SS 02

260 9 4
                                    

To my dearest friend Angel Delena,
I love you! 💕

Chapter Two
Seth

Girlfriend?! What the hell? Imposible. No, no, no! Hindi ako kayang kalimutan ni Kedge ng ganu'n ganu'n lang! After years na pagkabaliw niya sa akin, mapapalitan niya lang ako ng ganu'n kadali? Iyon ba ang gusto niya? Ang umarte na parang walang nangyari? Ang umarte na parang wala lang akong naging parte sa buhay niya?

Bakit ang casual niya sa akin? Fuck! For five years, hindi ko ito ineexpect na mangyari! Damn! It's just impossible!

And Angel? Inayus-ayos ko pa ang buhok niya sa Salon tapos aagawan niya ako?! Well, her eyeshadows weren't blended well! Her lip color and eye shade didn't match! Mali din ang ang suot niya! Kung nalaman ko lang na girlfriend 'to ni Kedge ay sana kinalbo ko na ito!

Tinago ko ang kumukulo kong dugo sa Angel na iyon sa pamamagitan ng isang malawak na ngiti. "Girlfriend... wow." I said acting amazed. I'm not amazed at all!

"Angel, this is my cousin Marie. Marie this is Angel my girlfriend..." pagpapakilala ni Kedge.

I balled my fist the moment he mentioned girlfriend.

Putangina!  I screamed in my mind.

Nagkamayan si Marie at Angel. Marie smiled but she didn't seem happy habang si Angel ay kulang nalang mapunit ang pisngi sa kaniyang ngiti. Angel seemed so bubbly, and I hate it. Ang layu-layo namin! Paano nangyaring from me ay nagkagusto si Kedge sa isip-batang ito?

Nawawala ang excitement at ang saya ko para lang kay Kedge dahil sa babaeng iyon. Natatabunan lahat ng nararamdaman ko ng inis... at sakit.

Bumaba ang tingin ko sa mahigpit na pagkakahawak ni Kedge sa kamay ni Angel. Unti-unting nawawasak ang puso ko habang pinagmamasdan iyon. He's holding her like anytime he'd lose her. Umiwas ako ng tingin dahil kung magtatagal pa ang pagkatitig ko duon ay maiiyak na ako. I can almost hear my heart crack.

"I'm Stella. You know me." Humalakhak ako pero siguro napansin ni Marie at Kedge ang pagka-peke nuon. Alam ko kung gaano nila ako kakilala. Maldita ako at hindi ako magdadalawang-isip na magpakamaldita ngayon. I'm fucking hurt. "I'm Kedge's ex—"

"Ex-fiancee siya ni Dino." he cutted my sentence.

Ouch.

Pinanlakihan niya ako ng mata na parang pinagbabalaan niya ako na huwag kong sabihin. Well, damn you! Bakit hindi mo masabing ex mo ako!?

"Yes..." I sweetly agreed. "Ex-fiancee of the birthday boy." Binigyan ko si Angel ng malaking ngiti. Ngiting nang-gigigil. Bumaling ako kay Kedge na halatang naiinis. His jaw were clenched.

"Oh god..." bulong ni Marie sa kaniyang sarili dahil napapansin niya ang tensyonsa aming dalawa ni Kedge. Mukhang di naman napapansin ni Angel ang nangyayari. "Why didn't you tell me na may girlfriend ka?" nasasaktang tanong ni Marie sa pinsan niya.

"I'm sorry baby..." he sweetly apologized to his cousin.

"It's fine." punung-puno ng pagtatampong sinabi ni Marie at kinuha ang inaantok niyang anak sa akin.

"Love! You didn't tell me that you're friends with Stella! Alam mong dati ko pa siya gustong ma-meet!" nagtatampo din reklamo ni Angel.

Stupid Stella (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon