SS 16

274 11 13
                                    

"Okay! Since, may bago dito, hayaan nating sila ang mag-spin!" ani Candy. Inabot niya kay Kedge ang bottle.

Nilingon ko ang katabi kong si Kedge. Siya mismo ang tumabi sa akin. I don't know why. Siguro naman aware siya na marupok ako when it comes to him, right?

Naabutan kong nakatingin siya sa mga mata ko. Inilapit niya sa akin ang walang laman na long neck glass bottle at gusto niyang ako na ang maunang mag-spin nito.

"Ikaw na," Mahina kong tinulak ang bote sa kaniya.

Umiling siya at itinaas ang gilid ng labi, "no, ikaw na..."

Nag-kibit balikat ako at kinuha nalang iyon imbis na mag-sagutan pa kami ng mas lalong matagal dito.

"Ganito! Hindi lang ito truth or dare. Truth, dare, or let 'to okay?" Candy instructed.

Pina-singkit ko ang aking mga mata upang ioaintindi na hindi pa masyadong maliwanag ang kaniyang directions.

She rolled her eyes, "You know naman na ang truth or dare! Ang let, kailangan mong i-spin ang bottle ulit. Kung kanino man tumuro ang bottle, you let him or her give a name then you have to give that person a message and a question..." she explain. She smirked.

"For example, nag-let si Kai. Nag-spin siya. The bottle pointed on me. I have to give one name. Hmmmm, let's say, Stella. Ano ang message ni Kai kay Stella at ano ang natatanging question ang gusto niyang itanong kay Stella. Gano'n..." dagdag na paliwanag ng kaniyang asawang si Val.

Bumaling ang mga mata ko kay Kai. She suddenly felt uncomfortable. Nakita ko din ang biglang aksyon ni Dino nun. Binato niya si Val ng chichirya at tumama ito sa ulo niya. Dino made a face na parang nang-babanta sa kaibigan. Inakbayan niya si Kai. Binigyan lamang siya ng maliit na ngiti ni Kai.

I couldn't help but think if I did something wrong to make her feel that way. Tinapunan ko lamang siya ng nag-aalalang tingin. Is it because Dino is indecisive over us? Dahil ba ito sa naguguluhan niyang boyfriend? Kailangang linawin ni Dino ang nararamdaman niya bago siya maka-sakit. Malinaw ko naman ding nai-pahayag na hanggang kaibigan nalang kami.

I sighed.

Ibinaba ko ang bote at pinaikot ito. Unfortunately, sa akin ulit tumuro ang nguso ng bote.

"Whoa!" sabay-sabay na sigaw ng boys maliban kay Kedge.

Puro tawa't ngiti naman ang mga babae. Ang nasa kaliwa kong si Marie ay hinahampas ako sa hita.

Excited to hear a juicy news from me, huh?

Hindi ko man lingunin, alam kong nakatitig sa akin ang katabi kong si Kedge. It made me feel so tensed.

Dios ko. Ano bang pinasok ko?

"Uhmmm..." pagiisip ko.

Tinaasan ako ng kaliwang kilay ni Candy habang nagpipigil ng kaniyang tawa.

"TRUTH!" sigaw ng iba.

"HUWAG! LET!" sigaw din ng iba pa.

I rolled my eyes, "okay... Uhmmm... Ugh..."

"I can't decide!" I chuckled, "Hmm, okay truth!" I spun the bottle once more. It pointed on Dino.

Nanlaki ang mata ko. Medyo awkward pa kami ni Dino dahil sa nangyari noong nagalit siya sa closeness namin ni Seth pero somehow naging okay din naman. Iniwasan ko na lamang siya at iyon ang nagpa-awkward duon.

Bumitaw si Kai sa kanilang hawak-kamay. Tumuwid ng upo si Dino at ngumuso, tila nag-iisip ng itatanong. "Hmm..."

Kumunot ang noo ko at pinipigilan ang tawa't ngiti, "ano'ng tanong mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stupid Stella (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon