SS 06

300 13 6
                                    

Chapter Six

Lumipas ang mga araw na halos tulala lang ako. Lutang kakaisip sa muntik na mangyari. Lutang sa kakaisip na sana hindi ko hinayaang mangyari. Hindi naman sumagi sa isip ko na pipigilan niya ang kung ano mang mangyayari sa amin. Hindi ko inaasahan iyon. Alam kong hindi niya akong kayang tiisin pero nagawa niya... 

Minsan naisip ko, hindi niya naman talaga ako na-tiis eh. Nadala lang talaga siya sa hiling ng kaniyang katawan. Hindi niya ako natiis, wala lang siyang paki. 

Hindi ko maikwento man lang kay Marco at Bhem ang nangyari dahil hindi ko ito kakayanin. Hindi ko kayang banggitin na hindi niya naituloy ang pangyayari sa elevator dahil bigla niyang na-realize na mayroon nga pala siyang girlfriend... na nalibugan lang siya... na mali iyon. Hindi ko kayang isipin, ikwento pa kaya.

"Ano ba kasing nangyari?" Pang-ilang beses na tanong ni Bhem. Iritang-irita na siya sa hitsura ko. Nung umpisa ay naaawa pa siya, pero nang hindi na ako maka-usap sa trabaho ay naiinis na sila. They are my co-owners kaya I'm very thankful that they existed in my life. Hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung wala sila.

Hindi ko sila sinagot. Umiling nalang ako at bumalik sa pagtetest ng mga matte lipsticks ko sa lab. Bumuntong-hininga ako.

I can't stay like this. Hindi puwedeng mahina lang ako palagi. Hindi puwedeng ganito ang epekto niya lagi. Hindi puwedeng ako lang ang nasasaktan lagi. Hindi puwedeng masira ang pinaghirapan ko sa tuwing naikita ko siya parati. 

Napadaan ako sa National Bookstore pagkatapos ko mag shopping mag-isa para matanggal lahat ng stress ko. Bumili lang ako ng isang libro na pagkaka-abalahan ng isip ko dahil pakiramdam ko ay si Kedge na ang may-ari nito. Kung dati ay tinitres-pass niya lang ang utak ko, ngayon ay siya na yata ang namumuno nito.

Napatigil ng makita ang isang bulko ng mga ballpen at isang blangkong papel na pahilig at mahaba na mayroong kaunting scribbles galing sa pagtetest ng mga tao ng ballpens. Kusang kumuha ang kamay ko ng isang malaking black marker.

Will you STOP breaking my fucking heart?!

Madiin ang pagkakatuldok ko sa pang-huling exclamation point. Sinarado ko ang marker at nanggigigil na ibinalik iyon sa kaniyang lugar.

"Gigil na gigil ha." anang pamilyar na boses sa aking likod.

Lumingon ako sa kaniya at naabutan siyang nakangisi at nakapamulsa. 

"With feelings." asar ni Seth sa akin at tumangu-tango habang naka-nguso. "Will you stop breaking my heart?" Humalakhak siya. "What the crap, Christie? Nice way of expressing feelings ha."

"Alam mo 'yung fuck you and mind your own business?" Inirapan ko siya at nagtungo na sa cashier. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Pagkatapos kong magbayad ay dinaanan ko lang siya hanggang makalabas ako ng store. Nakakarinig pa din ako ng mga yapak na alam kong sumusunod sa akin.

"This is your way of coping up with your almost hot scene huh?" he emphasized the word almost.

Napasinghap ako sa sinabi niya. Bakit niya alam? Humarap ako sa kaniya at pinaningkitan siya. Imposibleng pati iyon ay sinasabi ni Kedge sa kaniya. Boys don't do that, do they?

"Next time kasi sabihin mo kay Kedge, huwag siyang pa-halata."

"Pahalata?" Pinagtaasan ko siya ng kaliwang kilay. 

Tumango siya, "he kept doing this since he got in the house." Umarte siya  na parang natutulala. Ilang sandali, hinawakan at pinag-laruan niya ang mapupula at makapal niyang pang-ibabang labi. Bumuntong hininga siya at umiling. "Ha? Okay lang ako bro. De, bro, ayos lang ako." Nag-salita saiya mag-isa, umaarte na kunware siya si Kedge. Nagpatuloy siya sa paglalaro ng kaniyang labi.

"Gago." Natawa ako. Iyon ang una kong pag-tawa sa loob ng mahigit dalawang linggo. My laugh faded. Sumabay na ako sa paglalakad niya. I pressed my lips together. I suddenly felt sad and the reason is unknown.

Bigla siyang tumigil kaya tumigil din ako. "Nako, hindi ka puwedeng lumungkot kapag kasama mo ako." 

"Huh?"

"Tara, ibaba muna natin iyang mga pinamili mo sa kotse tapos sasamahan mo ko."

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Kakalimutan natin si Kedge. Kahit saglit lang. Nararamdaman ko kasing naka-stuck 'yung nangyari sa utak mo. Hindi naman pwede iyon diba?" Kinindatan niya ako at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa magka-salikop naming mga kamay habang mabilis niya iyong hinahatak papunta sa parking lot. 

Mabilis naming naibaba ang mga gamit at halos patakbo na kaming bumalik sa mall.

"Ano bang gagawin natin?" hingal kong tinanong. Napahawak ako sa dibdib ko habang mabigat na humihinga. "At kailangan nating tumakbo? Nagmamadali? Mauubusan ng oras? Matitigok ka na mamaya? Paki-inform naman ako minsan."

Humalakhak siya habang hinihingal. Napahawak pa siya sa kaniyang tiyan, "fuck, may sense of humor ka pala!" 

"I'm not cold-hearted, Seth!" pagpapaalala ko.

"Ah..." aniya at hindi napigilan ang tawa niya. "Hindi siya nakakatawa pero ..." Tumawa nanaman siya. "Hindi ko iyon ineexpect..."

"Ang babaw mo." Inirapan ko siya at naglakad na. Napatigil ako ng ma-realize na hindi ko alam kung saan ako pupunta. "Wait, saan ba tayo pupunta, bwiSeth?"

Nagpigil siya ng tawa sa sinabi ko. Umiling siya, "fucking weird little woman." Naglakad siya papalapit sa akin at inakbayan ako.  Napatingin nanaman ako sa kamay niya na kumportableng nakapatong sa balikat ko. 

Nakaramdam nanaman ako ng lungkot. It saddened me because it's not Kedge. He's not Kedge. He's just Kedge bestfriend. Hindi ko pa din maiwasan na hindi makita sa kaniya ang kaniyang matalik na kaibigan. Naaalala ko sa kaniya si Kedge kaya kumportable ako sa kaniya. May kakaiba akong nararamdaman sa tuwing nagdidikit kaming dalawa. Naaalala ko si Kedge...

"Tom's world? Really? Bata lang?" I crossed my arm with a grimace plastered in my face while re-reading the large sign of Tom's World. 

"Come..." Muli niyang hinawakan ang aking kamay at hinila ako sa loob ng Tom's World.

Una naming sinubukan ang

Stupid Stella (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon