Chapter Four
Lunch
"Gurl! Grabe naman ito, nakaka-boner." komento ni Marco nang makita ang GHM magazine na ako ang nasa cover.
Hinagisan naman siya ni Bhem ng throw pillow at tumama iyon sa mukha niya. "Bastos." aniya, "patingin nga." Inagaw niya ang magazine kay Marco. Nanlaki ang mga malalaki niyang mga mata ng makita ang larawan ko sa harap ng magazine, "Ay... Pak, mahal!"
Naka-ngiti lang ako habang pinagmamasdan ang reaksyon nila. Hindi naman revealing ang cover na iyon. Naka-black lang akong panties at black leather jacket na naka unzip pero wala akong bra. Malaki kasi ang hinaharap ko kaya ganito ang reaksyon nu'ng dalawa. Kitang kita ang shadow ng breast ko sa gitna at sa ilalim.
"Ano bang plano mo?" nagtatakang tanong ni Bhem. "Kanina ka pa naka-ngisi."
Mas lumawak ang ngiti ko sa labi. "Hindi ba inimbitahan ako ni Angel sa condo ni Kedge para mag-lunch." pag-papaalala ko.
"Eh ano ngayon?"
Nag-kibit balikat lang ako. I won't tell them of course.
"Teka, teka... So pumayag si Kedge sa lunch na iyon?" tanong ni Marco.
Tumango ako, "oo naman. Bakit hindi?" I said, grinning smugly.
Tinaasan ako ng kilay ni Marco, "Bakit papayag si Kedge?"
"Ewan ko." I giggled.
"Malandi ka!" Hinagisan ako ni Marco ng throw pillow at tumama iyon sa mukha ko. Ibinato ko ulit iyon sa kaniya ng mas malakas habang tumatawa. Lalaki nama iyan kaya ayos lang kung malakas.
Ilang araw ko nang hindi nakikita ang ex ko at ang kaniyang girlfriend. Sa mga araw na iyon, ginagawa ko ang lahat upang ayusin ang aking sarili. Sinanay ko na ang sarili ko sa pamamagitan nang pag-tingin sa mga sweet nilang larawan na pinopost lang ni Angel. 'Yung mga litrato na candid na halatang pa-candid lang na kunwari nagtatawanan. Pwe, mga peke. 'Yung mga litrato nilang magkaakbay. Tss.
Oo nasasaktan ako, pero ngayon, kaya ko nang pigilin ang pag-iyak ko. Kaya ko nang pigilin na hindi nila mahalata na nasasaktan ako. It's now easy ngayong alam ko kung ano ang gusto ko: siya. At duon ako mag-fufocus.
Naka-ngisi ako habang pinipindot ang doorbell sa unit ni Kedge. I felt so excited to see him. Pero hindi ko maitatanggi na pagka-yapak ko dito ay hinihila ako pababa ng mga ala-ala na hindi ko pa mabitawan hanggang ngayon. Pero imbis na magpahila ako pababa, ginawa ko itong inspirasyon. Maibabalik ko ulit ang lahat.
Sana maibalik ko ang lahat.
Bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ni Angel sa akin na naka-ngiti na para bang alam niya na ako ang nag-doorbell. Naka-white T-shirt lang siya na malaki at halatang si Kedge ang nagmamay-ari no'n. What the fuck, naga-anuhan ba sila dito?! No! Fucking shit. Ako lang ang puwedeng anuhin ni Kedge dito sa kaniyang condo!
Bitch. Bitch!
"Hi!" aniya. Napansin niya ata ang paninitig ko sa kaniyang suot. "Pasensya na kung nakapambahay lang ako. Ang presko kasi ng T-shirt ni Kedge."
Presko? Reasons mo!
Chill, Stella.
Ngumiti ako ng pilit. "okay lang."
"Pasok ka."
Palihim ko siyang minura sa aking isip. Pinaikot ko ang mata ko pagkatalikod ko sa kaniya. Tumungo ako sa living room at kumportableng umupo sa sofa namin ni Kedge.
BINABASA MO ANG
Stupid Stella (Book 2)
Roman d'amourNaabot na ni Christella Vera ang pangarap ng halos lahat ng babae. Nasa kaniya na ang lahat ngunit mayroon pang kulang na bumabagabag sa puso niya. Ginugulo pa din siya ng pagsisising pinakawalan niya ang pinakamamahal niyang lalaki. Paano nalang ku...