"He likes you. Can't you see?"
Tumingin ako sa babaeng nasa harapan ko kaya lang sobrang labo ng mukha niya para makilala ko pa siya. I just shook my head on her opinion.
"I don't know what you were saying." I added before turning back. But the girl spoke again.
"Come on, Isha! Gusto ka niya!"
Bigla akong nagising mula sa panaginip na iyon. Ilang gabi ko na rin napapanaginipan yung babaeng kumakausap sa akin. Wondering kung sino ba yung babaeng iyon.
Tumayo na lang ako mula sa kinahihigaan ko at tinignan ang orasan na nasa tabi ko. It's already 5 in the morning pero pakiramdam ko ay hindi man lang ako nakatulog dahil na rin sa kung ano-anong tumatakbo sa utak ko.
Bumangon na lang ako at nagluto ng agahan ko. Mamayang 8 am ay pupunta ako sa Bella Magazine Company dahil ako ang kinuha nilang model for the month of December.
Ibibigay kasi nila sa akin ang theme for the photoshoot and also the dates. Hindi pa naman makakasunod agad si Pete, yung gay handler ko.
Si Pete ang nag-recruit sa akin sa modelling world. Kahit pangit ako noon ay ginawan niya ng paraan na gumanda ako. Hindi ako retokada pero lahat nang maitutulong niya ay binigay niya sa akin.
After my meeting sa Bella hindi ko alam kung saan ako pupunta. Maybe I will go out muna and go sa condo ko para i-check pero baka may media. Kaya wag na lang. Binilisan ko na lang ang kilos ko para makaalis ako kaagad. Ayoko namang tumambay lang dito sa bahay ni Nanay.
Simpleng black loose shirt ang sinuot ko at maong pants. Nag-messy bun na lang din ako tsaka ko sinuot ang big sun glasses ko at ang rubber shoes ko. Casual na. Hindi ako sanay na magarbo ang suot ko lalo na kapag aalis ako. Mas gusto kong ordinaryo lang at hindi pansinin.
Mga past six in the morning na rin ako nakaalis sa bahay. Hindi ko pa rin chineck ang phone ko kasi bukod sa hindi ko alam kung ano ang una kong babasahin sa mga messages sa akin ay tinatamad ako.
Using the Waze app in my iPad ay nilocate ko ang place ng Bella. Hindi pa naman ako gaanong pamilyar sa lugar ng Pilipinas. One year lang naman ako nag-stay noon dito dahil sa nag-away si Mommy at Daddy. Dinala kami ni Mommy dito sa Pilipinas at naiwan si Daddy sa Singapore. Hindi ko na rin alam kung ano ang pinag-awayan nila basta lagi kong nakikita noon si Mommy na umiiyak at malungkot kaya nag-decide si Mommy na dito kami mag-stay hanggang sa maayos nila ni Daddy ang relationship nila.
As usual, hindi magiging Manila ang Manila kung walang traffic. Umaga na nga ako umalis pero parang hindi ako aabutin sa pupuntahan ko dahil na rin sa Traffic Congestion dito sa Maynila. Wala talagang pagbabago ang sistema ng trapiko ng Pilipinas.
Ordinaryo lang naman ang buhay ko eh. Ginawa ko lang yung pangarap ko na maging Journalist. Kahit kailan hindi ako napagod sa pagiging Journalist pero kahit hanggang studio lang ako at ilang news lang ang nagagawa ko dahil mas nag-focus na ako sa hosting career ko ay hindi ko tinanggihan kapag binibigyan ako ng field works pero kapag nauunahan ni Daddy talagang hindi na nakakarating sa akin ang trabaho.
I'm stuck sa pangunguna ni Daddy at pag-pursue sa gusto ko sa buhay.
Pero dahil panganay ako at kailangan ko maging model sa mga kapatid ko na sundin ang mga magulang namin ay ginagawa ko na lang. Mabait ako kung mabait pero minsan nakakapagod ding maging mabait lalo na at hindi na-a-appreciate.
Yung sumunod sa akin na si JM nag-asawa kaagad kasi nakabuntis siya. Ayaw siyang payagan ni Daddy na hindi pakasalan yung babae. Natakot na ata si Daddy na maging katulad siya ni JM kapag iniwan niya yung babae pero kaiba naman sila kasi si Mommy ang nang-iwan kay Daddy noon.
BINABASA MO ANG
Chain of Memories
RomanceThe Montevera Series #3 Union of love The memories that we had The love that we had In a snap of hand I forgot How can I regain it? How can I remember it? -GS