Chapter Eleven
Tama na"Where have you been?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Seth. Kakalabas niya lang ng kaniyang kwarto nang makita niya akong papasok sa akin.
I feel so fragile right now. Pakiramdam ko, kaunting salita lang ay luluha na ako. Nanginginig ang labi ko.
"D searched for you everywhere daw. That dick didn't even searched for himself though. Inutusan niya lang ang mga tao. We're worried sick!"
Nang mabuksan ko ang pinto ng aking hotel room, pumasok ako. Si Seth naman ay nagtuluy-tuloy pumasok habang patuloy na nagsasalita.
Hindi ko siya inintindi. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at nagsimulang humagulgol.
"Panda?" nag-aalalang tawag ni Seth. Nagmamadali siyang lumapit at paulit-ulit na pinapasadahan ng kaniyang daliri ang aking buhok nakikiliti ang likod ko ngunit mas nangibabaw ang sakit na nararamdaman ko. "I'm sorry... Ano nangyari?" Ang inis niyang boses ay mas lumambot at tila nag-aalala at naaawa.
"Hindi dapat nangyari... Ang tanga ko..." iyon lang ang nasabi ko. "Ang sakit sakit..." Hindi na yata maintindihan ang mga salita na lumalabas sa aking bibig. Patuloy akong humahagulgol. Ang mga luha sa aking mata ay walang katapusanf umaagos...
"Fuck?" gulat na mura ni Seth. "Anong ginawa mo!?" gigil na gigil niyang tanong. His face were scary... Like he would throw anythinv or punch someone.
Umiling ako.
"Stella naman... Ayos lang magpakatanga eh. Pero sobra naman 'yong nagpababoy ka du'n!" he yelled
Pinikit ko ng mariin ang mata ko. He's right. Sobra ang ginawa ko. Sobra at napakatanga!
Pumayag naman ako? Pumayag akong mahubaran ni Kedge! Pumayag ako! He even took me to Santino's resthouse! In his bedroom! He took advantage of me! I'm so stupid to have sex with him!
Pagkatapos, ano? Wala na. He didn't even stay. He left me alone... naked! Umalis siya na parang wala lang nangyari sa aming dalawa
"Wait a minute." Tumayo siya at narinig ko nalang na sumara ng padabog ang pinto. Hindi ko na siya pinansin.
Binaon ko pa lalo ang aking sarili sa unan at humagulgol. I can feel my heart aching. Parang pinipiga, tinutusuk-tusok, mabigat...
Ilang sandali lang ay mayroong kumatok. It wasn't Seth dahil kung si Seth iyon, papasok iyon agad.
Hindi ko pinansin. Hindi ko kayang kumausap ng ibang tao ngayon.
Ngunit hindi tumigil ang katok sa pinto. Hanggang may sumigaw na lang ng pangalan ko "Stella!!!"
I know that voice! Si Angel. Mas lalong hindi ko siya pinagbuksan ng pinto. Hindi ko siya pinansin.
"Stella! Sinuntok ni Seth si Kedge! Help me please. I know you're in there..." she desperately cried. Para bang kailangang kailangan niya ng tulong ko at para bang hindi kayang pigilan ang nangyayari.
Napatayo ako at binuksan ang pinto. "The fuck happened?" nag-aalala kong tanong.
Hindi niya na ako sinagot at nagmadaling pumunta sa kanilang hotel room. Sinundan ko naman siya. Nakabukas lang ang pinto. Pagkasilip ko ay naabutan kong kinikwelyuhan ni Seth si Kedge. Hindi naman nanlalaban si Kedge.
"Bro. Pag-usapan nalang natin..." mahinahong sabi ni Kedge kay Seth.
"Hindi iyon ganun-ganun lang. Alam mo yan, K!"
"Nangyari na, pasensya. Wala lang naman iyon eh..."
"Wala lang?" Seth scoffed. "Gago ka!" Sinuntok ni Seth si Kedge sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Stupid Stella (Book 2)
RomanceNaabot na ni Christella Vera ang pangarap ng halos lahat ng babae. Nasa kaniya na ang lahat ngunit mayroon pang kulang na bumabagabag sa puso niya. Ginugulo pa din siya ng pagsisising pinakawalan niya ang pinakamamahal niyang lalaki. Paano nalang ku...