muna na hindi ako mukhang lumuha. Hindi ko ipapakita kay Kedge na apektado ako. I will not let him be satisfied. I want him back, pero kung paparusahan niya muna ako sa pamamagitan ng pag-gamit kay Angel ay hindi ko siya hahayaan.
Pumunta ako agad sa lawn. Hindi ko na inilibot pa ang tingin ko sa kabuuan dahil natatakot ako sa maaari kong makitang tao. Natatakot ako sa maaring maging reaksyon ko nanaman. Nakayuko lang ako hanggang sa mahagilap ko ang mga mukha ng kaibigan ko.
Tumayo agad si Marco ng makita niya akong naglalakad patungo sa kanila ni Bhem. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha. "Okay ka na, mahal?" nag-aalalang tanong ni Marco.
Ngumiti ako, "mas okay pa sa okay." I assured them. Mukha namang convincing dahil ilang minuto lang ay inaasar nanaman kami ni Marco. Napaka-bully ng baklang ito.
Hindi ko pa din maiwasang kabahan... ang laki ng posibilidad na magkikita kaming muli dito sa bahay na ito. Fuck, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagkita pa ulit kami. I couldn't even stare at him or say his name.
"Kain tayo ulit." yaya ni Marco.
"Kayo nalang." sabi ko. Hindi kasi talaga ako sanay kumain ng madami.
Umiling si Bhem, "napaka-sarap ng pagkain, hindi ko makokontrol ang sarili ko kung kakain pa ako ulit."
Umirap si Marco, "kelan ka ba nag-kontrol?" asar nito.
Napatawa naman ako sa kanila. They're always like that. Kaya sanay na ako eh. Kahit ako ay ginaganiyan ni Marco. Ewan ko ba dito sa baklang ito, napaka-lalaki ng pangalan pero baklang-bakla!
Biglang napatigil si bakla. Napatikhim siya at parang nagkakaron ng puso sa mga mata niya. I think he's looking at me pero parang lagpas sa akin kaya lumingon ako sa likod ko.
"Ang pogi, mehel..." anito ng hindi binubuksan ang bibig niya.
Naningkit ang mata ko sa lalaking nakatayo sa likod ko na mayroong hawak na puting plato.
"Seth..." hindi makapaniwalang sabi ko. Bakit dala niya ang plato niya? Dito ba siya kakain? At bakit?
"Do you mind if I sit with you?" He used his charm to make everyone in the table agree except me. Loko ba siya, sa charm lang ni Kedge ako maaapektuhan.
"Naku, no problem." ani Bhem at isinilid ang buhok galing sa mukha papunta sa likod ng tainga. Oh, I know this move. Nagkaroon nanaman sila ng bagong crush at bagong sakit sa ulo dahil sa kahihiyang idudulot nito.
Siniko siya ni Marco, naiinis dahil alam niyang gusto din ni Bhem si Seth. "upo ka lang! Madaming seats pa oh..." pag-papacute nito.
Seth chuckled, "hey Krissy." bati nito sa akin at kinindatan ako.
Nalaglag ang panga nu'ng dalawa sa sinabi't ginawa ni Seth sa akin. "Wala na..." bulong ni Marco. Gusto kong matawa sa pagka-hopeless ng tono nito.
"Bakit dito ka kakain?" Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit hindi niya kasama sina Angel?
Ngumisi siya, "bakit hindi?"
"Bakit nga?" I'm curious.
"Wala lang nga. Wala akong close du'n eh. Di nila ako pinapansin..." pagpapaawa nito. Ngumuso pa siya.
I couldn't help but smile. There's something in him that reminds me of Kedge.
Ilang saglit lang ay dumating si Angel at Kedge hawak ang kani-kanilang plato.
BINABASA MO ANG
Stupid Stella (Book 2)
RomanceNaabot na ni Christella Vera ang pangarap ng halos lahat ng babae. Nasa kaniya na ang lahat ngunit mayroon pang kulang na bumabagabag sa puso niya. Ginugulo pa din siya ng pagsisising pinakawalan niya ang pinakamamahal niyang lalaki. Paano nalang ku...