Chapter Eight
Full Moon
"I am very sorry Stella." ulit ni Dino. Madaming beses na siyang humihingi ng tawad.
I don't know how to react with the situation. Hindi ako galit, hindi ako excited. Ayaw kong kabahan ngunit kahit anong tanggi at tago ko ay iyon pa din ang nararamdaman ko.
Eh ano nga naman kung nandoon sila sa Santa Banini, Stella? Hindi ba't ang plano mo ay agawin si Kedge? Hindi ba't mapapadali iyon kung magkasama kayo sa lugar kung saan nagkatagpo ang mga puso niyo. Hindi ba't mapapadali kung nasa isang lugar kayo kung saan naka-ukit ang mga pangako at ala-ala niyo?
Gusto ko munang alisin ang mga bumabagabag sa aking isip dahil mas lalo nito akong pinapakaba. Iniisip ko pa lang na naglalampungan ang dalawa sa SB ay parang sinasaksak na ang puso ko ng paulit-ulit. Kahit saan sila mag-lampunga, huwag lang sa Santa Banini. Iyon ang lugar namin ni Kedge. Hindi sila maaring gumawa ng mga ala-ala duon!
"Ipapahatid nalang kita pabalik kapag nakarating na tayo ruon." he suggested.
"I'm fine." sagot ko pero hindi maiwasan ang tigas ng banggitin ko ang mgfa salitang iyon.
Hindi ako aatras ng basta-basta. Ayaw ko din namang maging pabigat sa project na ito? Saka saan naman sila makakakuha agad-agad ng isang hair and makeup stylist? Ano ang sasabihin ni Kedge kapag nalaman niya na bigla akong umuwi? Paano na lang ang mga SV stylists ko na nauna doon? I need to be professional!
Hindi niya na muna ako pinansin pagkatapos noon. Nakikita ko na ang pamilyar na tanawin na siyang nagsasabi kung gaano na kami kalapit. It never changed. Santa Banini is still beautiful. Walang nag-bago. Walang mga bgong estrakturang itinayo. It was preserved. Ganuon pa din siya kaganda.
Unti-unting lumalakas ang puso ko habang papalapit sa isang street kung saan nanduon ang resthouse ng Santino. Kumakalabog ang puso ko. I can still remember the feeling I had everytime we're near.
Para akong asong nakadungaw sa bintana para salubungin ang hitsura ng mansyon na iyon. I felt fear building inside of me. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Binubuo ko ang mga mangyayari sa aking utak ngunit wala akong mabuo kundi ang nararamdaman kong kaba.
Hinangin sa kung saan ang lahat ng kaba at nararamdaman ko ng lagpasan lang namin iyon.
Right, Stella. What were you thinking? Duon kayo matutulog? Nababaliw ka na ba?
We stopped sa isang hotel. Of course, sa hotel kayo matutulog, Stella.
"I'm really sorry, Stella." paghiningi niya ulit ng patawad habang naglalakad dala-dala ang kaniyang mga gamit sa aking tabi.
Huminga ako ng malalim bago sumagot, "I already told you I'm fine..." pagod kong sagot. "Dino, I'm fine." ulit ko.
"Stella..."
"Don't worry about me. I came for work and I'm fucking professional. You know that, D." I said in gritted teeth. I can't help but feel annoyed. Wala akong plano kung sakaling magkita kami. Hindi ko naihanda ang sarili ko.
Kailan nga ba ako naging handa?
"You're mad..." pansin niya.
Nilingon ko siya. "I said I'm fine!" mahina ngunit halos pasigaw kong sinabi. Nabigla ako sa sarili ko. Nagulat ko din si Dino. "D, I'm sorry..." My voice turned soft.
"Hey cous." tawag ng isang lalaki sa aming likod. Alam ko kung sino iyon kahit hindi ko pa siya tinitingnan. His scent touched my nose. It's him.
BINABASA MO ANG
Stupid Stella (Book 2)
RomanceNaabot na ni Christella Vera ang pangarap ng halos lahat ng babae. Nasa kaniya na ang lahat ngunit mayroon pang kulang na bumabagabag sa puso niya. Ginugulo pa din siya ng pagsisising pinakawalan niya ang pinakamamahal niyang lalaki. Paano nalang ku...