Hello guys!!! Wag na po kayo magalit sakin. I'm so sorry kung mabagal ang update unlike before when i was... Uhm grade 9 na halos nakakadalawang chapters po ako a day. I dont know what happened, habang tumatagal dumadami yung ginagawa ko, madami nagbabago at nagkakaroon ako ng writer's block. 'Yung tipong tinatanong ko sarili ko kung itutuloy ko pa ba? O wag na? Honestly, gustung gusto ko pong ituloy ang kaso, kung mamadaliin po, papangit po ang storya. Uhm, actually i was really amazed by the way i write before. Hindi ko po siya mabalik ngayon. Now, im trying! For you guys. Pinipilit ko po ituloy kaso ako po mismo, napapangitan sa gawa ko kaya madalas po dinedelete ko at gumagawa ako ng panibago. I forgot few details na po honestly, pero nireregain ko po and I'm sorry for the long wait. Sooobrang thank you sa paghihintay! Mahal ko kayo!!! -author
--
I looked at Seth with discomfort. Naintindihan niya ang nais kong sabihin. In fact, sa mukha niya pa lang mukhang gagawin niya ng lahat para sa katahimikan ng mundo namin ngayon. Seeing them both brings so much flashback in my head. Kung iisipin, nakakapanakit ng ulo at puso sa sakit dahil sa sari-saring lungkot at hinanakit na naganap. Hindi ko na kaya pang maramdaman ulit iyon.
Kedge was staring at me. I don't know what he was thinking pero nakaka-apekto ito. Naaalala ko lamang ang mga panahon na tinitingnan niya ako ng ganito. Masasabi ko ding iba ang titig niya sa akin ngayon. Alam ko dahil ganito niya ako tinitingnan noon. Hindi ako makagalaw ng maayos. Pakiramdam ko, inaaral niya ang bawat detalye sa aking mukha lalo na ang mga mata ko.
Napansin ko ang pagkuyom ng mata ni Seth nang makita ang eye contact namin ni Kedge. Agad akong umiwas ng tingin. Tingin ko'y alam din ni Kedge na napansin ni Seth ang ginawa niya "Actually, gusto sana namin ni Stella ng kami lang."
Hindi ako makapag-salita kahit alam ko na may mangyayaring hindi maganda ngayon.
"Bro..." nagaalangang tawag ni Kedge kay Seth na tila ba pinipigilan niya ang matalik na kaibigan sa kaniyang emosyon.
"Bakit Kedge? May problema ba?" Tumayo si Seth. Nakasulat sa mukha niya ang pagka-inis at hindi ko malaman kung bakit.
"Seth! Ano bang problema mo?!" gigil na tanong ni Angel. "gusto lang namin makasama si Stella!"
"Halata nga!" Seth, then, meaningfully shift his look towards Kedge.
This is not exactly what I want to happen.
"Don't look at Stella as if you want her back!" Seth raged. His jaw tightened. Nanlilisik ang mga mata niya and I know anytime, these two will hurt themselves physically. "Nililito mo 'yung tao eh! Pinaglalaruan mo! Pinapaasa mo! Okay na siya puwede ba?"
Im busy stopping Seth until I realized Angel wasn't helping me stop them anymore. Nabigla siya sa narinig niya and it seems like she's not stopping them because she wants to know more. I swallowed the lump forming on my throat when I saw her reading my face. Binubuo niya ang puzzle sa utak niya habang nakatingin sa akin. She sat, feeling exhausted. Nakatingin lang siya sa akin and it bothered me. Habang ang dalawa ay hindi pa din tapos.
"Don't act as if you don't know my story! The fuck's wrong with you man?" inis na sagot ni Kedge sa matalik na kaibigan. Hindi niya pinapalagan si Seth.
"Your story doesn't give you the right to hurt her all over again!" Tinulak ni Seth si Kedge. That made Angel and I hold the boys away.
"Wala akong ginagawang masama bro ha. May girlfriend ako." Kedge warned.
"Then act as if you have one! Not hiding the truth and not acting as if nothing happened between you and Stella!"
"Stop!" I snapped. "Calm the fuck down you two."
BINABASA MO ANG
Stupid Stella (Book 2)
RomanceNaabot na ni Christella Vera ang pangarap ng halos lahat ng babae. Nasa kaniya na ang lahat ngunit mayroon pang kulang na bumabagabag sa puso niya. Ginugulo pa din siya ng pagsisising pinakawalan niya ang pinakamamahal niyang lalaki. Paano nalang ku...